CHAPTER 3 -pt2-

1 0 0
                                    

"Ako? Paano mangyayari yun?" tanong ni Leo..

"Levian.."

"Leo po ang pangalan ko.." sabi ni Leo..

Shet ano nangyayari... Coincidence lang ba na kamukha nila yung tinutukoy ni sir?

Naupo na si sir sa upuan niya..

nakatitig lang siya kila travis.. anu bang meron?? anung nangyayari??

maya maya pa tumayo na si Leo at lumabas hindi na ata niya kinaya yung kawirdohan ng Teacher namin.. "Aanu ka??" tanong ng teacher namin.. pero hindi man lang kumibo si Leo parang walang narinig.. sinundan nalang siya ng tingin ng teacher namin..

biglang tumayo si Travis.. pati si Pheony.. "Tara na Edmon.." hinatak ni Pheony yung kamay ko.. mabilis kaming lumabas.. pero ang nakakatakot.. nakatulala lang samin yung teacher.. at makikita sa mga mata niya ang takot..

lumabas kami ng building.. nakita namin si Leo.. nakatayo sa may ilalim ng puno habang nagbabasa ng isang itim na libro.. ang weird niya talaga.. simula ng pumunta kong Cebu, nagkasira sira na ang NORMAL KONG BUHAY!!!

[Sir Raven Farcry's POV]

7:30pm

"Okay class dismiss.."

last subject ko na pala to.. aaaray.. ang sakit na ng likod ko..! ang hirap talaga pag tumatanda na.. aaraay! "sir! di pa po ba kayo lalabas?? kelangan ko na po kasing patayin yung ilaw.." eto na yung guard.. lagi kaming sabay umuwi lumabas ng building neto eh.. "sige.. eto na.. samahan mo nga tuloy ako sa library.. may hahanapin lang ako.."

"pero ala na pong tao dun sir.. maaga pong umuwi yung librarian kasi po nanganak yung anak niya.. alam niyo na.. kaisa isang anak kaya excited sa apo.. haha." pabiro niyang sagot sakin..

"eh diba may susi ka naman?? may hahanapin lang akong mahalaga.."

"sige po sir.. tara na po.. ang balita ko po kasi may multo dito eh. hehe."

"sira ulo. ang tanda mo na eh naniniwala ka pa sa multo? haha."

medyo may kalayuan yung library namin eh.. hiwahiwalay kasi yung mga building dito. para daw pag nasunog ang isa.. hindi damay ang iba. eh pano kung sunugin lahat? tinde ng pala ng ulo.

" Sir.. bukas na po yung ilaw saka yung aircon.."

"Sige iwan mo na lang ako dito.. ako na yung magpapatay ng ilaw at magsasara ng pinto.."

"Sige po sir.." umalis na yung kulokoy.

nasaan na ba yun?? asaaaan ka naaaa??

Nakita din kita buwisit ka! HAHA!

Ang class picture namin nung 3rd year Collage! anu na ngang section ko nun??

ahhhhhhhmmm..... ETO!

Silang sila nga to! Felicia, Trevor, at Levian.. P-pero panong nangyari to?? hindi naman pwedeng kamuka lang talaga nila?? may hindi tama dito eh..

hindi ko malilimutan yung gabing yun..

galing ako sa library.. ako na yung huling lumabas.. mag isa nalang akong naglalakad.. madilim na yung paligid.. puro talahib yung gilid ng daan. layu-layo yung ilaw ng poste.. nakakatakot yung simoy ng hangin.. nang may marinig akong alulong ng aso.. at ilang sigaw ng mga tao..

sinundan ko yung ingay.. nanggagaling sa likod ng bakod na pader.. umakyat ako sa isang puno malapit sa bakod.. pag akyat ko isang malakas na sigaw ng babae ang narinig ko.. pag tingin ko sa bakanteng lote...

Si Felicia!

wala ng mga braso! sigaw siya ng sigaw.. pero malayo pa ang guardhouse dito.. anex na kasi ng school tong lugar na to at wala ding mga bahay malapit dito.. sigaw pa din siya ng sigaw.. at sa isang iglap lang.. tinabas ng lalaking nakatayo sa harapan niya ang ulo niya gamit ang isang espada.. di ako pwedeng magkamali!

Si Abraham yun!

sumirit ang dugo mula sa leeg Felicia.. para kong masusuka sa mga nakita ko.. lumakad si Abraham papunta sa dilim.. maya maya pa ay lumabas na siya mula sa dilim.. hatak hatak sa ulo ang dalawang lalaki.. si Trevor at Levian.. wakwak ang sikmura nila.. at nakalabas ang mga bituka.. nakahawak siya sa mga ulo nito.. at malakas na hinagis papunta sa tabi ng bangkay ni Felicia... puro dugo ang katawan ni Abraham.. para siyang naligo sa dugo..

Ba-baba na sana ako ng puno para humingi ng tulong ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko.. hindi ako makakilos.. takot na takot ako sa mga mata niyang kulay pula.. nakatitig siya sa direksyon ko at parang sinisilip kung may taong nanunuod sa kanya.. pero awa ng Diyos hindi niya ko nakita.. lumakad lang siya papalayo at unti unti siyang naglaho sa dilim...

simula nun ay hindi na namin siya nakita...

Abraham.. kung titignan mo ang itchura niya eh parang hindi gagawa ng masama..

TEKA!?!?

si Abraham!! bakit hindi ko agad siya napansin???!! Hi-hindi lang si Trevor, Leo at Felicia ang may kamuka sa klase na yun! at hindi lang nila sila basta kamukha! bakit ngayon ko lang to naisip?!?! REINCARNATION!!

"sir??"

"HA?! I-ikaw?!? U-umaano ka dito?? P-paano ka na kapasok dito?!"

"sinamahan po ko nung guard sir.. may hihiramin po kasi akong libro.. hehe. kayo po? gabi na ah?? delikado para sa matandang katulad niyo ang mag isa dito.."

"ah-eh.. A-alis na ako.." lalabas na sana ko ng library ng biglang bumagsak mula sa kisame ang isang bangkay.. YUNG GUARD!

Napaupo ako sa gulat..

"Sir naman.. iiwan niyo nalang ba basta dito ang estudyate at dati mong kaklase?? hahaha!"

"Sa-sabi ko na nga ba!"

"Ang buong akala ko ay napakatalino mo.. ngayon mo lang to natuklasan? ang hina naman ng kokote mo! HAHA! paulit ulit mo akong nagiging estudyante TANDA!! HAHA!"

"hi-hindi! imposible!! ang ala-ala mo!? Hindi to isang Reincarnation!"

"Ang tanga mo talaga tanda! Ako pa din to! Ang dati mong kaklase! si Abraham!"

"P-pero?!"

"Ang itchura ko?! mahabang kwento eh! HAHA!"

"B-bakit ka ba nandito?!?!"

"PARA TAPUSIN ANG MGA HAHADLANG SA MGA PLANO KO!"

[To be Continued]

============================================================

VOTE.VOTE.VOTE! :D

salamat sa mga nagbabasa.

enjoy lang kayo! :D

--jejerome

DEVANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon