Kabanata 5

3.1K 59 1
                                    

Kabanata 5

Lyneth

Halos magpigil ako ng tawa nang kinabukasan ay nakasimangot pa rin sa akin si Sixth. Natapos kasi niya kagabi ang kwentong inirekumenda ko at ikinatampo niyang sinabi kong light romance lamang iyon.

"Stop it. The ending kept playing in my head. That's not funny," aniya nang makita ang pagpipigil ko ng ngisi.

I laughed. "Tingnan mo? Nagtataka ka pa kung bakit ako iyak nang iyak?"

Napansin kong natulala siya sa akin dahil sa aking pagtawa. Nang matauhan ay umiwas ng tingin kasabay ng bahagyang pamumula. Anong nangyari rito?

"I don't like the ending. The author did Flinn and Winona dirty."

Nagsalin ako ng kape para sa aming dalawa. "Ganoon naman talaga kahit sa totoong buhay, eh."

"But the author had the power to alter their fate since it's fiction. Flinn should have lived. Pangarap niyang maging tatay. He should've been given the chance to watch his baby girl grow up. For sure masakit din sa kanyang tatanda si Winona nang walang kasamang magpalaki sa bata," he said, sounding really invested with the story.

I sighed. "Kung hindi iniligtas ni Flinn si Winona, none of them would've lived, pati iyong baby nila."

"Then the author should've avoided putting them in that kind of situation."

Nagpigil ako ng tawa dahil ramdam ko ang inis niya. Nang napansin niyang matindi ang pagkakalapat ng aking mga labi ay pinisil niya ang aking pisngi.

"Stop teasing me. I was too invested with Flinn's character."

"Kasi he's a businessman, too?" I asked while lifting my cup.

"Because he wanted to be a good father. . . "

Napatigil ako sa akmang pag-inom ng kape at tinitigan siya. "Do you. . . wanna have kids, Sixth?"

Umiwas siya ng tingin na para bang biglang nahiya sa akin. Mayamaya ay bumuka ang bibig pero hindi rin naman itinuloy ang nais sabihin. He sighed then grabbed his cup instead.

"Just finish your coffee. I'll take you with me."

Inilapag ko ang cup ko. "Saan?"

"May brunch meeting sa Casa Larosa. Everyone attending is bringing their respective spouse."

Kumabog ang aking dibdib. Sixth and I didn't marry for love, but I didn't expect to have butterflies in my stomach just because he still considers me as his spouse.

Sumilip ang ngiti sa aking mga labi. "Sige."

He jerked his head and then got up. "Mauuna na akong maligo."

Pinanood ko na lamang siyang umalis sa veranda. Nang makapasok siya sa bathroom ay inubos ko ang kape ko saka ako naghanap ng pwedeng maisuot. Buti na lang pala nagbitbit ako ng maayos na dress kung hindi ay siguradong magmumukha akong basahan mamaya.

Sixth went out of the bathroom with only a towel wrapping around his waist. Tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang basang buhok, at nang aksidenteng dumapo sa hulmadong katawan ng aking asawa ang aking tingin ay tila nakaramdam ako ng kiliti sa pagitan ng aking mga hita.

Look at those cracks and curves? How could this epitome of a Greek God descend from his throne to be my husband?

Tumikhim si Sixth upang kunin ang atensyon ko. Bigla tuloy akong tinamaan ng hiya at pinamulahan ng pisngi dahil napatagal pala ang pagkakatitig ko sa kanyang hulmadong katawan. May tila nanunudyo pang kurba sa kanyang mga labi kaya nang magtama ang aming tingin ay sumimangot ako saka ako nagmartsa papasok ng banyo.

As soon as I was able to shut the door, a heavy sigh escaped my lips while I'm rubbing my chest. I hate the sultry electricity running under my skin. Ganito iyong mga nababasa ko tuwing natu-turn on ang bidang babae, at nakakainis isiping nakakaramdam ako ng ganito dahil sa lalakeng alam kong malabong mahalin ako.

I heaved another sigh. Naligo na lamang ako at naggayak na. Nang makapag-ayos ay lumabas ako ng banyo. Naabutan ko si Sixth na may kausap sa phone, at nang nadinig niya ang pagbukas-sara ng pinto ng banyo ay ibinaling niya ang tingin sa akin.

Sixth paused from talking to scan me from head to toe. Napansin kong kumislap ang mga mata niya na tila namangha, at nang umiwas ako ng tingin dahil nakaramdam ng hiya, tumikhim siya saka siya nagpaalam sa kanyang kausap.

"I'll see you when I get back in Manila," huli niyang sabi sa kausap bago ako tinawag para umalis na.

Sixth and I went to Casa Larossa to meet some of his business partners. Karamihan ay may edad na at halatang giliw na giliw sa kanya. Nang matuon sa akin ang atensyon ng mga ito ay kaagad na nagtanong.

Sixth looked at me. Napasinghap pa ako nang ilapat niya ang kanyang palad sa lower back ko habang halos magkadikit ang aming mga katawan.

"This is my beautiful wife, Lyneth."

Napatingala ako sa kanya nang marinig kung paano niya ako ipinakilala. I'm his beautiful wife? Totoo ba iyon?

"Well she really is stunning. Napakahusay pumili. Let's sit. I cannot wait to hear how you two love birds meet," excited na sabi ng may edad nang babae.

Ipinaghila ako ni Sixth ng silya. Naupo naman ako at kabadong inilapit ang mukha sa kanya para bumulong. "Sasabihin ba natin ang totoo?"

Sixth held my nape. "No," he whispered back before pecking a kiss on my cheek, making my heart go wild.

"Kwentuhan naman ninyo kami kung paano kayo nagkakilala. You guys look so in love anyway. I bet you have a cute love story," one of the ladies said.

Napakurap ako. Kami ni Sixth mukhang in love? Muntik na akong matawa kung hindi lamang pinagsalikop ng asawa ko ang aming mga palad.

"We have an interesting back story but I'd keep it to myself for now," ani Sixth.

Tumikhim ang isang matandang lalake. "Eh, kailan ba ninyo balak magkaroon ng anak?"

Kinabahan ako kaya hinayaan kong siya ang sumagot, ngunit nang madinig ko ang tugon niya ay muntik nang tumalon ang aking puso palabas ng aking dibdib.

"Kukumbinsihin ko pa si misis na dalhin ang mga anak ko. It's her body so it's her call."

Ngumiti ang matandang lalake. "Mga? Ilan ba ang balak mo?"

A meaningful smirk made its way to his lips. "Kahit ilan basta kaya niya. . . "

Napainom ako ng tubig at alanganing ngumiti. Diyos ko. Parang iba yata ang dating sa akin ng basta kaya niya'ng iyon.

I leaned closer to him to whisper. "You're kidding, right?"

Tumingin siya sa akin at pinunasan ang mantsa ng tubig sa sulok ng aking mga labi.

"We'll see. . . "

BROKEN BACHELORS SERIES 1: MY HUSBAND'S WRATH (Complete Ver. Available in VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon