5

155 10 0
                                    

CELESTIA'S POINT OF VIEW

"Ang bagal mo naman kumilos," sabi sa akin ni bebelabs ko habang kinakatok ng malakas ang pinto. Deadma lang ako sa kanya. De bale nang late kami sa kung anong agenda niya sa Baguio, basta't maganda ako. Hihihi.


"Wait lang, honey ko, kulang pa ung aking OOTD," nasa labas siya ng pinto ng kwarto kasi sabi ko susurprise ko siya sa aking pangmalakasang outfit sa Baguio.




Wait... nasabi ko na sa inyo? Successful ang aking plan at napa-yes si bayut. Syempre dahil magaling itong mother ninyo sa seductions, napaikot ko siya ng bongga, nag-away kami pagkatapos non, at nagdrama na naman siya at sinasabi na bruha raw ako at minamagic-magic siya. Dami niyang alam, bet niya naman kekek.





Humarap ako sa salamin at aking inadmire ang aking sarili. Dapat pakak, tayo don, anteh, malay mo biglang magbago ang simoy ng hangin at ipakilala ako ni Accla bilang girlfriend niyang maganda. Hihihihi.




Maganda at sakto ang makeup? ...check.




Sexy na damit, ung tipong mag-babe-bend ako at makikita ang aking biyayang hinaharap...check.




Hair... check na check.



"Ganda mo talaga," sabi ko sa sarili ko sa salamin. Syempre, hinila ko na ang aking bagahe at dahan-dahan na binuksan ang pinto, ung tipong pang-main character lang, hakhak.



Pagbukas ko ng pinto, imbis na ako mang-aakit, mukhang ako ang naakit!. Nanlalaki ang aking mga mata, at ulala, busog na naman ako dahil sa aking poging jowa. Ang muscles niya, pak na pak!



Ang messy hair niyang parang "I woke up like this" na hot version, at ang veiny hands, ulam! Pasok mo sakin, sir. Charizzz... Dahil busy ang aking bebelabs sa kanyang cellphone at may salamin pa siya, dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Para akong ahas na lumingkis at binackhug siya at nilagay ang aking chin sa kanyang balikat.


"Im doneeeee~~~," pang-malandi na tono kasi malandi ako.


"Ano ba yan," sabi niya at napabusangot siya. Ang kemi naman ni bading pero ang mata niya nagkakanda-duling-duling na sa pagtingin sa boobs ko.





"Sino ba yang kausap mo? Naiinggit ako," nagpacute ako, ung tipong mabibighani siya at ang yawa napataas kilay nalang siya.




"Wag kang gumanyan, mukha kang nakaigit." Nangasim ang mukha ko at sinamaan siya ng tingin at ibinigay ko ung maleta ko at kinuha naman niya.




"Halika na nga, andami mong commercial," sabi ko at napacross arms syempre dapat ung mukhang sexy pa rin. "Ikaw lang naman ang madaming commercial ere," bayut.



Syempre lumabas na kami sa penthouse niya at sinarado na niya ung penthouse niya at dai, ang pogiiiiiiiiiiiii talaga ni bading! Alam mo ung tipong napapanovena ako at napapadasal habang naglalakad siya sa hallway na may hatak na maleta, at ako naman, parang Matanglawin na pinagmamasdan ang hot niyang likod.



"kekekek," syempre, tuwang-tuwa na naman ang aking kaibuturan kay Accla.




Pano ba naman, kasi mukha siyang lalaki habang hinihila-hila niya ang maleta ko, sige, mainggit ka! Mainggit ka dapat.


Napapakanta ako ng kanta ni Madam Lana Del Ray: "Dear Lord, when I get to heaven, Please, let me bring my man, When he comes, tell me that You'll let him in, Father, tell me if You can, All that grace, all that body, All that face makes me wanna party, He's my sun, he makes me shine like diamonds"



Under Her Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon