CHAPTER VII

88 15 3
                                    

Hindi pa po na-edit , kung may mga tanong po, just leave a comment and i will answer it as soon as i can. Thanks po!___________________________________

Isang napakalamig na hangin na naman ang sumalubong sa katawan niya dahil sa nagyeyelong nyebe sapligid. Nakasuot lamang siya ng paborito niyang pulang bandana na 'sin nipis lamang ng dalawang pinagpatong na dahon ng ambrosia, tanging natatakpan lamang ng bandanang iyon ang ulo niya kung saan ay natatago ang buhok niya. Nakakaawa, yung ang mararamdaman ng sinumang makakit ngayon sa kalagayan niya.

Pero ang kailangan ay walang sinumang makakita, patakas lamang siya na lumisan sa kaharian ng Ama. Dahil kung mahuhuli siya na papunta roon ay mapaparusahan siya.

Lumakad pa rin siya kahit na halos maging yelo na ang mga paa niyang lumulubog sa napaka-kapal na nyebe.

Nasa mas makakahoy na lugar na siya, nakakatakot nga dahil alam na niyang malapit na siya sa pakay niya. Nakakatakot dahil maaaring ikapahamak niya ito o ikaluluwalahati niya ito, pero mas higit na nakakatakot ang hindii na niya makapiling kailanman ang Mahal niya. Katakot takot na kalungkutan, panigurado.

Napahinto siya ng hindi na niya kayanin ang lamig, umupo siya sa isa sa mga ugat ng malaking puno ditto sa gubat. Tanging ilaw lamang ng buwan ang nagibibigay sa kaniya ng liwanag.

Pinagmasdan niya ito, at isa lang ang naiisip niya.

Walang buhay.

Simula ng mawala siya, napakalaking dagok iyon para sa kaniya at naidulot nito ang kabiguan sa buong kaharian. Ang pagmamahl niya sa iningat-ingatang buwan ay unti unting naglaho hanggang sa tuluyan ng mawala. Nakakalungkot, ang dating masaya at puno ng buhay na gabi ay nagging malamig at... walang buhay.

Naramdaman niya ang init ng luha sa mukha niya.

Hindi naman niya nais na magkaganoon, walang may gusto. Pero hindi niya maiiwasan ang maging ganito kamiserable dahil sa tinding sakit at pagdurusa niya sa pagkawala ng mahal niya.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya noong sa oras na nalaman nila lahat ang tungkol sa relasyon nila ay wala man lang naglakas ng loob na makidamay o promotekta sa kanila. Naiintindihan niya naman na wala nga naming makakatalo sa Ama, ngunit sapat na ba yon na dahilanpara itakwil at kasuklaman siya?

Inalis niya sa isipan niya iyong at pinunasan ang luha na walang tigil sa pag-agos. Kailangan niyang magpakatatag.

Nang makakuha siya ng lakas ay ipinagpatuloy niya ang paglalakbay, hindi niya kasi maaaring gamitin ang mga pakpak niya dahil madali siyang makikita ng mga nakabantay na mga anghel kung ganoon. Mahihirapan pa siya dahil nasa ikalaliman ng gubat na iyon ang pakay niya.

Nang makalabas siya ay tumambad sa kaniya ang nakakatakot na bahay ng diyosa ng mahika, si Hecate. Mahigpit na ipinagbabawal ng Ama na sumangguni sa kaniya ang iba pang mga anghel dahil ang diyosa ng mahika ay kilala bilang tuso at mapanakit sa iba pa niyang mga anghel. Pinalayas ito noon sa kaharian sa hindi malaman na dahilan ng iba pang mga anghel, tanging ang Ama at si Hecate lamang ang nakakaalam kung bakit.

Nanginginig na lumakad siya patungo roon. Hindi niya alam kung dahil bas a matinding lamig o sa nakakatkot na kahihinatnan ng magiging desisyon niya ngayong gabi. Nang sa wakas ay nasa harap na siya ng pintuan ng bahay ay kumatok siya nang tatlong beses.

Kakaiba ang nalikha noon na tunog, hindi kagaya ng mga ordinaryong kahoy, ang nalikha nito ay parang mga kaluluwa na may isinisigaw sa tubig na hindi kailanman maiintindihan na isang ordinaryong anghel kailanman. Tumaas tuloy ang mga balahibo niya na nakatanim sa napakaputing balat niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Girl With The Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon