Chapter VI

91 15 1
                                    

Iris

"Are you sure you want to take this race Iris?"

Tamad kong nilingon si Lucia habang hawak hawak ang Registration card na kumikinang dahil sa gintong kulay nito at dahil sa tinatamaan ito ng sinag ng araw.

Kanina pa kami nandito sa University belt at inis na inis na ako dahil sa sobrang init at silong lang ng puno ng Acacia ang sinisilungan namin. Nakasandal ako sa trunk siya naman ay nakahalukipkip at nakatayo sa harapan ko.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na sasali ako jan next week! God Lucia! Kung ayaw mo sumali edi wag, hindi naman kailangan ng Striker jan ehh." Asar na sagot ko sa kaniya. Tila ngumiwi naman siya sa pabalang na tono ko.

"Hindi naman sa kontra ako pero duh! Ang baba naman ng race na ito kumpara sa sinasaliham mo." Iminwestra niya pa ang Card na naglalaman ng pangalan ng Race.

May point siya sa sinabi niya pero kasi... kasi kating kati na ang mga kamay ko na makahawak ng manibela and i really missed the thrill, isa pa. Parang mamamatay ako dahil sa pagkabored bilang isang college student. at higit sa lahat mawawalan ng suporta ang mga batang nasa orphanage!

Tinanggal ko na ang pagkakalapat ng likod ko sa puno at pabalang na kinuha ang Card. Nakakainis siya! Hindi naman sa panunumbat pero hindi naman siya makaka-experience na makaapasok sa laro na iyon kung hindi sa akin. At kailangan ko lang talaga ng assistant dahil hindi ko na macontact ang dati kong manager sa mga race, kailangan ko na talaga humanap ng bagong striker at manager.

Inirapan ko muna siya bago ako umalis, nakailang tawag pa siya sa pangalan ko pero hindi ako nagaksaya na lingunin pa siya.

Sana ay hindi na lang ako nagaksayang i txt at papuntahin siya sa mainit na University belt na to kung maiinis lang ako. Sana ay hindi ako nagskip ng isang klase ko kung maiinis lang ako, this day is ruined, urrgh!. Ayoko kasing makausap si Lucia kung nanjan si Eros. Kokontra lang iyon, isa pa hindi pa rin ako makaget over sa huling sinabi niya bago niya lisanin ang Unit ko

Dumiretso na lang ako sa Cafeteria dahil pagkatapos ng subject na nilibanan ko ay break na.

Umorder na lang ako ng Coffee jelly at Piatos para naman sa meryenda ko. Inaalala ko rin ang budget ko para sa charity na sinusustentuhan ko. Hindi sapat ang negosyo ko dahil sa dami ng mga charities na yon. Kailangan ko na talaga mag race.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng mag vibrate ang phone ko na nakalagay sa ibabaw ng lamesa.

From: Lucia

Hindi ako sasali sa Race na iyon Reign. Masyadong mababa iyon kumpara sa standings ko.

Lalo lamang naginit ang ulo ko sa kaniya dahil sa mensahe niyang iyon. Hindi naman porket nakasali ka sa isang patimpalak na katulad ng sinasalihan ko dati ay hindi ka na pwedeng sumali ng mas mabababa na mga race. Masyado siyang mapride. Kung pwede ko lang sabibin sa kaniya na kulang na isang daang taon na akong Champ sa race na iyon malamang ay mahihiya siya na i txt niya ako ng ganoon.

Nakakadismaya siya, akala ko ay mapagpakumbaba si Lucia dahil galing siya sa isang mahirap na pamilya, kung hindi nga lang kami nanalo sa Race seven months ago eh baka nasa squater area pa rin ang pamilya niya.

Agad akong bumuo ng mensahe.

To: Lucia

Hindi naman kita pinipilit. Ilang taon ka na bang experienced sa sinasabi mong high standings mo? Sa pagkakaalam ko first time mo palang seven months ago at nawalan ka pa ng malay noon. Don't be so proud dahil mas maraming mas magaling sayo. And by the way you can't be my striker. Ayoko sa masyadong ma pride na partner.

Girl With The Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon