Prologue

300 13 6
                                    

Peia's POV:

I miss you.

"AAHHHH!!!"

Napabalikwas ako sa bangon dahil sa panaginip ko na nahanap daw ako nila wait- ano nga ulit yung panaginip ko?

"Bakit? Ano nangyari?" natarantang tanong sakin ni Meimei na kalalabas lang sa kwarto, anak ng umampon sakin na tinuturing ko ng parang kapatid.

"Kasi ano-" napahinto ako sa sinasabi ko.

Ano nga ulit yun?

"Ay wala, panaginip lang pala yun" sabi ko nalang at tumayo bago niligpit ang pinaghigaan dito sa sala.

Kakadischarge ko lang sa hospital matapos macomatose. Ang sabi sakin, nadulas daw ako sa library at nabagok ang ulo kaya ayan, comatose.

"Jusko naman ate! Kala ko kung ano na, nakakatakot ka" sabi niya bago naglakad pabalik sa kwarto. Pero bago pa siya tuluyang makapasok humarap ulit siya sakin.

"Ay oo nga pala ate, pwede pakibilisang initin yung ulam? Malelate na kasi tayo sa tour" bilin niya.

"Sige lang, basta mag-ayos ka na" sabi ko.

Nagtungo na ko sa kusina at dumiretso sa may ref.

'Ate, pasensya ka na kung 'di ka namin natirhan ng ulam ha? Napasarap kasi ang kain ng tito mo, pero pwede ka namang magluto nalang diyaan sa ref'

- From: Tita

Binuksan ko ang ref at nilabas ang ulam na nasa mangkok na may takip at nilagay iyon sa lamesa. Pagkatapos, binuksan ko ulit para magluto ng kung ano man ang meron.

Jackpot!

Nilabas ko sa ref ang itlog at hotdog na natitirang laman ng ref bukod sa mga malalamig na tubig.

Pagkatapos kong initin at magluto ng pagkain, pinakain ko na si meimei at nag-ayos para di kami malate sa tour niya sa bagong school.

Matalino 'tong bata na 'to! Mantakin mo? Nakakuha ba naman ng 50% scholarship sa Royal University. Yun lang naman ang pinakaprestigious school dito sa buonggggg Pilipinas.

Lahat ng mga anak ng senator, congressman, mayor, artista at mga businessman andun nag-aaral. Puro foreign internationals pa nga yung iba. Sa sobrang yaman nila, nagpapaexam sila kada taon sa mga ordinaryong estudyante na katulad namin at 'pag nakapasa, edi go!

"Manong dalawa po, sa may cubao lang" abot ko ng bayad sa mga nasa harap ng jeep.

Nagbiyahe biyahe pa kami ng malayo layo hanggang makarating sa school na yun.

"What's your state of purpose?" sabi nung machine sa gilid ng napakalaking gate.

Nilabas ni meimei ang card at tinapat dun sa may sensor. Iniscan yun ng machine at nagkulay green. Pagkatapos maverify, bumukas ng sarili yung gate at sumalubong samin ang mga guards na nakaamericana.

"Palagay nalang po dito sa baggage scanner ang mga bag at check lang po namin kayo" sabi ng lady guard at chineck kami. Pagkatapos maconfirm, pinapasok ulit kami sa may gate.

Taray! Double gate!

Pagkapasok namon, wow!

Nakita namin yung school na super lawak. Sa sobrang lawak at ganda, akala ko palasyo na teh!

"Ma'am just go straight to the building one, yung kulay silver po tas sa first floor, hanapin niyo nalang ang reception"

"Sige po, salamat manong!"

The Reality Of An Extra Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon