"Hoy bakla!" Untag ko sa super friend kong half--half tao, half-bading, si Piolo. Actually di naman talaga yan ang name niya, may naalala lang ako nung first ever na ma-meet ko siya kaya yun ang tinawag ko sa kanya and nag-stick na sakin.
Intrams ng school namin ngayon kaya madaming tao, yan tuloy nahirapan akong hanapin siya.
"Hoy ka rin Dyosa bakit ba??" Sagot ni Piolo sa pilit pinatigas na boses na nagpabalik sakin sa present
"Hello? Kanina pa kita hinahanap sa canteen andito ko lang pala i'm so tired na" sagot ko na may pag-iinarte na naman, magaling ako umacting eh lalo na kay Piolo na madalas pagbigyan ang mga echos ko sa buhay.
"Haynako nagtext ako sayo noh sabi ko ikaw ay mag-aribo dahil umuulan ng muscle dito sa open court" malanding sabi niya sabay hawak sa bewang habang nakatayo sa isa sa mga punuan ng bench.
Natawa ako sabay check ng phone."Ay oo pala, sorry Beks!"
"Hmm tse!" Sagot niya sakin sabay ismid at humarap ulit sa tinitingnan niya.
Tiningnan ko ulit si Baks. Makinis ang mukha, bagung-bagong gupit ang buhok, bagong putol ang mga kuko, malinis ang tainga, mata, ilong, nguso, matalinong manamit...at ang unang salitang naiisip ko everytime nagco-contemplate ako sa itsura niya ay: SAYANG.
Pano ba naman panghearthrob ang beauty niya eh! At buong population ng 2nd Year HRM students ang nag-aagree na siya ang pinakagwapo sa lahat ng lalaki at pinakamalandi naman sa lahat ng babae.
Ang alam ko madami rin kaming schoolmate na nagkaka-crush sa kanya at umaatras kapag nalaman na ang gusto niya ay gwapo rin pala. Oh well ganyan talaga.
BTW bat ba si Bakla ang unang naipakilala dito AKO dapat di ba? Ako ang Diyosa eh!
So anyway, hi ebribadi ako nga pala si Dyosa, 17 years nang nagpapabeautify sa mundo, nag-aaral sa Saint Luke's Academy, matatagpuan ako oftentimes na kumakalikot ng kung anu-anong bagay sa bahay namin sa may dulo ng gas station, never been kissed, never been touched, but totally damaged, and I do believe that the essence of being a woman is through the carrying of a child in her womb!Ayan nakapagpakilala na ko balik na tayo sa storya ko.
As of this magical moment andito kami sa ball grounds kung saan nga naabutan ko si Piolo na nanonood ng basketball.
Nag-roll eyes ako sabay tuntong din sa bench na tinatayuan niya para makasulyap rin sa game."May gwapo b--WAAAAAA OHMEGAD BEKS ANG PUSO KO HARUDIYOSKO"
Sabay kunwari hawak sa dibdib ko na nahihirapan huminga."Wag kang OA friend" sabi niya "kanina pa kita pinapapunta dito e ang bagal mo yan tuloy naunahan na tayo ng mga makiring chakang yun." sabay nguso sa mga schoolmates namin na wagas kung maka-cheer kina koya.
Pero hindi totoo yung sinabi ni Baks na chaka sila. Haay sila yung squad ng mga majorette sa school eh, perfect body, perfect skin, perfect figure, wag na lang tingnan ang face. Pero totoong makiri nga. Yung iba sumisigaw pa ng "Go Baby!" Tss. Nakakairita tong mga to.
"Teka baks bat parang ngayon ko lang sila nakita? Schoolmates ba natin yan? Bat ngayon lang nagsilabasan? Mga chaka boys natin eh san sila galing?" Energetic at sunud-sunod kong tanong. Wooh nabubuhay ang dugo ko kapag nakakakita ng gwapo eh.
"Relax ka lang friend, mga taga-MGCU sila"
"Huh? Eh anong ginagawa nila dito?" Kunot-noong sabi ko
"Nagba-basketball"
"Ay oo nga noh" sakay ko na lang sa 'joke' niya sabay tawa ng pambakla (kung ano man yun)
As I rolled my eyes heavenwards nakita ko ang sagot sa mga katanungan ko:
'Michael Gordon Clifford University and St. Luke's Academy Sisterhood Basketball Championship'
BINABASA MO ANG
Perks of Being Dyosa
HumorPara sa mga tunay na Dyosa, nagdyo-dyosa-dyosahan, o Dyosa lang sa pangalan.