Kabanata 8

2.7K 54 1
                                    


Kabanata 8

Lyneth

I kept glancing at Sixth while he's at the balcony doing something in his laptop. Magmula noong naputol ang kwentuhan namin ni Nico dahil sa pagdating niya kanina sa resto ay hindi na ako kinibong muli ni Sixth. I don't even know what I did for him to act so cold. Ayaw ko namang isiping nagseselos siya dahil alam ko namang hindi niya ako mahal.

"Twelve," I whispered to myself.

Panlabindalawang buntonghininga na niya iyon magmula kanina. Binibilang ko talaga dahil hindi naman siya ganoon dati. Yes, he's cold often times but not this way. He's acting differently right now and I don't even know why.

"Thirtee--"

I nearly gasped when Sixth turned to glance at me. Mabilis kong itinaas ang libro para takpan kunwari ang mukha ko. I counted until thirty before I lowered the book so I could look at him again, but Sixth was still staring at me while he's clenching his jaw.

Napasimangot ako. Bakit ba parang ang init naman ng ulo ng lalakeng 'to ngayon? May nangyari bang hindi maganda sa meeting niya?

I swallowed the pool of saliva in my mouth. "Hindi ka ba. . . babalik doon sa meeting ninyo?" lakas-loob kong tanong.

Sixth grabbed his cup of coffee. "No. Baka mamaya may manalisi na naman," pabulong niyang sagot sa huling sinabi kaya hindi ko narinig nang maayos.

"Ha?"

He sighed. "Nothing." Isinara niya ang laptop. "Let's have our dinner."

"Uhm, ikaw na lang. Okay lang ako. Kumain ako kanina ng pizza na dinala ni Nico."

Tumaas ang kilay niya. "You willingly joined Nicanor earlier pero ngayong ako ang nagyayaya sa'yo. . . " He paused and looked away as if he realized what he just said. Mayamaya ay bumuntonghininga saka tuluyan nang tumayo. "Fine."

Napakurap ako at nag-aalalang sinundan siya ng tingin. "Teka, Sixth!"

Hindi na ako pinakinggan ng mokong. Dire-diretso na siyang lumabas ng unit kaya nang sumara ang pinto ay pinakawalan ko ang mabigat na hangin sa dibdib ko. Why exactly is he acting that way? Nagseselos ba iyon?

"Huwag ka ngang ilusyunada, Lyneth," I murmured to myself.

Ihinilamos ko na lamang ang mga palad ko sa aking mukha at sinubukang ituon ang aking atensyon sa binabasa kaya lang nang lumipas ang ilang minuto at hindi rin ako nakapag-focus dahil inaalala ko ang tampo ni Sixth, naiinis akong pumikit kasabay ng pagbuntonghininga.

I put my book on top of the bedside table before I went out of our suite. Dumiretso ako sa resto ng hotel para hanapin siya roon, ngunit nang matanaw kong mayroon siyang kausap na magandang babaeng sopistikada ang pananamit, bigla akong tinamaan ng insecurities ko.

Sinulyapan ko ang sarili ko sa glass wall ng resto. Bakit hindi man lang ako nagbihis muna bago bumaba? Mukha akong muchacha ng asawa ko dahil naka-jogger pants lang ako at maluwag na tee shirt. While everyone at the resto is dressed properly, here I am, looking like someone who's been hibernating for months.

I chewed my bottom lip before I glanced at my husband again. Para akong nanliit nang mapagmasdan ko siyang mabuti. Napakagwapo ni Sixth. Matikas at matalino rin. It's not hard to notice him in a room full of people because his presence alone screams for dominance and sex appeal. Siguro kung hindi naging pwersahan ang naging kasal namin at nagkakilala kami sa kaswal na paraan, baka nahibang ako sa kanya nang husto.

I sighed. Look at him? Naka-asul na polo lang na hanggang palapusuhan ang manggas pero ang lakas talaga ng dating kahit hindi naman nakangiti. He's a natural attention caller, and standing next to him is often challenging. Ito ba ang isa sa dahilan bakit iniiwan lang ako o ikinukulong sa bahay? Did he think I could never keep up with him?

Siguro nga, kasi aminado rin naman ako. Hindi ko naman masasabing kagandahan ako. Baka nga mahal na mahal lang ako ng Daddy ko kaya palagi niyang sinasabing ako ang pinakamagandang babae sa mundo.

I saw my husband accidentally glanced my way, ngunit bago pa nagtama ang aming tingin ay tumalikod na ako upang umalis ng resto. Ewan. Parang biglang bumigat ang dibdib ko kaya para akong lutang na naglakad patungo ng elevator upang bumalik sa suite namin.

I pressed the button and waited for the elevator to go down. Nakatitig lang ako sa sahig habang naghihintay na bumukas ang elevator kaya halos hindi ko na namalayan kung sino ang taong tumayo sa aking tabi.

"Sir, paano po ang order ninyo?" dinig kong habol ng isa sa mga waiter.

"Just take it upstairs and make it two. I'd like to eat with my wife."

Biglang nagwala ang dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Sixth. Nanlalaki tuloy ang aking mga mata nang iangat ko ang aking tingin upang balingan siya.

"Sixth?" wala sa sarili kong tawag.

May kung anong kislap sa kanyang mga mata nang kunin niya ang kamay ko saka ako hinatak papasok ng elevator nang bumukas ang pinto.

My heart went wilder. Para akong timang na napatitig sa magkahawak naming kamay habang wala naman siyang kibo. Akala ko rin ay bibitiwan na niya ang kamay ko oras na marating namin ang floor ng suite namin ngunit nang bumukas ang elevator ay hinaplos pa ng kanyang hinlalaki ang gilid ng aking palad.

The butterflies in my belly gone crazy. Napatungo tuloy ako at kinagat ang ibabang labi nang hindi niya mapansin ang epekto sa akin ng kanyang ginawa.

Sixth opened the door and guided me in. Wala pa ring nagsasalita sa amin habang hinihintay ang pagkain. Kahit nga noong nakakain na kami ay wala talagang kumibo, ngunit hindi gaya kanina, maaliwalas na ang mukha ni Sixth at may kung ano nang kislap sa kanyang mga mata.

I licked the stain of water on my lips before I walked straight to the bathroom to brush my teeth. Habang nagsesepilyo ay nadama ko ang pagpasok niya. He grabbed his toothbrush, put on some toothpaste, and then he did the unbelievable thing.

My husband stood behind me, wrapped his free arm on my shoulders, and brushed his teeth while staring at our reflection in the mirror. Natulala naman ako at hindi kaagad nakakilos kaya nang makapagmumog siya ay pinisil niya ang tungki ng aking ilong.

"Go finish brushing your teeth. I am not interested with that girl at the resto if that's what you were thinking. I'm married to you, Lyneth so stop overthinking," aniya bago lumabas ng banyo.

I blinked and slowly smiled with toothpaste bubbles staining my lips. The things my husband can make me feel are beyond magical . . . 

BROKEN BACHELORS SERIES 1: MY HUSBAND'S WRATH (Complete Ver. Available in VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon