Chapter 1

106 2 0
                                    

Chapter 1
20 years ago...

"Papa wala pa po ba si mama?" Tanong ko dito na kanina pa nakatitig sa telepono niya. Andito kami ngayon sa isang fast food chain ng isang mall kasi special day ko ngayon at dito kami mag c-celebrate .

"Wala pa anak eh, wag kang mag-alala papunta na yun kasi hindi ko na ma contact eh" panigurado ni papa sakin kaya tumango nalang ako. Kanina pa ako natatakam sa nakahain sa lamesa namin at unti nalang din ang andito.

Yinakap ko naman ang isa sa regalo ni papa sakin. Isang malaking teddy bear na kasing taas ko. At ang astig nga eh kasi may backpack siya at puno ng chocolates. Ang sarap sarap nga ehh hehehe.

"Babay girl mamaya na yang chocolates kasi kakain pa tayo ng kanin eh. Sige ka at pagnaabutan ka ng mama mo magagalit yun" pagbabanta ni papa sakin kaya gulat naman ang mukha ko at agad niligpit ang naka kalahati ng chocolate. Katakot pa naman magalit si mama, mangungurot yun ng singit hala.

"Gutom na po ako papa eh, look oh natutunaw na ang ice cream at baka lumipad na yang fried chicken" nakabusangot kong sabi na ikinatawa niya lang. Hindi naman ako nagbibiro eh.

"Kunting hintay nalang anak dadating na din yun---teka sasagutin ko lang ang telepono na ah tumatawag na si mama" tumango naman ako na may ngiti dito. Sa wakas makakakain na din ako maya-maya.

Ang sasarap pa naman ng nakahain sa table. Isang bucket ng fried chicken, isang mini-cake, spaghetti, French  fries, at ice cream. Yan kasi ang mga favorite kong pagkain kaya yan ang inorder ni papa. Ano kaya ang regalo ni mama sakin, excited na ako wehehehe.

Napalingon naman ako kay papa na nabitawan bigla ang telepono na bumagsak sa lamesa. Nakatulala siya habang may tumutulong luha sa mga mata. Hala bakit umiiyak ang papa ko?

"Papa okay ka lang po? Asan na daw si mama?" Nakangiti kong tanong kaya napatingin naman siya sakin at mas lalong bumuhos ang luha niya. Ang weird ni papa, umiiyak na walang tunog.

"O-okay lang ako anak. Ahm kain na tayo" hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya. Ilang segundo lang ay parang may naalala siya. Hala si papa. Wehehe

"Happy 5th birthday my baby girl. What's your wish? Blow the candle muna ito ohh" masaya naman akong nagpalakpak at tumayo sa kinakaupuan ko. Sinindihan naman ni papa ang candle ng cake ko tsaka tumayo at lumapit sakin.

"Papa God ang wish ko po na sana matagal na matagal pa kaming magkakasamang tatlo at healthy always ang health. Thank you din po sa grasya na ibinigay niyo po sa amin. Amen" magiliw kong saad na nakapikit pa kaya natawa naman ng mahina si papa. Agad ko namang ni blow ang candle kaya nag palakpakan kami ni papa.

"Kakain napo tayo papa? Si mama po?" Tanong ko ng nilagay niya sa may gilid ang cake. Lumingon naman siya sakin bago nagsalita.

"W-wala si mama eh baby girl kasi tinawagan siya ng lola mo na papapuntahin sa kanila, may importanti atang gagawin. Kaya tayo muna ahh" nalungkot naman ako ng dahil dun pero naalala kong andito naman kasama ko si papa kaya okay lang.

"Okay lang po papa, andito ka naman eh. I love you po papa, kayo ni mama" masaya kong hiyaw kaya napangiti naman siya pero tumulo na naman ang luha niya. Nag-aalala naman akong bumaba tsaka kumandong sa hita niya.

Kinuha ko naman ang handkerchief ko at pinunasan ang luha niya. Kawawa naman ang papa ko, umiiyak. Baka may sakit sa kanya, kaya dapat papaligayahin ko siya ngayon para hindi na siya sad.

"Don't cry na po papa I'm here naman eh your baby girl. Tapos gutom napo ako kaya kain na tayo" tumawa naman kami bago nagsimula ng kumain. Hindi na naman ako binaba pa ni papa kaya sa hita na niya ako umupo at sinusubuan niya ako. Baka kasi masayang ko pa ang ice cream kaya si papa nalang.

Ang sarap sarap talaga, sana sa uulitin hehehe. Napatakip naman ako ng aking bibig ng dumighay ako ng malakas. Napatawa naman si papa at ibang staffs dito sa loob. Wala na kasing ibang tao kundi kami nalang. Kanina ko pa nga napapansin ang pagtitig nila ehh, gusto din ata nila kumain.

"Papa bakit po hindi kayo kumakain? Buspg na po ako oh tapos ang dami pang food. Papasubo din po ba kayo?" Tumawa naman siya tsaka napailing at ginulo ang buhok ko.

Magsasalita pa sana ako ng nakita ko na namsng tumulo ang luha niya habang hinahaplos ang ulo ko kaya pinahiran ko na namsn ito tsaka ngumiti. Niyakap niya nsmsn ako ng napakahigpit kaya ginays ko na din siya. Sweet talaga ng papa ko.

"Babalutin ko nalang ang iba nak para dalhin sa bahay ahh busog pa din kasi ako. Kaya dun ka muna sa teddy bear mo para makauwi na tayo" tumango naman ako at hinalikan siya sa pisnge bago bumaba at bumalik sa kinakaupuan ko kanina. Niyaksp ko naman ang teddy bear ko tsaka kumanta.

"Twinkle twinkle little stars~
How I wonder what you are~
Up above the World so high~
Like a Diamonds in the sky~

Napatitig naman ako sa hindi kalayuan, malapit sa escalator . Ang ganda naman at ang saya. Isang buong pamilya ata sila kasi magkahawak kamay ang babae at lalaki habang sa kabilang kamay naman ng lalaki ang isang batang babae din kagaya ko.

"Look papa it's mama ohh" masigla kong hiyaw sabay turo ko dun sa babae na nakangiti habsng kausap ang katabi niyang lalaki. Siya yung sinasabi ko, hehehe ganda talaga ni mama pag nakangiti. Like me po.

Nilingon ko naman si papa na nabitawan ang isang supot habang nakatanaw na doon sa itinuro ko. Narinig ko pa ang singhapan ng mga staff. Gulat ata sila sa ganda ng mama ko wehehehe.

"Tama po ako papa diba? It's her friends po ba, papa?" Agad naman siyang napatingin sakin kaya nginitian ko siya. May tumulo na naman na luha sa mata niya na agad niyang pinahid.

"Y-yes baby girl. Pinsan yan ng mama mo, sinusundo na ata. Kaya ikaw bumaba kana para makauwi na tayo at baka magalit si mama mo pagnakita na andito pa tayo. Gabi na kasi at hindi pa tayo nakakauwi" gulat naman ako sa sinabi niya at agad tumalon pababa ng upuan at hinawakan ang kamay niya. Nasa kabilang kamay na niya din ang supot ng pagkain.

Takot kasi ako pag nagalit si mama, nangungurot kasi ng singit eh. At sabi din ng teacher ko bad daw galitin ang parents kaya dapat good girl ako. Kailangan na naming makauwi ni papa bago kami mahuli patay.

"Tara na po papa ayoko pa namang makurot, sakit kaya nun" I said and giggled. Pati na din si papa. Kumaway naman ako sa mga staffs at ganun din sila bago kami lumabas. Buspg na busog ako kaya kakapagod maglakad, hahay.

"Piggy back ride?" Nagliwanag naman ang mukha ko sa sinabi ni papa tsaka tumango ng tumango . Tumawa naman siya bago yumukod sa harap ko kaya dali-dali akong sumakay sa likod niya.

"Let's fly papa, let's go" masigla kong hiyaw kaya tumayo naman siya at mahinang tumatakbo. May nakakasalubong pa kaming nakangiti kaya nginitian ko din sila.

Ng nasa labas na kami ng mall ay nakaramdam na ako ng antok kaya mahigpit na akong napayakap sa leeg niya at tsaka pumikit. My eyes hurts na kasi.

Naramdaman ko namang ibinaba na ako ni papa sa passenger sit ng kotse namin at may ibinulong pero hindi ko na yun pinansin pa at natulog na ng tuluyan.

"Papa will stay by your side always baby girl, happy 5th birthday ulit and I love you "









🥺

(A/P)
Huhu naiyak ako sorry, kay agang bungad sa bago kong story....
Love lotsss...

Xia_Lire_24 💔

Things I Never Said (A Short Story / COMPLETED)Where stories live. Discover now