Chapter 6
- 5 years ago -"G-Graduate kana sa college anak, kaya hintayin mo nalang makatapos kayo bago mo siya pakasalan" napatingin naman ako kay papa na nakatayo sa harap ng aming pinto dito sa maliit apartment na kasya lang din sa aming dalawa.
"Papa, ilang months pa naman yung graduation at tsaka yung kasal next month na. Don't worry magtatapos ako, malapit na" bored ko ng sagot sa kanya kasi naman kada uwi ko yan agad ang sasabihin niya. Like what the, paulit ulit nalang? Alam na niya naman kung bakit mas mapapaaga ang kasal namin eh.
"Pero hindi ba pwede na hintayin ka nalang ni Geo anak na makapag tapos? Hindi ka pa naman buntis eh para magmadali----" , "Papa naman eh sabi ko sayo na kailangan magpakasal muna si Geo bago ipamana ng grandparents niya ang eskwelahan nila at next month na yun. At wala pa din sa isip namin ang magkaanak kasi alam kong malaki ang respeto ni Geo sakin at lalo na sayo" pinutol ko na agad ang sasabihin niya. Napabuntong hininga naman siya at ilang saglit lang ay dahan-dahang tumango. Nanlaki naman ang mata ko at agad siyang yinakap ng mahigpit.
"Para sa ikakasaya ng pinakamamahal kong prinsesa. Papayag ako basta ang pag-aaral ahh malapit lapit na lang naman. Mahal na mahal ka ni papa" hindi na ako nakasagot pa at yinakap nalang siya. Yinakap niya din ako at hinahaplos ang buhok ko. Nasa ganoong posisyon kami sa loob ng limang minuto at kumalma na din ang mata ko sa kakaiyak.
"Paano ba yan papa, SATURDAY bukas kaya samahan mo ako magsukat ng susuotin mo. Yung sakin kasi malapit ng matapos at pati na din ang iba. Sayo nalang ang kulang" nakangiti kong pahayag kaya nagulat naman siya. Napabusangot naman ako na ikinatawa niya lang.
Yun ang totoo, last week lang ay kompleto na ang lahat para sa kasal ko next month. Ang susuotin nalang ni papa ang kulang kasi ayaw niyang pumayag. Ang dami niya pang tanong at what if's. Para ngang babae eh sa dami ng reklamo. Hay nako.
"Gora ako dyan " napatawa nalang kami sa sagot niya na parang ginagaya pa ang kapitbahay namin na bakla. Itong sa papa talaga ehh, mukhang tahimik lang ito pero judgemental to. Namiss ko din ang ganitong ugali niya.
Mag t-tatlong linggo na din kasi na hindi niya ako pinapansin at tanong lang ng tanong about sa sinabi ko na magpapakasal na ako. Naiyak nga ako noong pagkasabi ko sa kanya kasi bigla nalang siyang tumahimik at ayaw ng ngumiti. Mabuti nalang at kinuha ako ni Geo noon sa apartment namin kasi hindi talaga ako pinapansin ni papa kahit anong iyak ko. Akala niya kasi buntis ako 😭.
Kinabukasan nun umuwi ako at nagtanong siya na ikinasagot ko din na nag r-ready na kaya mas lalong hindi niya ako pinapansin. Kaya simula noon hindi na ako natulog dito, bumibisita nalang ako sa kanya kada umaga at susunduin ni Geo pagka hapon. Grabing suyo ang ginawa ko--namin ni ng mapapangasawa ko at ang saya ko kasi sa wakas pumayag na siya ngayon.
"Dito ka naba matutulog anak? Miss ko na ang sipa mo" natatawang tanong ni papa sakin kaya nahampas ko ang balikat niya pero mahina lang. Nag puot nalang ako. Pinapaalala niya na naman kung gaano ako kalikot matulog ehh.
__________
"Salamat po talaga sa blessings niyo tito. Wag po kayong mag-aalala mahal na mahal ko po ang anak niyo kahit minsan tupakin---aray naman hon" binatukan ko na si Geo. Ang daming alam eh. Napatawa nalang si papa habang tumatango. Kaya napangiti na din ako. Nakita ko ng masaya siya ehh kaya masaya na din ako.
