[Edmon's POV]
2nd Sem na..
papasok na ko ng school..
ang daming istudyante.. may bago kaya kaming kaklase?? "la la la la la la la.." sana di ko makita si miguel! pagdating ko sa room wala pa masyadong istudyante.. yung limang nerd lang yung nandito. haha.. parang baliw ang sama pa ng tingin sa'kin! --__-- kakanta nalang ako kahit sintunado! wahaha! " DI-TO- SA-LIMANG-GA--TA--NG--" ayun! lumabas na yung mga nerd sumakit na ata yung tenga?? WAHAHAHA!
- -8:30AM- -
Eto na yung teacher namin.. nandito na din yung iba naming kaklase.. "Okay class may mga bago kayong classmate.." sana maganda yung bago kong kaklase! WAHAHAHA!
"Okay.. Leonid Maxsimka pumasok ka na.." WOW! ASTIG NG PANGALAN AH??
"ako nga pala si Leonid Maxsimka.. you can call me Leo for short.." tae naman bakit lalake?
SIYA YUNG NAGLIGTAS SA'KIN AH! pero infairness! naka all-black pa din siya! HAHA.
Bigla siyang napalingon sa akin. He's glaring at me. Pinaupo na siya nung teacher ko, sa dulo siya umupo. Diba may powers ako na nakakabasa ng isip. Sinubukan kong gamitin sa kanya yun kaso may isang nakakagulat na nangyari.. Parang narinig ko yung boses niya na sumigaw, "GET OUT OF MY HEAD!!" napatakip tuloy ako ng tenga.. At napasigaw ako.. Nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko..
"Nababaliw nanaman si edmon oh!" sabi nung isa kong kaklase. Nagtawanan sila. Kaso natigil ang tawanan nila dahil biglang pumasok ang dalawang nilalang na......... SHET!! "Sino kayong dalawa?"
"Estudyante mo.." ssabi ni Pheony.. Si Pheony at si travis ang pumasok..
"Name?" tanong ng teacher ko.
"Travis and Pheony.." sabi ni Pheony.
Tinignan nuung teacher namin yung listahan.. "Wala naman kayo dito ahh sa listahan ah?"
"Bakit di mo subukang tignan uli?" sabi ni Pheony, habang nakatitig siya sa mata nung teacher.. napatingin ako sa mata ng teacher namin, parang naging mas maitim yung pupils niya.. Tinignan uli ng teacher namin yung list..
"Oo nandito nga kayo.." sabi nung teacher.. "Why don't you two take a seat?"
Ano kayang reaction ng mga classmate ko sa dalawang to? Masyado akong nag-eenjoy sa mind reading na to ahh. Binasa ko ang isip nung isa sa sampung sanggano.. Yung pang sampu, tawagin muna natin siya na TEN. "Ang gwapo naman nung Travis, crush ko na siya." O__O anu daw? Bakit ganun iniisip niya? Fail ba yung mind reading ko? Tinignan ko ang mga katabi niya baka maling utak ang nabasa ko. KAso puro lalake katabi niya at yung katabi niya nakatunganga sa blackboard, siya lang ang nakatingin kay Travis. TAEEE natatawa naman ako kay Ten.
Umupo si Pheony at Travis sa tabi ko, since wala namang nakatabi sa akin. Wala naman kasing gustong tumabi sa akin. Pero nagulat ang mga kaklase ko nung tumabi sila sa akin. Nasa kanan ko si Pheony at nasa kaliwa ko si Travis, pinagitnaan nila ako. Sino ba namang hindi magugulat? Pati yung teacher nagulat eh.. Ayy may hindi pala nagulat, si Leo.
"Bakit kayo nandito?" bulong ko sa kanila..
"Wala lang gusto namin mag-aral dito eh, masama ba?" sabi ni Pheony.
"Saka gusto kitang makasama, este gusto ka naming makasama.. Diba Pheony?" sabi ni Travis..
"Sabi mo eh Travis.." sabi ni Pheony..
