Fourth day na ngayon ng Intramurals at as usual nakakapagod na naman. Kami kasi nakassign magprepare and magdistribute ng food sa lahat ng players sa college namin kaya haggardness ang mga beauty ng mga lola mo.
But that's what HRM is for right? Kaya keri lang. And besides di naman yun nakabawas ng pagka-Dyosa ko *Dyosa laugh*.Tapos pala may project kami sa Uhn-truh-pre-neur-ship na kung anu-anong eching, basta alam niyo naman ang Entrep di ba all about businessessessess chuchu, in short, tindera ang peg namin ngayon. Kung sa grupo namin ni Leina relax ako at pakanta-kanta lang kasi responsible ang leader namin na si Mearl kahit may pagka-bitchy kung minsan, iba naman kina Piolo. I won't go into details na kasi sobrang boring naman ng story tulad ng leader nila na si Kuya Albert (oops!).
Basta ang alam ko dalawang gabi na kaming nakikitulog kina Ayra (blockmate ko lang noon na bestfriend ko na ngayon) para lang gumawa ng product nila i.e. natural flavored polvoron!
So eto na nga as of now tinitinda na namin yung mga innovative products namin sa mga booth na designated ng school para sa mga Entrep class and being the overly-excited kid that I was bored na bored na ako! So I grasped the first opportunity when it came pouncing on my stall aka ang laging-magkaaway-pero-halata-namang-nagkakagustuhan-na na sina Alecx Abordo at Peniel Shin.
"Baliw ka ba talagang Penielito ka bat mo ba talaga ko sinusundan ha?" Pambungad ni Alecx
"Ako? Ang hearthrob, habulin, at ubod nang karismang si Peniel Shin sinusundan ka? Pwe!" Hmm I must say may pagkahumble rin ang lalaking to.
"Eww nakakasuka ka talaga umalis ka nga sa harapan ko monster!"
"Bakit pati ba to nabili mo na kaya ayaw mo--"
"HEP HEP HEP HEP" sabat ko
"HOORAY" sagot naman ni Piolo
Dahil nagkakainitan na ang labers 'as per usual', minabuti na naming pumagitna bago pa mahuli ang lahat.
"Hoy Alecxandria hindi ka niya sinusundan, nasayo na kasi ang lahat pwera lang kay Papa Peniel." Explanation ni Piolo sa mukha mismo ni Alecx
"At ikaw naman Penelope tutal monster ka at bestseller ang love story ninyong dalawa nakatadhana kayong magbantay ng booth effective today." Dagdag ko habang nakapamewang sa harap ni Peniel.
Habang natulala pa ang dalawa, nagkindatan kami ni GF (gayfriend) and together we exclaimed "CONGRATULATIONS!" sabay sibat sa isang malayong kaharian.
Takbo sa ballground, tago sa may puno, gulong sa damuhan--woosh, mala-action star kami ni Piolo. Malay mo kasi:
A.) Matauhan yung dalawa at habulin kami at pagbantayin ulit sa booth or;
B.) Magkapatayan sila sa sobrang inis sa isa't-isa at kami ang sisihin ng mga otoridad.
I dunno what's worse (lunok-laway) so ang pinakamagandang solusyon ay tumakbo, magtago, gumulong, at huwag nang magpakita kailanman."Friend I think we lost them na already" conyo at boses ipis na suggestion ni Piolo na sinundan ng malutong na halakhak.
"Oo nga Beks success!!" Sabi ko at nagpahabol rin ng evil laugh.
Nasa ganun kaming state at nag-aappearan pa nang may lumapit na GWAPONG LALAKI. I repeat gwapong lalaki. Inuulit ko gwapong lalaki. One more time gwapong lalaki!
Hindi kami makapaniwala na may lumapit ngang super handsome makalaglag panty/panga/mata na lalaki sa amin at dahil dun naglaway ako at tumulo sa kanya.
Joke lang naman yung tumulo pero seriously naglaway talaga ang lola mo! Pano ba naman anghel ata to eh. Ang kinis ng mukha mas makinis pa ata sakin, ang puti ang ang pantay ng mga ngipin di tulad ng akin bungi, ang tangos ng ilong kaya kita ko ang buhok buti sakin wala at ang bango ng hininga therefore I conclude that we kiss!Pero di talaga ko makapaniwala na may point sa buhay ko na may lalapit saking gwapong lalaki like totoo pala ang milagro.
