Isang linggo mahigit nang tapos ang Intrams so bale isang linggo mahigit na rin akong tulala.
Mokong na yun. Alam niyo ba kung anong sinabi sakin?"I said joke lang yun, Davika Yona Sy Andes." He said while straightening his posture.
Kami naman namimilog pa rin ang mga mata habang nakatitig sa anghel sa harap namin. Sino ba ang lalaking to? Pano niya ko nakilala at pano niya nalaman ang buong pangalan ko?"I want to make a proposition" hindi nakaligtas sa hawk eyes ko ang half-smirk na yun.
"What?" Confused pa rin na tanong ko.
"For the third time joke lang yung kanina" humugot siya ng malalim na hininga bago muling nagpatuloy
"I was just testing the waters. At ngayong alam ko nang may feelings ka sakin let's take it to the next level." Walang paliguy-ligoy na saad niya.
"I want you to be my girlfrie--"
"DOUBLE WHAT?"
"FAKE girl--"
"TRIPLE WHAT?"
"Ipapakilala kita sa mga magulang--"
"QUADRUPLE WHAT?"
"Ugh! Pwede ba patapusin mo muna ko you're exasperating!"
Exasperated na siya sa lagay niyang yun? Aww ang cute niya naman.
Ay ano ba to bat ba ko ba tinatawag na cute ang halimaw na to. Pero ano daw? FAKE GIRLFRIEND?
I laughed."So I get it Mr. Papable--erm ah whatever your name is, but what makes you think na papayag ako sa gusto mo?"
"Simply because..." Hmm mukhang nag-iisip siya, di bagay.
"Simply because sinabi mong gwapo ako".
"Weh? Yun lang? I'm sure maraming nagsasabi sayo niyan araw-araw sa gwapo mo ba nama--oops" natutop ko ang bunganga ko. Ang daldal ko talaga!
"Sabi mo I love you" dagdag pa niya
"Ay Papa ako na lang mag I love you ako sayo tapos ako na lang magpapanggap na girlfriend mo kering-keri ko yaaan" woah buhay pa pala to. But thank God he saved me.
"Ahh Mr..."
"Just call me Audrey" Audrey? Haha pfft!
"Um Audrey..." He said calmly "I don't think ikaw ang hinahanap ko" PAK! Taob ang shokla.
"Eh kung pumayag ako ano naman ang kapalit?" Singit ko sa usapan. Hello ako ang bida dito noh
"Let's be frank here Ms. Andes, alam ko ang status ng account mo" I arched an eyebrow "pati na rin ang sa kapatid mo sa Ateneo" double eyebrows "at sa nakikita ko malayong makapag-finals pa kayong dalawa sa taas ng back accounts niyo
Upon hearing that revelation, kumulo ang dugo ko.
Wala akong pakialam kung sino man ang hudyong to pero anong karapatan niyang halughugin ang bank accounts namin ng kapatid ko? What the."Ah. So dahil lang nalaman mong naghihirap na pala at wala akong pangtuition kaya nag-ooffer ka ng tulong?" Sabi ko in a monotone. Pinipigilan kong masigawan siya.
"Yes." He smiled. "At for sure mag-eenjoy ka sa trabaho mo. You get easy money with no hardwork at all, my pangtuition ka na, may gwapong boyfriend ka pa na for sure kahit sa panaginip ay malabong mangyari sayo"
"And all you got to do is disappoint my parents" patuloy niya nang hindi ako nagsalita
Tumawa ako nang pilit. At parang may nag-glimmer sa mata niya. Her smirked again at napikon na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Perks of Being Dyosa
HumorPara sa mga tunay na Dyosa, nagdyo-dyosa-dyosahan, o Dyosa lang sa pangalan.