Chapter 5 : -pt 3-

2 0 0
                                    

"SIGE NA EDMON! MAUNA KA NA! ILIGTAS MO NA SI CASEY!" sabi ni travis.

"Sige! salamat Travis.."

agad agad akong tumakbo papasok ng building..

nasa 2nd floor na ko ng biglang may humarang sakin.. isang lalaking malaki ang katawan.. madilim kaya hindi ko maaninag ang mukha niya..

Masama ang kutob ko dito..

"Sino ka?!" tanong ko sa kanya..

hindi padin siya humihinto sa paglalakad papalapit sakin.. susugurin ko na siya kesa maunahan niya pa ko!

mabilis akong tumakbo pasugod sa kanya. pero ng susuntukin ko na siya bigla siyang sumigaw..

"EDMON WAAAG!!" pinigilan ko ang kamao ko sa pagtama sa mukha niya. "ako to Edmon!"

"huh??"

"ako to si Bogz!" sabi niya sakin.

"sinong Bogz?? wala kong kilalang Bogz!" susuntukin ko na sana siya ng biglang bumukas ang mga ilaw sa Hall way kung nasan kami.

Dun ko lang siya nakilala.. isa siya sa sampung sanggano (hindi ko naman kasi alam yung mga pangalan nila)! mabilis akong tumalon papalayo sa kanya..

"Umaano kayo dito?! nasan si Casey?! anung ginawa niyo sa kanya?!" galit kong tanong sa kanya.

"W-w-wala k-kaming kinalaman dito.. tulungan mo ang mga tropa ko. hindi nila alam ang ginagawa nila!"

"anu bang nangyari??!" tanong ko sa kanya.

"ganito kasi yun.."

[Bogz's POV]

"la la la la la la la ♪ ♫ ♪ ♫" magpapamanicure muna ko sa salon bago ko umuwi. ahihihi. siguradong magugustuhan na ako ni Travis! xD hindi ko maiwasang kiligin pag naiiisip ko siya!

"Oy pre!" biglang may tumawag sakin mula sa likod.. si Eman.

"oh Bro! ikaw pala yan Bro! tara nga dito sparring tayo!" bullshit! mukang masisira yung plano kong pagpapaganda!

"hehe. hindi na kailangan pre! alam naman nating mga tunay na lalaki tayo at malalakas." pwes! nagkakamali ka jan Eman my darling. isa akong maganda! magandang kalahating babae! "tara pre! mag iinum tayo ng tropa diyan sa may malapit na karenderia. okay lang ba sayo??" aya niya sakin.

"kems lang!"

"huh?! ano??"

"ah-eh! OKAY lang kako! hehe! tara na Bro! iinum pa tayo Bro!" hindi nila pwedeng malaman na beks ako. baka gulpihin at alisin nila ako sa tropa. sayang naman yung pagpaligo namin ng sabay sabay at pagsasabon ko sa likod nila.. T.T

naglalakad kami papuntang karenderia ng may makita kaming nagkakagulo sa di kalayuan.. mga ilang hakbang pa lagpas ng karenderia.. biglang tumakbo si Eman papunta dun sa nagkakagulo.. pagtingin ko ulit sa nagkakagulo..

ang mga tropa ko! mabilis akong tumakbo papunta sa kanila. nang nakalapit na ko.. may nakita kong isang lalaki (pogi). nandun siya sa gitna. pinalilibutan siya ng tropa. pero mukang hindi manlang siya nakakaramdam ng kahit anung takot. nakakabilib siya. crush ko na siya.

"matitikman mo ngayon ang parusa ng sampung sanggano!!" sigaw ni Rey. may hawak na bakal na tubo si Rey.. at malakas niya tong ihahataw sa ulo ng lalaki.. nang biglang tumigil ang buong paligid.. huminto sa paggalaw ang lahat.. pati Rey. nakalutang siya sa ere. iginala ko ang mata ko.. lahat ng nakikita ko ay nakahinto.. kahit yung bumabagsak na dahon ay nakahinto din. mga ibot na lumilipad. mga sasakyang dumadaan.. ewan ko. hindi ko maintindihan.. pero may isang taong hindi huminto.. yung lalaking gugulpihin sana namin..naglakad siya papalapit kay Rey.. hinawakan niya ito sa noo. ganun din ang ginawa niya sa mga iba ko pang kasama. at sakin..

sa isang snap lang ng daliri niya ay biglang bumalik ang lahat sa normal.. pero biglang nagbagsakan ang mga kasama ko.. mga ilang segundo pa ay nagdilim na din ang paningin ko..

Aray.. ang sakit ng ulo ko.. "asan ako??" napakadilim.. wala kong makita kung di yung isang maliit na liwanag lang.. sinubukan kong puntahan yung liwanag.. pero parang lalo lang 'yung lumalayo.. nang biglang may sumulpot na liwanag galing sa may bandang likuran ko.. napakaliwanag. nakakasilaw..

"ano 'to?" isang lumang bahay.. nilibot ko yung loob ng bahay.. walang tao.. nang may narinig akong maingay sa labas.. parang nagkakatuwaan. pagsilip ko..

Si papa..

P-pero matagal na siyang patay.. nakaupo siya sa may damuhan.. at nandun din ang batang ako.. ang cute ko talaga nung bata.. dapat talaga nanging babae ako eh..

pero ano 'to??! anung nangyayari?!

"Bogz.." huh?? ang boses na yun?! hindi ako pwedeng magkamali! si mama yun!

"Bogz.."

"mama.."

"umalis kana dito.. bumalik kana sa mundo mo.. hindi ka dapat naririto.."

"pero.. mama.. gusto ko kayong makasa! miss na miss ko na kayo!!"

"umalis kana.. kailangan ka ng mga kaibigan mo.. iligtas mo sila.."

"P-pero.."

"wala ng pero pero anak.. wag kang mag alala lagi lang kaming nasa tabi mo.. dali na.. GO PUSH! karaka raka!"

mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila.. hindi ko mapigilan ang pagluha.. nang biglang bumagal ang oras.. nakikita ko pa yung dahan dahang pagpatak ng luha ko sa sahig..

pagtama ng luha ko sa sahig ay biglang umalon ang buong paligid ko.. unti unti itong gumuguho.. at sa likod nito ay ang tunay na mundo..

nabura na ang panaginip ko.. paggising ko ay nakatayo ako sa field ng school na ito.. at ganun din ang mga tropa ko.. pinilit ko silang gisingin pero wala.. walang epekto.. wala silang itim sa mata.. kaya tumakbo ako ng matulin.. scared ang lola niyo teh!!

[Edmon's POV]

"Uy Bogz! bat natigilan ka bilga diyan??" anu kayang nangyari dito??

"ah.. oo nga pala.. ganito kasi yun.. ikinulong niya kami sa isang panaginip.. at swerteng nakalaya ako mula sa panaginip na yun.." paliwanag niya.. yun pala yun..

"alam mo ba kung sino yung lalaking yun??" tanong ko sa kanya.

"hindi eh. pero pamilyar yung mukha niya.. parang nakita ko na siya.. dito din sa school.." sagot niya..

"sige aalis na ko. wala ka rin palang alam.."

"sasama ako. kailangan ko ding iligtas ang mga kaibigan ko..!"

"osige. tara na bilisan mo!"

mabilis kaming tumakbo paakyat papuntang rooftop..

pagdating namin sa rooftop.. nandun si Casey.. nakatali siya sa isang krus na kahoy.. na may mga putol putol na kahoy sa may bandang ilalim nito..

[Bogz's POV]

nakakapagod naman!

Oh My G! ano ito? si ate kong maganda oh? nakatali sa krus!

at si kuyang gugulpihin sana namin kanina..

Shet!! ang gwapo!!! hindi ko keri to! hihimatayin ako! xD

*blackout*

[Edmon's POV]

huh??! "Bogz!" biglangt bumagsak si Bogz!

"anung ginawa mo sa kanya?!" sigaw ko kay Abraham. "Sino ka ba talaga?! huh! anung ginawa ko sayo at ginagawa mo ito sakin?!"

"simple lang! IKAW ANG DAHILAN NG SUMPANG BUMABALOT SAKIN NGAYON!! PAPATAYIN KITA KASAMA ANG MGA KAIBIGAN MO!!"

To be continued..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEVANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon