Chapter 1: Habanera

159 13 10
                                    

Peia's POV:

Inabot ko sa harap ang bayad ko sa jeep.

"Sa Cubao lang baba niyan kuya, estudyante po" paalala ko para 'di niya makalimutang suklian.

Aba! Mahirap na no! Sayang rin yung student discount, dalawang sakay pa man din ako mula sa Royal Academy hanggang sa school namin.

Buti nalang hindi masyadong matraffic kaya smooth ang andar ni kuya, kaso yung buhok ng katabi ko, 'di smooth.

Inalis ko ang mga nagliliparang buhok sa mukha ko at sinabihan ng magalang si ate.

Lasang keratine gold!

"Ah miss, pwede po palagay sa kabila yung buhok niyo? Tumatama po kasi sakin"

Nahihiya namang nilipat ni ate ang buhok niya at huminga ng pasensya.

"Ay sorry beh"

Ngumiti nalang ako bilang sagot at tumutok sa cellphone at nagscroll scroll ng tektok.

Maya maya pa, nakarating na kami sa cubao at nagbabaan na lahat. Mula doon, sumakay pa ko ulit ng isang jeep para makapunta naman sa public school namin. Grade 10 na ko mga mamshie, malapit nang maging senior high, for sure stem kukunin ko.

May mahinang pumintig sa utak ko at napaisip ng.. deja vu.

Ba't ganun? Parang feeling ko natapos ko na grade 10?

Di ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang sa biyahe ko papasok ng school.

Pagkarating ko ng school, siyempre nakapila muna kaming mga estudyante sa labas ng gate kasi ichecheck pa ni kuyang guard isa isa mga bag namin.

Daig pa principal sa higpit 'te!

After makalkal ni kuya ang bag ko, diretso punta na ko sa building namin at dahil nga isa akong poorita na nag-aaral sa public school, wala kaming elevator.

Mangapos-ngapos ang hininga ko na umakyat ng 4th floor para umabot lang on time. Pasalamat naman, umabot ako at dali-daling umupo sa upuan.

"Huy beh! Okay ka na?" nabigla ako nang tanungin ni Lana na nasa tabi ko na pala ngayon at biglang umangkla sa braso ko.

For some reason, tinayuan ako ng balahibo at mabilis na tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Peia?" naguguluhang tanong niya dahil sa inasal ko.

Iba ang pakiramdam ko, parang may mali at di talaga ako komportable kaya awkward nalang akong ngumiti at sumagot.

"Sorry pawis kasi ako eh, baka madumihan ka" dahilan ko na kinahinga niya ng maluwag.

"Eto naman! Akala ko kung ano na, wala namang issue sakin yun" sabi niya bago binalik ang pagkapit sa braso ko at masuyong ngumiti.

"Buti nalang okay na ang bestfriend koooo. Kinabahan talaga ako" pag-amin niya.

Kimi nalang akong ngumiti at tiniis ang uncomfortable na feeling.

Pakiramdam ko, may malaking kasalanan siya sakin.

Pumasok ang teacher namin at inutusan ang mga tao sa unahan na ipaskil yung mga manila paper sa black board at nagturo. Maya-maya nagpagroupings siya at binigyan lang kami ng ilang minutes para tapusin yun at ireport sa harap.











"Ante wala daw silang crayons o colored pencils!" nagpapanic na sabi samin ng ka group mate.

"Hala! 5 minutes nalang daw!" nagpapanic naring sabi samin ng group leader.

The Reality Of An Extra Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon