_________________
Lahat ng bata pinangarap ang magkaroon ng kompleto na pamilya, mapagmahal na ina at tagapagtanggol na ama. Pamilyang masaya at magkasamang haharapin ang problema. Halos lahat naranasan ang ganyang pamumuhay, ngunit may iilan ding hindi nagkaroon ng tsansya.Sa pagdaan ng taon at mas naging sikat ang mga iba't ibang teknolohiya at aktibidad, may ibang iisipin nalang din na 'SANA' wala akong mga magulang na nangingialam sakin. Na 'SANA' malaya ako sa gusto kong gawin!
Pero paano na nga kung isang araw wala na sila, ikaw nalang talaga mag-isa at pilit maging independenteng mamamayanan. 'SANA' sa panahong yun ay kakayin mo at hindi magsisisi sa huli.
...
"Sana po sa paglaki ko at ikakasal sa taong mahal ko ay anjan pa din kayo sa gilid ko. Wag niyo akong iiwan papa at mama ahh?"
"Oo naman anak pangako namin yan ni papa"
"Promise yan ni papa. At sana ikaw hindi magiging makulit masyado ahh?"
"Oo naman po, good girl kaya ako"
"Suss halika nga ni mama at papa, payakap ng pinakamahigpit"
Napabangon naman ako sa aking pagkakahiga. Sumikip bigla ang dibdib ko at pinagpapawisan pa. Napangiti naman ako ng mapait. What a nice dream.
Agad ko namang pinatay ang isang alarm clock na nag-iingay. Six-am na, oras na para maghanda para sa panibagong araw sa trabaho. Bukas na, bukas ko na makakapiling muli ang unang lalaki na minahal ko. Papa...
❗❗❗
This story is a work of fiction.Names, characters, places, and events are made by yours truly.
Any resemblance to real persons, living or deads, and actual events is purely coincidence.All rights reserved.
Plagiarism is a crime.Please support and vote my story.
Love lotsssss💓Xia_Lire_24 ❤️
❗❗❗
YOU ARE READING
Things I Never Said (A Short Story / COMPLETED)
Short StoryLahat ng bata pinangarap ang magkaroon ng kompleto na pamilya, mapagmahal na ina at tagapagtanggol na ama. Pamilyang masaya at magkasamang haharapin ang problema. Halos lahat naranasan ang ganyang pamumuhay, ngunit may iilan ding hindi nagkaroon ng...