Chapter 2
-PRESENT-"Good morning Mrs. Gomez" bati ng mga nakakasabay ko papasok sa paaralan na tinatarbahoan ko. Binabati ko naman sila pabalik ng 'good morning' din na may kasamang ngiti. Bago dumeretso sa room ko ay nag time in muna ako sa faculty office.
"Good morning ma'am" bati ng isang naglilinis sa may hallway kaya binati ko rin ito pabalik. Wala pa gaanong estudyante at mga staffs kasi masyado pang maaga. Sadyang early bird lang talaga ako kasi nasa malapit lang naman ng paaralan ang bahay ko.
Naglakad pa ako papunta sa pinakadulo na room dito sa 1st floor, which is ang library. I'm a librarian here at San Jose State University. This is my dream job, because I love books and aside from that I'm an wattpad author too.
Pagkapasok ko ng library ay agad bumungad sakin ang lamesa ko sa gilid na may nakalagay kong pangalan. 'Mrs. Lady Sofia E. Gomez - Librarian'. Pinatong ko muna ang sling-bag ko sa table bago maupo at kinuha ang cellphone. Bumungad naman sakin ang lockscreen ko, picture ng asawa ko noong bagong kasal kami. Pinindut ko naman ang caller at may denial.
"Hello my lady? Miss me already?" Malambing tanong ng sa kabilang linya kaya napangiti naman ako. Ang dami talagang alam ng lalaking to.
"Yes, kaya umuwi kana" may pagtatampo kong sagot. Nasa Manila kasi siya, sa mama niya at dun siya natulog kagabi. Birthday kasi nito kaya pumunta siya at habang ako ay hindi na nakapunta kasi may pinuntahan pa ako na importanti. Naintindihan naman yun ng gwapo kong asawa kaya yun.
"Oo pagkatapos naming mag-almusal----anak papadalhan kita ng paborito mong letchon, wag mo ng bigyan ang mabait mong asawa kasi nagsawa na to dito" napatawa naman ako ng agawin ng mama niya ang telepono at siya ang nakipag usap na sakin.
"May salad ba ma? Pinge naman" saad ko pa kaya narinig ko naman siyang natawa. "Abay oo meron. Tsaka may maja pa, ipapadala ko din sayo. Sayang nga at wala ka kaya sa susunod na buwan ahh birthday mo kaya sana dito ka mag celebrate ahh" kahit hindi nila nakikita ay tumango naman ako. Ang sweet talaga ng pamilya ni Geoffrey sakin lalo na ang mama niya. Sanaol.
"Yown. Hihintayin ko yan mama, at opo next month jan ako mag b-birthday para naman may letchon" biro ko kaya natawa naman sila. May baboyan kasi sila at may kaya din kaya pag may selebrasyon may letchong baboy talaga. Ang saya ng pamilya nila kahit simple kaya nakakainggit, hays.
"Oo meron na meron anak! Abir ma high blood hahaha" mas lalo akong natawa sa biro niya. Narinig ko pang sinasaway siya ng asawa ko pero tinawanan lang ito. Ang kukulit.
"Hon bye na at kakain na kami. Ikaw kumain ka naba?" Paalala naman nito ng may naalala ako. Ops, hindi pa hehe.
"Hehe pagkatapos nitong tawag hon kakain na din ako. Nalate na kasi ako ng gising kaya tinamad nako mag luto at bumili nalang sa canteen " narinig ko namang napabuntong hininga nalang siya kaya napakamot nalang ako sa ulo. Ang pinaka ayaw niya talaga ang malipasan ako ng gutom.
"Mamaya ka sakin tinatamad pala ahh. Oh siya mamaya nalang hon, kumain kana agad ahh. I love you so much My Lady" malambing niyang sabi na napangiti sakin.
"I love you more My silly husband" napatawa nalang ako ng rinig ko pa ang apila niya bago pinatay ang tawag. Kinuha ko naman ang binili ko kanina bago tumayo papunta sa cabinet na nasa likod ko. May gamit na ako dun na plato at kutsara na ginagamit ko pag kumakain. Regalo pa yan ng asawa ko kays tinatago ko talaga at baka hiramin pa ng iba.
________________
Busy ako ngayon sa pagsusulat ng copy ng logbook, may mga estudyante pa kasing nanghihiram ng mga libro dito sa library which is a good sign na may mga kabataan pa talagang mahilig gumamit ng libro kesa sa gadgets nila.
Isa din sa mas madalas na hiramin ng mga bata ang mga wattpad books na andito lalo na yung science fiction at history. Ako talaga ang nag suggest na lagyan ng ganitong klaseng mga libro dito para naman sa mga bata, na mahumaling pa sila sa ganito at maiwasan ang pagkababad masyado sa internet.
At iilan din sa mga librong ako ang nagsulat ay nakalagay din dito, kaya maraming estudyante na nagpapa cute sakin para lang makahiram. Naaaliw na din ako pero syempre yung R-18 ay bawal pa sa mga minor. Naiintindihan naman daw nila kaya next time nalang daw.
"Hola Lady_Sofia!" Napapikit nalang ako sa gulat sa biglang sigaw ng bruhang babae---esti matalik kong kaibigan dito na isa ding high school teacher. Si Mrs. Fabian Q. Lastimosa. May asawa nato pero makabasa sa wattpad books wagas.
"Aist kahit kailan ka talagang babae ka. Alam mo namang bawal mag-ingay sa library sisigaw ka pa talaga. Mahiya ka naman sa mga estudyante oh" sita ko sa kanya tsaka tinuro ang mga estudyante na nagbabasa sa loob. Napalingon pa sila dito sa babaeng nasa harap ko na nag peace sign pa. Childish.
"Oo na po. Masaya lang ako and guess what? Salamat pala sa isa sa mga libro mo ahh tignan mo ako ohh diba ang fresh? Yan ang mukha ng nasakto sa dilig---" , "isa pa Fabian ahh papasakan ko yan ng libro ang bunganga mo" pinutol ko na ang sasabihin niya kasi spg na yun, may bata pa namang kakapasok lang.
"Hello po sa inyo ma'am, magsasauli lang po ako ng libro" saad niya habang nakangiti kaya tumango ako at ngumiti na din. Binalik niya naman ito sa shelves bago bumalik sa harap ko.
"Ito iha paki pirma dito at ito na din ang id mo, thanks" sabi ko at isinauli ang id niya. Ganyan kasi pag naghiram ka ng libro sa library, kailangan mong iwanan ang id mo at pumirma kung kailan mo hiniram at sinauli ang libro. Hindi naman dapat mag-alala kung dadalhin mo sa bahay ang libro kasi bibigyan ko naman sila ng slip na nakalagay dun ang pirma ko . No id, no entry kasi ang University kaya dapat may ipapakita silang slip na yun pag iniwan dito ang id nila. At pag nawala ang libro hindi naman agad makakamulta kasi dun na sa pangalawang beses like warning lang siya pag sa unang pagkakataon ay nakawala ka at papalinisin ko nalang sa loob ng library.
"Thank you po" tumango nalang ako at si Fabian doon sa bata bago ito tuluyang makalabas. Umupo naman sa harap ng table ko ang babaeta at naka dekwatro pa.
"Ano ba ang pinagsasabi mo pala kanina. Ikaw talaga, pakihinaan naman yang bunganga mo" bulyaw ko dito at ang bruha nag roll eyes lang. Dinilatan ko ito ng mata kaya natawa na din siya.
"Well ginaya ko lang ang nasa libro kaya yun, ang saya ng gabi ko with mister syempre. Makakabuo na kami nito hahaha" napailing nalang din ako sa kanya. Sanaol makakabuo. Gaga talaga tong babae na to, kakapakasal lang nito iwan ko lang matatagalan ba ng asawa nito sa pag-uugali na isip bata.
💓
YOU ARE READING
Things I Never Said (A Short Story / COMPLETED)
Kısa HikayeLahat ng bata pinangarap ang magkaroon ng kompleto na pamilya, mapagmahal na ina at tagapagtanggol na ama. Pamilyang masaya at magkasamang haharapin ang problema. Halos lahat naranasan ang ganyang pamumuhay, ngunit may iilan ding hindi nagkaroon ng...