Chapter 41: Unknown Guest

20 0 0
                                    

Chapter 41

Unknown Guest

Hindi ko na masundan kung ilang oras silang naglalaban. It's been hours but the enchantress still didn't take any scratch from them. Nakikita ko nang nahihirapan na sila.

I clenched my fist when I felt my heart aching again. Tinignan ko ang aking kamay at nakikita ko na ang itim na usok na umiikot sa buo kong katawan.

Napaduko ako nang bigla na lamang ako napaubo ng dugo. Nanigas ako habang pinagmamasdan ang dugong dumadaloy sa aking bibig na siyang nahuhulog sa damuhan.

My senses are all slowing down. I can't count how many times I tried to gasp for air. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking damit dahil hindi ko alam kung paano pigilan itong sakit na nararamdaman ko sa buo kong katawan.

I tried to look back at them who is still fighting. Mabibigat na ang kanilang mga paghinga dahil sa ilang oras na walang hinto sa pag-atake.

Lumapit si Nicolas ila Fourth at Pierce. Tumingin rin siya sa iba niya pang kasama.

"May I borrow ya'll shadows for a moment?" Tanong niya.

Kaagad na tumango silang lahat.

"Gago ka, Nicolas. Nagtanong ka pa. Sana kanina mo pa ginawa," Sigaw ni Revo sa kaniya.

Tumawa lamang si Nicolas bago inilagay ang kaniyang palad sa lupa. Pumikit siya at laking gulat ko nalang na ang lahat ng anino nila ay kaagad na lumapit sa palad niya. Even if it's still night, the moon is bright so the shadows are still vividly seen.

Pagkatapos non ay unti-unting tumayo ang mga anino at naging hugis tao. They are still black and you can't see their faces, but they are now moving on their own.

So Nicolas is a shadow manipulator? Hindi ko pa nakita ang kapangyarihan niya kaya nakakagulat talaga.

There are only eight shadows in total, including Nicolas' shadow. Tumaas ang kilay ko nang makitang dumoble sila. The eight shadows became sixteen, until they cloned themselves again and their number doubled. Ther are hundreds of shadows now, all facing the enchantress.

Kesa matakot ay namangha pa ang engkantada. She looks so interested and amazed by their magics. Tila tuwang-tuwa pa na malaman ang mga kapangyarihan nilang lahat.

"Perfect! Perfect! I sure catch a gold with this one. I don't need a hundred more souls to consume, just by killing all of you would immediately make my blood black!" She looks at them like they are somthing amusing.

Imbis na matakot ay natawa pa si Fourth. Kahit na hingal na hingal na siya at napupuno na ng dugo ay nagawa niya pang matawa.

"And you think we'll let ourselves die in the hands of a mere enchantress?" Panunuya niya.

Nakita ko ang pagsalubong nang kilay ng engkantada.

"Mere? You're facing a god! I just need one more step to reach salvation!" Aniya.

"You think being an immortal is a salvation? You're funny," Tumawa na rin si Kaleb.

Natawa na rin ang iba dahilan kung mas lalo lamang nagalit ang engkantada.

What are they doing? Mas pinapagalit lang nila siya!

Nahinto sa pagtawa silang lahat ng bigla na lamang yumanig ang lupa. Napahawak na rin ako sa puno ng kahoy dahil sa biglaang pagyanig.

Nakataas ang kamay ng engkantada at tila nakatingin sa taas. She's murmuring something as if she's trying to summon some supernatural being.

At hindi nga kami nagkakamali. Libo-libong mga kalansay ang unti-unting lumabas sa lupa. Napakarami nito at napapalibutan kaming lahat. Pati na rin sa kung nasaan ako ay may lumabas rin.

Bewitched ✔Where stories live. Discover now