Chapter 4
- PRESENT -"Hon excited ka naba para bukas?" Napahinto naman ako sa paglalakad ng biglaang tanong ng asawa ko. I don't know either.
"Hindi, I don't know " kinakabahan kong sagot dito bago napayuko. Naramdaman ko naman na yinakap niya ako sa likod kaya kusang tumulo ang luha na kani kanina lang nagbabadyang tumulo.
"Hush now hon, andito naman ako para sayo okay? At alam kong kaya mo to. Ikaw pa eh ang lakas mo ngang manapak" napatawa nalang kami sa biro niya. Alam niya talaga paano ako patawanin.
"Kakayanin" pursegido kong saad na ikinatango niya at tsaka ngumiti. Humarap naman siya sakin tsaka ako hinalikan sa noo at yinakap ng mahigpit. How I love this man so much. Bukod kasi sa isang tao ay ang asawa ko lang ang nakakaintindi sa pagkatao ko. At ganyan ako ka swerte.
Pumasok na agad kami sa aming bahay at dumeretso na sa kwarto para matulog. Kumain naman na kami sa labas pagkatapos ng duty. Sabado naman na bukas at may lalakarin kami na importanti.
Naalala ko naman noong sampong taon gulang pa lang ako, kahit gaano ka miserable ang buhay ko ay may isang taong hindi ako iniwan at sinupurtahan pa ako sa lahat ng bagay na gusto ko.
- 15 years ago -
"Papa, sabi niyo po may importanti lang na lalakarin si mama. Bakit hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi? I'm 10 na and I'm big girl na" malungkot kong pahayag kay papa na sinisindihan ang kandila ng cake ko. Malungkot naman siyang napatingin sakin at ngumiti ng pilit.
"Nagtatrabaho kasi ang mama mo anak. At strict ang mga amo niya kaya hindi siya makakauwi. Pero pangako niya pag debut mo uuwi siya at bibili ng napakalaking cake. Gusto mo yun?" Nagliwanag naman mukha ko dun pero agad ding nawala.
"Hindi naba tayo love ni mama? Ako po, ayaw na niya ba sakin po?" Tanong ko ulit kaya napaiyak naman si papa lumapit sa akin at mahigpit akong yinakap.
I'm big girl na kaya alam ko na ayaw na ni mama sa amin. Kasi araw-araw nakikita ko ang mga mama ng classmates ko na hatid sundo sila at parating inaabutang ng towel at tubig pag pagod na sila. While me, si papa lang ang meron ako. Kahit busy din si papa sa pagtuturo ay nagawa niya pa ring alagaan ako at hindi siya nagkulang dun. Habang si mama, maski tawag at text ay wala. Hindi ko na siya nakita pa o naramdaman.
"Hush now anak, andito naman si papa diba? Love na love ka ni papa kaya wag kanang sad ahh? Kung hindi masasaktan din si papa" pinahid ko naman ang luha ko bago ang sa kay papa. Umiiyak na naman kami, at dahil yun sakin kasi tanong ako ng tanong.
"Love na love din kita papa kaya wag ka na din umiyak. Dapat happy lang" nakangiti kong hiyaw kaya napangiti ko na din siya. Ang gwapo talaga ng papa ko kapag masaya siya.
"So kain na tayo bago pa lumamig ang ulam " bumalik naman si papa sa upuan niya at linagyan ng pagkain ang plato ko. Andito lang kami ngayon nag celebrate ng birthday ko sa bahay at kakagaling lang namin sa simbahan para mag pray. Bumili lang kami ng pagkain sa jollibee at cake na din kaya kahit kami lang dalawa ni papa ay happy ako.
"Happy 10th birthday anak. Papa loves you always " bati ni papa sakin bago ko siya lapitan at yakapin. Ang swerte ko talaga sa papa ko.
" thank you po papa ito ohh hehehe" saad ko sabay pahid ng icing sa pisnge niya sabay takbo. Nagtatawanan lang kami na naghahabulan habang may icing sa mukha at kamay hanggang sa mapagod ako kaya nagpatuloy na kami sa naudlot naming kainan.
YOU ARE READING
Things I Never Said (A Short Story / COMPLETED)
Historia CortaLahat ng bata pinangarap ang magkaroon ng kompleto na pamilya, mapagmahal na ina at tagapagtanggol na ama. Pamilyang masaya at magkasamang haharapin ang problema. Halos lahat naranasan ang ganyang pamumuhay, ngunit may iilan ding hindi nagkaroon ng...