gusto kong tumayo.. pero ewan ko kung bakit parang wala akong kalakas lakas.. ang sakit pa ng katawan ko..
Naalala ko yung nangyari sa Cebu..
"AAAAAAGGHHHH!" sumakit bigla yung ulo ko!
"wag mo munang pilitin ang sarili mo kung di mo pa kaya.." bigla nalang lumitaw si Phoeny sa isang sulok ng kwarto ko. nakasandal siya sa pader at nakatitig siya sakin.. iba yung aura niya.. nakakakilabot..
"a-anong nangyari?! pano tayo napunta dito?!" tanong ko sa kanya.. naglakad siya papalapit sa'kin.. nakakakilabot yung aura niya.. di tulad ng una ko siyang nakita.. ewan ko pero may kakaiba sa kanya.. pati sa'kin..
"ipapakita ko sayo ang mga nangyari.."
hinawakan niya ang ulo ko..
then suddenly...
nag-iba yung paligid ng kwarto ko.. parang sa mga sci-fi movie.. napunta kami sa cebu..
nakita ko ang sarili ko na buhat buhat ako ni Pheony at walang malay.. tumatakbo kami patakas sa mga nakahood na tao.. yung iba naka black at yung iba naka red.. ang dami nila.. hinahabol nila kami..
natanaw ko sa malayo si Travis na nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng mga lalaking naka hood. parang gusto niya kaming tulungan.. sa tabi niya naman ay ang alalay ng lolo ko na nakatayo lang sa gilid.. nakatingin lang siya samin.. walang reaksyon..
"nakita mo na?" nagsalita si pheony at biglang naglaho ang 3D movie expirience ko. ang astig ng mga nangyayari na to!! \m/ pero ano bang nagyayari?!
"ano bang nagyayari?! ano ba to?! sino ka ba talaga?! sino kayo?! AAAAAAAGGGHHHH!!! " sumakit nanaman ang ulo at nagdilim bigla ang paningin ko.
may naririnig akong nagsasalita..
"dapat na ba nating sabihin sa kanya?"
dinilat ko yung mata ko.. pero blurred ang paningin ko.. pero natatanaw ko.. tatlo sila.. and I'm sure yung isa ay yung alalay ni lolo at yung isa ay si Pheony.. di ko kilala kung sino pa yung isa.. di naman siya si Travis.. pero pamilyar yung kulay ng buhok niya.. di ko pa kayang dumilat ng maayos.. pumikit na lang ulit ako at nakatulog..
nagising ako.. gabi na.. siguro 10pm na yun? naririnig ko pa yung huni ng mga kuliglig.. walang tao sa kwarto ko.. bumangon na ko.. masakit pa rin yung katawan ko pero di na ganun kasakit katulad ng kanina.. tumayo ko at lumabas ng kwarto.. dumiretso ako sa kusina.. binuksan ko yung Ref. kumuha ako ng tubig.. ewan ko, pero tuyong tuyo yung lalamunan ko.. halos naubos ko yung isang bote ng 1.5L na Coke..
lumabas ako ng bahay.. naglakad lakad ako.. di pa din mawala sa isip ko yung mga nangyari kanina.. at sa Cebu.. nagtatahulan yung mga aso sa bawat bahay na madaanan ko. SHET!! ang ingay nila taena! pero diretso pa rin akong naglakad lakad..
may nakasalubong akong babae.. wow sexy! hahaha. di naman siya ganun kagandahan. nasa 23 yrs ld siguro siya? naka mini-skirt. at naka tube lang siya.. nang magkasalubong kami.. nagkatinginan kami.. EYE to EYE.. hindi ko alam pero parang nakita ko yung iniisip niya.. nakikipag sex siya sa isang matandang lalaki.. at nang matapos sila.. binigyan siya ng pera.. GRO??
tapos may naamoy akong malansa.. amoy ng dugo.. pero ewan ko ba.. imbis na mabahuan ako.. parang natatakam pa ko sa amoy niya.. tinitignan ko lang yung babae.. parang gusto ko siyang sunggaban.. hindi para makipagsex sa kanya.. kundi para sipsipin ang dugo niya..
"wag mong pigilan ang sarili mo.." may nagsalita sa likuran ko.. si Pheony!
"ha?! anong sinasabi mo?!" nagtataka kong tanong sa kanya..
BINABASA MO ANG
DEVANGEL
Teen FictionANGEL, DEVIL, VAMPIRE, WEREWOLF, HUMAN.. Saan ka kabilang sa kanila?