- 1 year later -
"Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday, happy birthday
Happy birthday to you~~~" masiglang kanta ng lahat habang nakatingin sa akin ngayon."Happy 27th birthday Lady Sofia!!!" Magiliw at malakas na sigaw ng lahat kaya napatawa naman ako kahit naiiyak. Nasa harap ko ang pamilya ni Geo kasama na din siya habang may dalang cake at katabi niya ang may mslaking ngiti na si papa.
"Make a wish My Lady" malambing na saad ni Geo kaya sinunod ko naman ang sinabi niya. Pumikit naman ako.
"Lord maraming salamat sa lahat ng bagay na binigsy mo sakin. Wala na akong ibsng hihilingin pa ngayon kasi lahat ng wish ko noon ay binigay mo na. Last wish ko ay makasama ulit ang papa ko at natupad nga yun. Ngayon naman ay nagpapasalamat na ako sa lahat lahat. Amen"
Nagpalakpakan naman silang lahat ng hinipan ko na ang kandila. Lumapit naman sakin si papa at yinakap ako ng napakahigpit at ganun na din ako. Naiiyak pa ako kasi siya ang may plano nito na i surprise ako sa birthday ko.
Yes tama kayo, okay na sa papa. Wala na siyang sakit kasi noong last birthday ko yun ang wish ko at yun din ang panahon na naging okay na siya at naaalala na niya ako. Lahat lahat. Kaya todo kami supurta sa kanya para maging okay na talaga siya. Sa mga gamot at therapy na isinagawa sa kanya ay naging okay na nga siya.
"Happy 27th birthday anak, tanda mo na nak pero ikaw pa din ang nag-iisa kong prinsesa. Wala ng iba" nakangiti niyang sabi tsaka pinisil ang pisnge ko. Napatawa naman ang asawa ko na kakalagay lang ng cake sa lamesa na napuno ng pagkain.
Ng gumaling na siya ay sabay kaming nag move on. At sabi niya kailangan na din naming kalimutan ang nakaraan about sa ina ko. Kasi kung nagawang mabuhay nito na wala kami ay ganun din kami. Nasa ibang bansa na ito kasama pa din ang pamilya niya na bago kaya wala na kaming magagawa pa.
"Salamat talaga pa, I love you gwapo kong papa" madalas ko na itong nasasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal na ikinatawa niya nalang kasi ang cringe daw hmp hampasin ko siya eh charing.
"Mahal din kita anak. Sige na dun kana sa asawa mo at baks mag selos yan" tinulak niya pa ako ng mahina kay Geo na ngayon ay nagtataka kaya napatawa nalang ksmi ni papa at nag apir pa bago siya tumungo sa mga kaibigan niya.
Naging masaya ang araw ng birthday ko at busog na busog kasi nagpa letchon si mama na ikina pasalamat ko dito. Sponsor daw kasi last birthday ko hindi natupad haha.
Mas lalong naging masaya ang lahat sa ibinalita ko. Gulat ang lahat kasi hindi nila inaasahan, lalo na ako at ang asawa ko na malapit pang nahimatay sa gulat at saya kaya nabatukan ko. Umiyak siya ng iyak kaya nagtawanan nalang kami. Alam niyo ba bakit?
Buntis kasi ako at 4 months na. Hindi ko nalaman agad kasi wala akong ibang naramdaman na werdo at hindi halata sa katawan ko. Sino ba naman kasi ang mag aakala na mabubuntis ako eh alam naming himala na yun kasi may sakit ang asawa ko. Kaya ganun nalang ang reaksyon niya.
Kung hindi kasi ako nagtaka kung bakit mag lilimang buwan na ako hindi dinadatnan ay hindi ko malalaman. Natawa pa ang doctor kasi isa itong napakalaking himala. Ang saya saya ko nun, kaming lahat lalo na si papa.
May mga panahon talaga na hindi natin mapigilang magalit at hindi gustong marinig pa ng paliwanag. Nagiging matigas tayo at mas pinapahirapan natin ang sitwasyon na dapat ay solusyonan natin agad bago pa mahuli ang lahat.
Kaya dapat bago ka mag judge at magbitaw ng masasamang salita ay pag isipan mo muna at mag pakalma muna. Hindi sa lahat ng panahon ay mag desisyon agad agad, pakalmahin muna ang sarili at matutong makinig.
Sa mga may mga magulang din dyan. Ang swerte niyo na kung nakasama niyo pa sila kaya grab the opportunity na na maka bonding sila at sundin ang payo nila. Sila ang unang taong gagabay satin ngunit alam naman nating hindi lahat kaya pag ikaw na ang magkapamilya ay gawin mo ang lahat na hindi mapabayaan ang anak mo at pamilya mo. Yun lang, at salamat sa pagtangkilik ng storyang ito. Babuu...
The End~
😊🥰
YOU ARE READING
Things I Never Said (A Short Story / COMPLETED)
Cerita PendekLahat ng bata pinangarap ang magkaroon ng kompleto na pamilya, mapagmahal na ina at tagapagtanggol na ama. Pamilyang masaya at magkasamang haharapin ang problema. Halos lahat naranasan ang ganyang pamumuhay, ngunit may iilan ding hindi nagkaroon ng...