Unexpected Visitor
"Kain ka na" sabi ko kay James na kakagising lamang. Maaga kasi akong nagising dahil gusto ko siyang pagsilbihan man lamang. May mga maids naman kaya tinulungan nila ako.
"Ang aga mong nagising ah. Baka mamaya niyan nagpapakapagod ka na naman" ngumiti lamang ako bilang sagot. Isa pa sa nagpapagising sa akin ng maaga ay ang pagsusuka ko. Alam ko naman na parti iyon ng pagiging buntis kaya imbes na matulog na lamang ay gumawa na lamang ako ng agahan namin.
"Sabayan mo ako" tumango na lamang ako at umupo sa tabi niya.
"Dapat marami ang kakainin mo dahil hindi na lamang ikaw ang nagmamay-ari niyang katawan mo may baby ka na din" aniya at hinawakan pa ang tiyan kong hindi pa naman halata kaya pinalo ko siya.
"Alam ko naman iyon. Bini-baby mo pa ako e mayroon na nga akong baby" sabi ko sa kanya na ikinatawa na lamang niya. Siya na din ang naglagay ng mga kakainin ko pati ng gatas ko dahil ika nga niya 'Ikaw ang prinsesa ko' kaya wala na akong nagawa pa.
"Mamaya ay pupunta ako sa bayan para mamili ng mga gagamitin ko dito sa bahay natin. Gusto mong sumama?" Tumango ako dahil gusto ko ding makita ang buong Tuburan.
"Kung sa gayon ay pagkatapos nating kumain ay maghanda kana para makaalis tayo. At gusto ko mag suot ka ng dress o kahit na ano na hindi sexy dahil pupunta tayo sa isa sa mga chapel dito sa Tuburan. Kailangan kasi doon naka skirt ang mga babae na hindi maikli" tumango na lamang ako. Andito naman iyong mga gamit ko kaya alam kong mayroon akong ganoong damit. Iyong minsan na akong sumabak sa isang interview ng school namin.
Nakakalungkot man isipin na ang school na nag-alaga sa akin at ang school na minahal ko at doon nabuo ang pangarap ko ay bigla na lamang mawawala na parang bula. Ang sakit lang isipin pero kakayanin ko dahil balang araw. Makakapagtapos din ako, hindi man sa paaralang iyon basta't makamit ko lamang ang aking pangarap.
On the way na kami sa sinasabi niyang chapel. Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil sa kagandahan ng tanawin dito sa probinsya.
"May mas maganda at preskong tanawin dito. Doon sa Asturias, malapit lang iyon dito lalo na ang Hacienda ng mga Jayme" aniya ng makitang nawiwili ako sa tanawin.
"Kilala mo ang mga Jayme?" Tanong ko sa kanya na ikinatango niya.
"Oo, isa sila sa may roong ilang hectaria ng lupain na iyon. Kulang na nga lang ay sa kanila na iyon ipangalan. Kaibigan ko kasi ang isa sa mga apo ng may-ari doon si Emmanuel and ikatlong apo ng mga Jayme" tumango na lamang ako. Hindi ko naman iyon kilala.
BINABASA MO ANG
A One Mistake (Cycle d'Amis Series #2)
Romansa"I am rich not by money but by love" -Vanessa Del Rosario Started: April 20, 2015 Ended: June 15, 2015