"Papa nalang, nahiya ka pang hinayupak ka" ako naman ang natawa ng malakas ngayon sa binatong salita ni papa kay Geo. Hinampas hampas ko pa ang balikat niya kaya napapadaing siya. BWAHAHAHAHAHA..
"O-opo papa. Papa ohh ang anak niyo mapanakit" nagsumbong pa siya pero ang papa inirapan lang ang groom ko bago tumalikod. Nagaya na niya talaga ang pag-uugali ng kapitbahay namin. Sumakit nalang ang tyan ko sa kakatawa. Lt eh.
"Masanay kana, deserve mo yan kasi hindi ka makapag hintay. Tara na nga at baka magbago pa ang isip ko----joke lang anak" tinakot pa kami ni papa pero sinamaan ko siya ng tingin na ikinailing niya nalang. Hays ama ko ba talaga to? Para silang mag-ama ni Geo ehh.
________
"Sakto lang ito sakin anak, wag ka ng magpatahi" tinitigan ko naman ang suot ni papa ngayon. May pinatahi na kasi ako noong sinukatan ako at si Geo at good thing at sakto lang talaga kay papa. Napangiti naman ako, ang gwapo talaga ng papa ko kapag nakapormal.
"Gwapo talaga ng papa ko oh" napatawa nalang siya sa hiyaw ko tsaka ako yinakap saglit. Tumango naman ako sa nakaalalay ka papa bago ito nagpalit na ng damit. Ang sapatos niya nalang ang kulang.
"Tara papa sa sapatusan tayo---" , "wag na anak at may black shoes pa naman ako yung ginagamit ko sa eskwelahan" pinutol na ng makulit kong ama ang dapat kong sasabihin kaya napairap nalang ako. Kahit kailang talaga, ang kulit.
"Anong okay pa yun, isang sipa na nga lang nun magigiba na. Wag ka ng aangal pa at ako na ang nakakita nun kanina kaya wag ako" tumango nalang siya sa sinabi ko. Wala na soyang magagawa pag ako na ang nagpumilit. Gusto ko lang naman bumawi sa kanya. Kasi noon, hindi pa sira ang sapatos ko ay binibilhan na niya ako ng bago. Noong una umangal pa ako kaso ako na ang nagsawa sa palagi niyang sinasabi na 'wapang aangal' kaya hindi na nga ako umaangal.
"May katapat kana papa, pano ba yan hahaha" napapailing na saad ni Geo dito kaya naparawa nalang sin sila. Kitams, parang sila ang mag-ama.
Close talaga silang dalawa kasi noong hindi ko pa nakikilala si Geo ay nagkakita na pala sila doon sa isa pang paaralan na pagmamay-ari nila. Doon nagturo si papa ng mag graduate ako elementary, lumipat siya sa private school kung saan may elementary at high school level para lang mabantayan ako. Ayaw lang niya talagang himuwalay sakin, bakod dito bakod doon si papa.
"Sana andito ang mam---" , "PAPA" may pagbabanta kong pagpigil kay papa. Hindi ko naman siya liningon pa at nagpatuloy na sa paglakad at napakuyom ang kamao. Ayoko pang pag-usapan ang tungkol sa isang walang silbi sa buhay ko. Kaso ang ama ko, hindi pa talaga yun malimot limot. Kaya hindi namin maiwasan mag-away ni papa dahil sa kanya eh.
Pinahid ko naman agad ang tumakas na luha sa aking mata bago pumasok sa isang shop na nagtitinda ng sapatos. Pero bago pa yun ay naramdaman ko sa aking likod ang pagyakap ni papa. Napakagat nalang ako sa aking labi bago siya hinarap na may ngiti at hinila na siya sa loob. Alam na niyang ayaw na ayaw kong marinig ang tungkol doon. Masisira lang ang araw ko at worst ay magagalit na naman ako kay papa.
🥺💔
YOU ARE READING
Things I Never Said (A Short Story / COMPLETED)
Short StoryLahat ng bata pinangarap ang magkaroon ng kompleto na pamilya, mapagmahal na ina at tagapagtanggol na ama. Pamilyang masaya at magkasamang haharapin ang problema. Halos lahat naranasan ang ganyang pamumuhay, ngunit may iilan ding hindi nagkaroon ng...