Girl With The Red Eyes

459 32 2
                                    

***

"Iris kailangan mo nang umalis bago pa magsara ang lagusan!" Sigaw niya sa babaeng pinakamamahal niya habang yakap-yakap sya nito sa kabila ng pagkakaipit ng pakpak ng lalakeng anghel sa isang malaking bato.

"No! I won't leave you. This is all my fault and I can't take that I will leave you in this situation! 'Di ba meron kang kapangyarihan gamitin mo na yun! 'Wag ka ngang tanga!" Ganti nya habang pinipilit na higpitan pa lalo ang pagkakayakap nya sa lalake dahil pilit inaalis ng lalake ang pagkakayakap nya sa kanya.

Parehas na silang lumuluha dahil alam nilang magkakalayo na sila. Mas lalo pang lumakas ang pagyanig ng lupa at malapit na sa kanila ang bangin na patungo sa naglalagablab na apoy.

Napangiti na lang ang lalake kahit na sobrang nanghihina na s'ya dala ng pagkakadagan ng bato sa kanyang pakpak at may nakasaksak na ring metal sa tagiliran nya.

"Wala na akong kapangyarihan, kaya iwanan mo na ako at iligtas mo yung sarili mo." kinuha niya ang pisngi ng dalaga at pinahid ang luhang nasa pisngi ng babaeng iningatan niya. At tinitigan nya ito nang mataman sa mata kahit na hirap na hirap na syang idilat ito. "Tandaan mo 'to Iris. Mahal na mahal kita, maaring hindi na kita makakasama kahit kailan pero gagawin ko ang lahat para iparamdam sa'yo kung ga'no kita kamahal. Pag nanatili ka pa rito ay hindi rin kita makakasama, isinumpa tayo mahal, kaya piliin mong makasama ang Ama dahil mapoprotektahan ka nila. Mahal na mahal kita Iris, Mahal na mahal..." at tuluyan nang nawalan ng buhay ang anghel. Nabitiwan niya na ang pisngi ng dalaga.

"No! You can't die! You can't die! Open your damn eyes and speak up!" Wala nang nagawa ang babae kundi umiyak na lang sa bisig ng lalake.

May pagyanig na naman kaya rinig niya ang lupa at bato na naglalaglagan patungo sa dagat-dagatang apoy. Naramdaman nya namang may bumabang anghel kaya agad syang napalingon.

"Hey are you an angel? Please help me get him out of here please..." Pagmamakaawa nya sa anghel...

"Paumanhin ngunit wala ng buhay ang anghel na ito. Tanging mga banal at may buhay lamang ang makadadaan sa lagusan patungong langit. Kaya halika na tao, dahil isasara na ng Ama ang lagusan" Pagpapaliwanag ng Anghel sa kaniya...

Napailing siya "No! You're an angel right?? Make him alive again! Make him" At tumulo na naman ang luha niya.

"Tao, isinakripisyo ng anghel na ito ang kanyang kapangyarihan at ang pagiging immortal para mapakawalan ka sa sumpa na ibinigay sa iyo ng Reyna ng kadiliman kaya wag mong bigyang walang saysay ang pagsasakripisyo ng anghel na ito." Parang nabasag ang pagkatao niya sa narinig. Isinakripisyo nya ang buhay nya para lang sa kanya? "Kaya tao, mamili ka na bago mahuli ang lahat." Napatingin sya sa mukha ng lalaking pinakamamahal nya.

"Tandaan mo rin ito crazy angel, kahit na hindi na kita makikita ipaparamdam ko rin sayo na... mahal na mahal kita. Balang araw ay makakahanap ako ng solusyon para makasama kita. Magkakalayo tayo pero pangako, hindi magtatagal ay magkakasama rin tayo. Basta tandaan mo lagi Mahal na mahal kita Eros" bulong nya kay Eros bago tuluyang tumayo at nilapitan ang anghel na naghihintay sa kanya.

Yinakap sya ng Anghel at lumipad na papunta sa lagusan patungong langit at doon inabangan sya ng nakakasilaw na liwanag...

napalingon sya sa lagusan at nakikita nya pa rin ang katawan ni Eros na malapit na mahulog...at yumanig ulit sa loob nun. Kaya napatakip na lang sya sa mukha nya at umiyak ng umiyak dahil naiisip nya na wala na ang lalakeng nagpabago sa buhay nya, wala na...pero gayunpaman ay hindi maiaalis na

Mahal nya si Eros ng walang hangganan...

***

Girl With The Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon