Chapter 12: Announcement

21 0 0
                                    

Chapter 12

Announcement

"You're overreacting. It doesn't even look that bad." hindi ako pinakinggan ni Fourth at lalabas na sana ng comfort room nang hilahin ko siya pabalik.

"Doesn't look that bad? Fourth look at you!"

Hindi ko talaga kayang tumagal sa iisang lugar kasama ang lalaking to. Paano ba naman e wala man lang ni effort ang ginawa niya para ayusin ang kaniyang sarili.

Parehas kaming mukhang sabog. My dress has already shorten up kaya muli ko itong hinila pababa. Sinuklay ko na rin ang aking magulong buhok. I'm now starting to fix my make up pero itong lalaki sa tabi ko ay wala man lang balak na mag ayos.

"Why is it a big deal to you?" tanong niya pabalik.

Halos gustuhin ko ng ikutan siya ng mata. "Bakit hindi ba big deal sa'yo?"

He shrugged. "No."

I diverted my eyes away from him with frustration. Bahala siya basta mag-aayos ako! I can't let Isla and the other two see me like this. They'll surely freak out.

"Yeah right, malandi ka nga pala. Seeing you like...that, is normal to them." tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi umimik. This guy. He didn't even deny it.

Naang makuntento na sa ayos ng mukha ko ay saka ko na lamang ibinalik ang iilang make-up kit na dala ko. Mabuti nalang ay kahit papaano nakadala ako.

Akmang isasara ko na ang zipper ng bag nang makita ang kunot na panyo ni Pierce.

"Shit. I forgot to return this." bulong ko sa sarili na mukhang narinig ata ni Fourth.

"That's Pierce's," aniya Fourth.

Mabilis kong ibinalik sa bag ang panyo at kaagad itong sinara. Next time ko nalang ibabalik kapag na plantsa ko na.

I took a quick glance at myself to see if I look neat again. When I made sure that I did, I faced Fourth who seems unbothered about everything.

Tinuro ko siya. "You. Don't follow me."

Hindi ko na siya hinayaang magsalita at kaagad ng lumabas nang comfort room. I even made sure that there's no people outside before I finally let myself out.

Habang naglalakad sa kahabang-habang hallway ay napansin ko na nawala na ang classic music na pinapatugtog nila. The party probably ended already.

Tinignan ko ang oras sa aking relo. Nanlaki ang mata ng makita kung anong oras na.

It's now freaking 12:45am! Sana naman ay hindi ako tanungin ni Isla bukas kung bakit ang tagal kong bumalik. Kanina pa ata dumating sila Aliyah at Paige at siguradong natutulog narin iyon sila.

"How's the confession with Pierce went?"

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Fourth sa aking likod. This guy, I told him not to follow me!

"Fourth! Hindi ba sinabi ko saiyong huwag mo akong susundan?!" sigaw kong bulong dahil baka may makarinig sa amin.

Tinignan niya ako na para bang kinukwestyon ang sinabi ko.

"We're going in the same way, Astra. I'm not following you." tinuro niya ang hallway na nilalakad namin.

Napahiya naman ako. Oo nga pala. Iisang hallway lang ang dadaanan pababa. Stupid, Astra. Kailangan ko na talaga ng tulog. The alcohol is now taking over my body.

"Well?" tinaasan ako ng kilay ni Fourth at tila hinihintay ang sasabihin ko.

"Anong 'well' 'well' ka jan? Lumayo ka nga." sinenyasan ko siyang umatras isang metro ang layo sa akin.

Bewitched ✔Where stories live. Discover now