Kakalabas ko lang galing sa office ng Accounting Director ng school ng kapatid ko.
Anong ginawa ko dun? Pumirma lang naman ng promissory note para makakuha na ng examination permit si Dais at makapagexam.
"Ate Dan thank you talaga sige na punta na ko sa classroom ko mag-rereview pa ako"
"Okay, good luck" sabi ko na lang habang tulala
Bakit ba ang hirap hanapin ng pera? San nga ba talaga nakukuha ang pera? Pano nauubos ang pera? Ito ang mga katanungang naglalaro sa isip ko habang naglalakad ako sa kalsada nang nakatulala pa rin.
"Ay sorry!" Sa sobrang pag-iisip ko kung pano nga ba talaga ako magkakapera di ko namalayan na may masasalubong pala ako.
"Okay lang" saka siya yumuko at pinulot ang mga nahulog niyang gamit sa sahig.
Imbes na matauhan lalo akong nawala sa huwisyo. Ang gwapo niya kasi! Nawala lahat ng isipin ko sa buhay ng masilayan ko ang pang "That's My Bae" niyang mukha. Mahabang pilik-mata, mapulang labi, matangos na ilong, malalim na dimples, pang hearthrob na katawan OH MY G!
So ayun nakatulala pa rin ako at pinapanood siyang magpulot ng gamit sa harapan ko."Miss okay ka lang?" Tanong niya nang matapos siya
"Ah--" napahiya na naman ako! "Ah okay lang ako, sorry and thank you!" Natatarantang sabi ko at mabilis na naglakad paalis
"Miss teka" hala hinabol niya ko?
"B-bakit po?" Mautal-utal kong tanong
"Can I have your number?" Ani niya na parang nagsusumamo and as if on cue nagbabaan ang mga anghel sa langit at kumanta ng sabay-sabay sa tenga ko.
Gusto niya kunin ang number ko? Nasa langit na ba ako?
"Hey" untag niya ulit
"Umm" pag-aalangan ko
"I understand na di mo pa ko kilala, pero dito rin ako nag-aaral" at itinaas niya pa ID niya "see?"
"O-okay" sabi ko na lang
"Sige na please, can I have your number?" Nagpapacute siya oh my!
"P-para saan?" Di ko mapigilan mabulol! Nakakahiya talaga.
"'Cause I want to be friends" anito at ibinigay sakin ang palad at isang ballpen "just write it"
"Please" he said then pouted.
Alam ko binali ko na yung tinuro sakin ng mga magulang ko na 'Don't talk to strangers' kani-kanina lang at ngayon ito namang 'Don't trust strangers' rule.
Aish sorry di ko mapigilan eh, ampogi niya, sayang ng pagkakataon.
"Ang gwapo niya eh."
I took his pen on my write hand and his wrist on my left.After that he smiled very widely.
Tumango rin ako at nagpaalam na kasi di ko na talaga mapigil ang kilig.Hmm what if tawagan niya ko mamayang gabi tas sasagutin ko tas mag-uusap kami at magtatawanan hanggang magdamag tapos kinaumagahan magdedate tapos after 2 weeks magtapat na siya sakin tas kunwari magpapakipot ako tas liligawan niya ko tas after 2 weeks sasagutin ko na din siya tapos magiging kami tas magpapakasal tas magkakaron ng maraming anak tas magiging masaya habangbuhay.
Kinagabihan, naghahapunan pa lang pero inaabangan ko nang mag-ring ang cellphone ko. Hanggang sa matapos ako maghugas ng pinggan, manood ng tv, at maligo, wala pa ring dumating na tawag o kahit text man lang kay Mr. Can I Have Your Number. Ang baliw ko talaga. Ni hindi ko nga kilala tapos binigay ko number ko. Malamang na turn off na yun. Ang cheap ko naman kasing tingnan nun.
Dahil nalungkot talaga ko dahil niloko lang ako ni Kuyang Pogi, napagpasyahan kong magbrowse na lang sa facebook.
Sa isang linggong pagkawala ko sa fb world eto lang ang sasalubong sakin, 12 notifications na puro walang kwenta, limang personal messages--tatlo sa mga auntie ko na as usual nangungumusta kina mama, isa sa psychology classmate ko na nagsend ng file, at isa kay Fernando na may lamang chika, as usual. Ganyan ang fb ng di famous.
Macheck nga tong message ni bakla.
Fernando Gandangreyna: Friend
Fernando Gandangreyna: eto fb ni parker. Feymhose ang lolo mo http.supermanako47hjshjahjajj
Nag-alangan pa ko kung icclick ang link na yun pero in the end ginawa ko rin.
HOMAYGAHD nakakalula! 77, 246 followers! Yung like sa profile pics at pictures niya nakakanosebleed. Haay sabi na eh. Sa gwapo niya ba namang yun. Obvious pa na anak-mayaman.
Itong latest profile picture niya nga na nakasuot siya ng light blue long sleeves at denim bowtie at nakanigiti ng nakakasilaw ay halos umabot na ng 100,000. Okay siya na.
Nagstalk pa ako nang nagstalk (sa profile pictures folder) hanggang sa umabot ako sa point na 2012 pa. Yung isa dated December 7, 2012 grabe ang liit niya pa, namumula ang pisngi at batang-bata.
Isang click pa at may nakita akong kasama niyang girl.
"My princess with her knight" yun ang caption, habang nakaakbay siya sa girl at pareho silang nakangiti sa camera.
Siguro ang babaeng to ang first love niya.
Sa baba nakita ko may comment ang isang Miranda Jade Alvarez ng "<3" at nagreply naman si Parker ng dalawang "<3" dahil I felt very suspicious niclick ko yung link ng name nung Miranda at viola! Siya nga.
"wishing you were here" isa sa latest post niya habang nakaside view at nasa background ang Eiffel Tower. Ay ang drama teh. Pero seryoso, ang yaman! Siguro nagbabakasyon siya sa Paris. Siyempre stalk pa more ako at nalaman kong sa London pala siya nakatira ngayon.
Grabe nakaka-insecure fb ni Miranda. Sikat na, maganda pa. Nahiya naman yung 97 likes sa profile picture ko.
Dahil naiinis ako, bago mag-logout nagpost muna ako ng pang-redeem ng self-esteem ko. A simple one liner:
"Popularity is for stupid people". Ha!
After that incident, I went to sleep and had a very weird dream. Nag-road trip daw kami ng mga kaibigan ko at habang nasa daan nahulog daw yung nakasampay na puting shorts ko at nagrequest daw akong itigil muna yung truck (yup, yun daw ang sasakyan namin) tas nung tinigil na ng driver aka ang classmate kong si Hubert, tumakbo raw ako nang tumakbo palapit dun sa shorts na sobrang layo na ng nahulugan at tsaka ko narealize na iniwan na pala nila ako. Simula Manila naglakad daw ako pauwi sa probinsya namin. At habang naglalakad nakikita ko pa rin yung truck pati mga kaibigan ko pero hindi pa rin sila tumitigil at parang walang pakialam sakin. Dalawang araw na ang nakalipas pero hindi ko pa rin malimutan panaginip na yun. It haunts me everytime my mind is not busy thinking. Hindi maalis sakin yung feeling na naiwan ako at hindi na binalikan. Natatakot ako. Ayoko sa lahat ang maiwan. That was one of my most heartbreaking nightmares ever.
BINABASA MO ANG
Perks of Being Dyosa
HumorPara sa mga tunay na Dyosa, nagdyo-dyosa-dyosahan, o Dyosa lang sa pangalan.