Tinuro ko kay Pheony yung si number 10, na nakatingin sa amin right now. Inambaan kami kunwari ni number 10.. Pa manly epek, parang sinasabi niya na, "Ano tinitingintingin niyo diyan?!"
Sabi ko basahin niya yung utak nung guy.. Sabay naming ginawa ni Pheony.. "Eeeeeh hindi na mawala sa utak ko si Travis.. Nakakainis naman sila Edmon eh, nakatingin sa amin.. Hindi ko tuloy matignan si Travis.."
Pinigil namin ni Pheony tawa namin.. "Putangina.." sabi ni Travis.. Diring diri siya. Nakakabasa din pala siya ng utak..
"Nababasa niyo utak ng isa't isa?" tanong ko kay Pheony at Travis.
"Si Travis nababasa utak ko.. Pero immune si Travis sa ganun.. Subukan mo.. Hindi mo mababasa utak niya.. Di ko rin nababasa utak mo Edmon.. Ewan ko kung bakit ganun.." sinubukan kong basahin utak niya kaso wa epek..
Teka nakakabasa ng utak si Travis.. Ibig sabihin.. Shet paano kung nalaman niyo yung sa amin ni Pheony..
"Something on your mind Edmon?" tanong sa akin ni Travis..
"Ah eh wala..." nakangiti si Travis ng nakakaloko.. Pero natigiil lahat yun nung parang may masamang presensya akong naramdaman. Papasok siya ng classroom namin.. Sabay sabay kaming napatingin sa pinto.. Pati yung si Leo napalingon..
Pumasok ang isang lalake na nakapormang nerd.. I mean nakaglasses siya, tapos.. Well that's it. Nasabi ko lang na nerd kasi yukos siya, tapos mabagal siya kumilos. Shet siya yung masamang presensya na naramdaman ko? Eh mukhang harmless naman siya.. "Sorry po nalate ako, naligaw po kasi ako.. Ako po si Azazel van Louis.."
"Okay take your seat.." humanap ng upuan yung teacher.. Kaso mukhang fully booked na.. Ay ayun may isa pa sa tabi ni Leo.. Uupo na siya kaso bigla siyang nadapa.. Nerd nga to, nararamdaman ko. Nagtawanan ang buong klase except sa aming apat.. Nalaglag yung salamin niya, kinapa kapa niya pa sa flooring..
Parang ang macho niya para maging nerd.. Nagtatawanan pa rin mga kaklase namin, hanggang sa makapunta siya sa upuan niya.
After nun nagtuloy na ang klase..
After nun eh hindi pa kami umalis ng room kasi ang susunod naming klase dito rin.. Si Sir Raven Farcry.. Asteeg ng name niya no? Parang video game lang.. Lalake siya matanda na.. Kasing edad siguro nung alalay ni lolo.. Pero malakas pa rin siya.. Idol ko yang teacher na yan.. Kaya natuwa ako nung malalaman kong teacher ko siya this sem.. Super talino kasi niya..
Pagpasok niya eh, napatingin siya kay travis at pheony.. "Felicia? Trevor?" mukhang gulat na gulat siya.. tinuro niya pa yung dalawang ungas sa gilid ko kaya nasigurado kong sila ang tinutukoy niya.
"No sir.." sabi ni Travis, "Travis at Pheony po ang pangalan naming dalawa.."
"Ahh ganun ba pasensya na, kamukha niyo kasi yung dalawa kong kaklase nung kabataan na pinatay.. Actually tatlo sila.. Kasama si..." napalingon siya kay Leo.. "Siya.." tinuro niya si Leo..
"Ako? Paano mangyayari yun?" tanong ni Leo..
"Levian.."
"Leo po ang pangalan ko.." sabi ni Leo..
Shet ano nangyayari... Coincidence lang ba na kamukha nila yung tinutukoy ni sir?
[To be continued]
=======================================================================
anu nga bang nangyayari?
patagal ng patagal yung update ko ah? haha!
vote.vote.vote.
BINABASA MO ANG
DEVANGEL
Teen FictionANGEL, DEVIL, VAMPIRE, WEREWOLF, HUMAN.. Saan ka kabilang sa kanila?