NASAAN SI CASEY?!
"EDMON!" *boses ng isang lalaki*
Si Travis.. Nagmamadali siyang tumatakbo papalapit sakin.. at.. parang takot na takot siya.."E-edmon!.." may hawak siyang tela.. maduming telang puti.. inabot niya sakin yung tela.. "Ba-basahin mo to.." nanginginig niyang inabot sakin yung tela..
"NAGSISIMULA PALANG ANG LARO NATING DALAWA EDMON!!"
"S-SAAN MO TO NAKUHA?!" tanong ko kay Travis..
"sa harap ng pinto ng bahay mo.. nakatali sa isang tulos na gawa sa kahoy.." sagot niya.
Malakas ang kutob ko na iisa ang kumuha kay Casey at nag iwan ng sulat.. Naghahalo yung takot at galit sa buong katawan ko sa mga oras na to.. "Travis, may ideya ka ba kung sino ang gagawa nito??" "w-wala.. wala kong ideya.."
Umuwi muna kami ni Travis para dun pag usapan ang mga nangyayari..
"SINO BA TALAGANG MAY PAKANA NITO?!" sa sobrang galit ko nasuntok ko yung lamesa.
"Walang may alam Edmon.." mahinahong sagot ni Pheony sa pasigaw kong tanong..
"Wag kang mag alala Edmon.. siguradong hindi niya sasaktan si casey.. ang tunay at matalinong kontrabida sa harap mismo ng bida papahirapan yung leading lady nito.. tama ba?" sabat ng alalay ni lolo.. biglang pasok ng palakpakan ng magsyotang bampira.. mga siraulo talaga.. "-_-
"Wag kang mag alala Edmon! hanggang nasa tabi mo kami wala kang dapat ikabahala!" banat ni Travis.. Kala mo kung sinong matapang to.. samantalang kanina lang nanginginig sa takot ng iabot sakin yung sulat na may dugo dugo.
Nagulat kami ng may biglang mabasag sa kusina ng bahay.. agad kaming tumakbo papunta sa pinanggalingan ng ingay..
Basag yung bintana.. at may nakasaksak na kutsilyo sa lamesa.. may nakatape na papel na nakabalot sa plastic sa bandang hawakan nito.. kinuha ko yung papel at binuklat.. may naka lagay na bitones na may matsa ng dugo.. sigurado kong kay Casey to!! teka may sulat pa..
" KUNG GUSTO MO PANG MAKITANG BUHAY ANG KASINTAHAN MO!! MAMAYANG ALA-UNA NG MADALING ARAW!! PUMUNTA KA FIELD NG SCHOOL MO!! YOU CAN BRING YOUR FRIENDS IF YOU WANT.
NGA PALA YUNG BITONES KUNG INAAKALA MONG KAY CASEY YAN.. PWES!! NAGKAKAMALI KA! SAYO YAN.. NATANGGAL DAW SA DAMIT MO KANINA SABI NI CASEY PINAPASOLI NIYA LANG!! KAYA WAG KANG MAG FEELING NA SIGURADO KANG SA KANYA YAN!? SHUNGA KA?!"
Natulala nalang ako ng matapos kong basahin yung sulat.. naghahalo halo ang emosyon sa loob ko.. di ko alam kung magagalit ako o matutuwa dahil sinabi niyang kasintahan ko si Casey kahit hindi pa naman. x">
"Ang landi mo!!" sabay sabay na sabi ng tatlo sakin.. kaya nga pala nilang bumasa ng isip ng iba..
"kailangan na nating maghanda.. hindi natin alam kung sino ang haharapin natin.." sabi ng alalay ni lolo. tama nga siya.. kelangang maging seryoso.. hindi ko lang buhay ang nakalaan dito.. pati buhay ng minamahal ko..
[Casey's POV]
Ang dilim ng paligid ko.. meron lang ng isang ilaw sa kisame sa tapat ng tuktok ko.. sakin lang nakafocus yung ilaw. dahil dito hindi ko maaninag ang paligid.. hindi ko maigalaw yung kamay at paa ko.. nakatali ako sa isang bangko..nang biglang may magsalita.. boses ng lalaki..
"naisauli ko na yung bitones.."
"ang bilis naman?? nakabalik kana agad nun??"
"hinde hinde! joke lang to.. hindi ako to. imahinasyon mo lang to.. tanga lang??"
"Teka?! sino ka ba?!" sigaw ko sa kanya..
"malalaman mo din kung sino ko.. pero hindi pa sa ngayon.." sagot niya. "Pero malapit na.. at malapit na din kayo magsama ni Edmon at ng mga kaibigan niya sa impyerno!! HAHAHAHA!!"]
ewan ko.. pero bigla akong kinilabutan sa sinabi niya..
"TULONG!! TULONG!!" sumigaw ako ng sumigaw.. baka sakaling may makarinig sakin..
"HAHAHA!! Kahit maubos pa ang b - -"
"TULONG TULONG!!"
"TUMAHIMIK KA MUNA!!" sigaw niya..
(take two)
"HAHAHA!! Kahit maubos pa ang boses mo kakasigaw dyan.. walang makakarinig sayo! BWAHAHA!"
Nasaan ba ko?! Edmon.. Tulungan mo ko.. :'(
to be continued...
BINABASA MO ANG
DEVANGEL
Teen FictionANGEL, DEVIL, VAMPIRE, WEREWOLF, HUMAN.. Saan ka kabilang sa kanila?