6 - SMUT

316 9 2
                                    

CELESTIA'S POINT OF VIEW


Para akong baliw na nakangiti nang sobrang lawak habang tinitingnan ang aking napakagwapong jowa.



Nasa hotel na kami sa Baguio, at halos manginig ako sa sobrang lamig. Kahit binubungangaan ako ng aking hottie boyfie, deadma lang ako.



"Ayan, pang-pokpok pa kasi 'yang damit mo, tingnan mo, halos makulangan ka ng tela, tas ngayon nilalamig ka na parang basang sisiw," sabi niya habang inaayos ang mga gamit namin. Napasimangot na lang ako at nag-flip ng buhok.


"Gusto ko kasing maging maganda sa paningin mo," sabi ko sabay pacute, at inirapan lang ako ni bading, hayup.



"Mas uunahin mo pang magmukhang maganda kesa sa kalusugan mo," he said. Pagkatapos non, dumiretso na siya sa CR, at siyempre, dahil isa akong haliparot, mas mabilis pa ako sa kidlat.


"Sabay na tayo, hihihi," at ayun, nakatikim ako ng masarap na pektus. "Umayos ka, konti ka lang sakin, bading, tatadyakan talaga kita." sabi niya sakin with matching pandidiri



Napa-pout ako ng bongga at nag-whine, "hngg."



"Ang damot, akala mo naman hindi tayo nag-labing labing dati," pabulong-bulong ko at maktol, at si accling sinaraduhan na lang ako ng pinto ng napakalakas.


At syempre, hinintay ko na lang siya matapos, nanood na lang ako ng TikTok at dahil na rin sa sobrang bored ko. Vinideohan ko rin yung hotel room namin sa Baguio.




After an hour or so, lumabas na ang yummy kong jowa, at may towel lang na nakabalot sa kanyang katawan mula baywang pababa. Kaya hindi ko napigilang makagat-labi habang tinitingnan siya. Hihihi.




"Ang aga naman ng dinner ko," sabi ko, habang nanlalaki ang mata habang pinapak ng tingin ang kanyang abs.



"Dapat talaga nagbibihis ako sa CR," pabulong-bulong niyang sabi, at syempre, opportunity ko na iyon para makalandi ng bonggang-bongga.




Slow motion pa akong naglakad para may effect, hihi. Binackhug ko siya, at napastiffen si accla.



"Bango ah, parang baby," sabay singhot sa pak niyang na likod at kinagat siya. Ugh, yummy!



"Aray! Aso kaba?" pinagtatabuyan niya ako, pero dahil lahi namin ang linta, nahirapan siyang ilayo ako sa kanya.



"Yes, kaya padila, aw aw," ang ending, nakatikim ako ng pakak na kurot sa aking tagiliran kaya nagdadabog na lang akong pumunta sa banyo para maligo.



"Letse, napakadamot mo, hmp!" sigaw ko at inirapan siya.



Hindi lang ako pinansin ni bayut kasi nagtrabaho na siya agad, kaya naligo na lang muna ako. Bahala siya sa kanyang layp na malungkot.

Under Her Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon