Chapter 54: Light Magic

32 0 0
                                    

Chapter 54

Light Magic

Inilibot ko ang aking tingin. May nakita akong isang lalaki na mula sa panig namin ang malapit sa amin. Tinawag ko ito.

"Hey!" Lumingon ang lalaki sa gawi ko.

Everyone in the facility knows me so the guy immediately recognized me. Tumakbo siya patungo sa akin. Fourth was just beside me silently observing.

Nagulat ang lalaki nang makita kung sino ang hawak hawak ko.

"Leo?" Nanlaki ang mata niya.

Alam kong alam niya kung ano ang ibig sabihin nito. Kahit na hindi ko na sabihin ay alam niya na kung ano ang gusto kong iparating.

"T-Take his body far from here. We'll join the battlefield," Utos ko.

Kaagad na tumango ang lalaki at dahan dahan kong inilapag ang katawan ni Leo sa lupa. I stood up and looked at Fourth.

"Let's go."

Nauna akong tumakbo at tahimik lamang siyang sumunod sa akin. Nahagip ng aking tingin ang unti-unting pag-hilom ng iilan niyang mga maliliit sa sugat. Pero ang mga malalaki naman ay dumurugo pa rin.

May nakita akong isang liwanag na lumabas sa gitna ng field. Fourth and I followed it.

Marami pa ring naglalaban. Hindi ko na makita sina Czar at Dad kaya mas lalo akong kinabahan.

I saw Revo coming in our way. Tumakbo siya papunta sa amin nang makita niya kami.

"What happened?" Bungad na tanong ni Fourth.

Tinignan muna ako ni Revo bago sinagot si Fourth.

"The woman. She has the same magic as the Goddess Forhienna. Alam nating wala pang tao ang may kapangyarihang katulad niya," Sagot ni Revo.

Natahimik ako. It's because she's a copy of her. Hindi ba nila alam iyon?

"You....don't know about her?" Sabay silang napalingon sa akin.

"Tungkol san?" Takang tanong ni Revo.

"She's my mother. Elvira Willther. The woman they kept cryofreeze for almost 20 years," Sabi ko. "And they used her body to create a replica of the Goddess Forhienna."

Sabay na kumunot ang noo nila. "What? Sigurado kaba diyan, Astra?"

Tumango ako. "Hindi niyo ba talaga alam?"

Hinarap ako ni Fourth. "We know that they are trying to experiment a woman but they said that she's long dead so we didn't mind it. To think that it's your mother and that they wanted to revive the Goddess Forhienna is something we didn't think of. Those sick fucks..."

Hindi ko alam kung bakit sa kalagitnaan ng labanan ay nagawa ko pang ngumiti. Maybe I'm just glad that they actually have no idea about it. Kasi kung mayroon ay talagang magkakalaban kami.

"I....want to save my mother's body. Gusto ko na siyang pagpahingain pero hindi pa namin alam kung paano siya patumbahin. She's way too strong even all of us combined."

Natahimik silang dalawa.

Isang malakas na sigaw ang narinig ko sa pinanggalingan kung nasaan si Mom. Pamilyar ang boses na iyon at sa tingin ko ay boses iyon ni Alexander.

"Master Gideon!"

Kaagad akong naalerto kaya muli akong tumakbo papunta roon. But as soon as I went there, my eyes widened when I saw my father lying on the ground while my mother is just standing infront of him.

Bewitched ✔Where stories live. Discover now