Kung saan-saan nang dako ng Pinas lumipad ang kaluluwa ko at di namalayan na kinakausap niya pala ako
"Hey hey" sabi niya with matching kaway-kaway sa tapat mismo ng feslak ko
"Hey too, what's your problem man?" Kunwari pa-slang din na sagot ko
"Umm" he trailed off "you're Dyosa right?"
"Woah what how'd you know? Sinusundan mo ba ko anong ginawa mo sa kapatid ko asan ang pamilya ko bat nawawala yung isang panty ko sa sampayan baket BAKET?" On normal circumstances ganyan ang mga sagot ko sa mga taong bigla na lang susulpot at tatawagin ako sa aking magandang pangalan kahit hindi ko naman kakilala pero iba ito, hindi siya normal, anghel siya anghel! Anghel na bumaba sa langit para sagipin ang beauty ko--
"Ay! Ano ba Beks ang hair ko why touchin me?" Pag-iinarte ko kay bakla. Hilahin ba naman ang buhok ko? Anyway pagtingin ko sa direksyon niya namimilog ang mga mata niya at nakanguso sa direksyon ni Mister Papable.
"Ay sorry Papa--I mean I believe I didn't get your name" sabi ko as I make sabit-sabit my fallen strands to the back of my ear and flashed my most tantalizing smile (kaso parang di ata effective). "Um ano ulit yun?"
"Somebody told me yesterday..." He trailed off again
"I saw you last Monday, you shouted 'I love you'..." Ommona ~
"...and i'm here to tell you I love you too" walang ka-ITCH ITCH na sabi niya.
Like seriously sino ba to? Ngayon ko lang to nakita eh. I blinked once, I blinked twice, prepared for flight na sana ako nang bigla siyang magsalita ulit.
"At the basketball court remember? You shouted my last name and screamed 'I love you'? Well why don't you say it now maybe the feeling's mutual." Sabi niya sabay kindat na ikinahimatay namin ni Piolo.
Haynako joke lang ulit. Basta upon hearing his confession, namula talaga ako. Naalala ko na. Siya yung #7 ng MGCU na ni-I love you-han ko!
OH. MY. GLOB. I didn't even thought na matatandaan niya ang pretty face ko!
Oh well aminado ako madami talagang nahuhumaling sa dyosang to pero joke lang naman yung kahapon eh! Nagwapuhan lang talaga ko kaya ganun.At alam niyo ginawa ko sa 2 minutes, 44 seconds, and 26.5 milliseconds na pag-iisip kung ano ang magandang palusot? Well ito ang lumabas sa bibig ko:
"Well yeah, I really like you. So do I have a chance?" And with that he smiled na kulang na lang mapunit bunganga niya.Katahimikan. Mahabang nakabibinging katahimikan. Pero nakangiti pa rin siya, oh that soulful smile! Liningon ko si Piolo at tulo-laway na talaga ang lolo niyo...
Hmm teka lang parang may mali sa mukha niya..."Um excuse me lang muna baby ha?" Sabi ko kay Papable at hinarap yung bakla sa tabi ko.
"Friend bat ang dungis ng fes mo?"
Tanong ko habang nakakunot ang noo at pinupunasan yung dumi sa mukha niya."Huh?" Natauhan na ang shokoy.
"Oo friend andaming mud and may mga dahon pa sa buhok mo..." sagot ko sabay pagpag sa ulo niya
"...pati sa arms at shoulder...NATIN!""Waaaaaaaaa!"
Dun lang namin narealize na dahil pala sa 'stunt' namin kanina nag-acquire kami ng milyun-miyong germs at ang dungis na namin ngayon.
Mister Papable was murmuring something in the background pero di ko muna siya pinansin. Mas importante ang kalagayan namin ngayon.
Bat kami nagkaganito? Tanong ko. Hindi ko alam kung sa isip lang ba yun or nasabi ko out loud.
After ilang minutes ng helpless na pagpapagpag natawa na lang kami ni Piolo kasi pareho na kaming mukhang pulubi.Nagtatawanan pa rin kami nang magsalita ulit si Kuya at this time di na siya papayag na di mapansin. Tiningnan ko siya at sabay pa kami ni Baks na napa 'huh?'
Inulit niya yung sinabi niya na halos ikaguho ng mundo ko. *note the exaggeration*"JOKE"
BINABASA MO ANG
Perks of Being Dyosa
HumorPara sa mga tunay na Dyosa, nagdyo-dyosa-dyosahan, o Dyosa lang sa pangalan.