Chapter VI part 2

66 16 1
                                    

A/N: Σκότωσε το διάβολο μέσα is an Greek language which means 'Kill the Devil inside.'
_____________________________

Iris Reign...

Hindi ko pa naiimulat ang mga mata ko pero ramdam na ramdam ko na ang sobrang sakit ng buong katawan ko na tumatagos hanggang sa kaibuturan ko. Sagad na sagad ito na para bang wala nang kalunasan ito.

Marahan kong iminulat ang mga mata ko. At sumalubong sakin ang kawalan. Madilim at sobrang lamig na hangin ang tanging nararamdaman ko. Hindi ko rin maigalaw ang tila paralisadong katawan ko, ang mga labing tuyong tuyo na ay pahirapan ko pang ibinukas.

"You're awake." Naipikit ko ulit ang mga mata ko ng marinig ko ang mga tinig na 'yon. Nakakapanghina.

"E-eros..." Mismong ako ay halos hindi ko na marinig ang munting hinaing ko.

Nang maibukas ko ulit ang mga mata ko ay nakatayo na siya sa gilid ng tila batong kinahihigaan ko. Halos hindi ko siya maaninag dahil sa kadiliman at ang tanging ilaw ay ang hawak hawak niyang lampara.

"Nasaan tayo?" tanong ko.

Inilapag niya sa tabi ko ang lampara at kahit papaano ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko.

"May konting baga pa ang katawan mo, kailangan mong magpalakas, kumusta ang pakiramdam mo?" Malumanay na sabi niya.

Hindi ko alam kung isinantabi niya lang ang tanong ko o hindi niya lang talaga marinig ang mga sinasabi ko. Lumunok ako.

Nakita ko na may inilabas siya na kwintas mula sa bulsa niya at nakita ko ang asul na ilaw sa loob ng pendant na hugis patak ng tubig. Nangingibabaw ang pagka-asul neto.

"A-asan si Greg?..." Manginig nginig pa ang boses ko ng banggitin ko ang pangalan niya.

"Open your mouth."

Tama ako. Hindi niya talaga gustong pagusapan ang nangyari sa akin.

Hindi ko rin pinansin ang utos niya kumuha ako ng pwersa sa braso ko para makaupo na pinagsisihan ko.

"Aaah!" Hiyaw ko sa sakit agad naman na tumalima si Eros. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga niya, marahil ay hatid ng pagkapaso niya sa braso dahil ramdam na ramdam ko pa ang init na hatid ng baga sa likod ko at ang ang mahigpit na hawak ko sa balikat niya. Napakaperpekto parin ng mukha niya.

Mula sa nakakapal na pilikmata niya hanggang sa manipis at mapula-pula niyang labi, nakakalasing talaga ang inihahatid na aura ng kaniyang mukha. Ganito ba ang mga anghel? kayang gawing makasalanan ang tao sa pamamagitan ng kanilang anyo.

"'Hwag ng matigas ang ulo, Iris. Ayokong nakikitang nasasaktan ka." Turan niya.

Agad akong napabitaw sa balikat niya kaya naman halos pabagsak ako na lumagapak sa bato.

Napangiwi ulit ako.

"Drink this, kailangan na nating umalis..."

Ibinuka ko ng kaunti ang bunganga ko. Halos mapangiwi din ako dahil sa pagkabanat ng balat ko sa bibig. Sobrang tuyo na rin kasi nito at parang buhangin na kahit anong basa ko ay hindi pa rin maibsan ang pagkatuyo nito.

Inilapit niya ang katawan niya sa akin pati na rin ang mukha niya sa mukha ko, kahit nakakailang ay hindi ko kayang pumikit, hindi pwede dahil ayokong hindi ko makita ang ganito kagandang lalaki. Unti unti idinikit niya ang dulo ng pendant sa mga labi ko at pumatak ng isa. Ramdam ko ang pagkalat nito dahil sa lamig nito.

Nakakaantok ang lamig nito. Nakakaginhawa.

"You'll sleep after 5 minutes, you need to rest Iris." Malambing na turan niya.

Girl With The Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon