A/N: UHM HIIIIII. HI GUYS! SORRY! I'M SO SORRY NGAYON LANG AKO NAKAPAGUPDATE! ALDKAKFJALFKA SUPER BUSY KASI SA SCHOOL. SORRY TALAGA! ANYWAY, HERE'S THE UPDATE. SANA MAGUSTUHAN NIYO ✌
---x
(Daniela's POV)Pagkatapos ng CAT namin, kinuha namin yung bag namin sa may side ng field. Naupo kami ni Ezra sa may bench para magpahinga.
"Ang hot ni hubby mo kanina ha," Siniko ako ni Ezra tapos kinindatan ako.
Dahil late si Jared at Krisla, pinag-30 push ups si Jared habang si Krisla pinag-10 sit ups.
"Napapaisip lang ako," I chewed on my inner cheeks. "Bakit magkasama si Jared at Krisla?"
"Oo nga, bakit nga kaya magkasama yung dalawang yun? Balita ko mapili sa kaibigan yung Krisla na yun eh. Sus, naging America's Top Model lang siya ang yabang na niya," Umismid si Ezra tapos binuksan yung bag niya at kumuha ng tubig. Habang umiinom siya ng tubig niya, tumuro siya sa likod ko kaya lumingon ako. Papalapit si Billy sa amin, may hawak siyang dalawang bote ng tubig tapos sa kabilang kamay, hawak niya yung strap ng bag niya habang naka-sukbit ito sa balikat niya.
"Hi," Nginitian kami ni Billy tapos naupo siya sa tabi ko. Nilapag niya sa hita niya yung bag niya tapos inabot yung isang malamig na tubig sa akin. "Water for you," Nginitian niya ulit ako. Kinuha ko ito kaya palihim akong siniko ni Ezra. Binuksan ko yung bote tapos lumagok ako. "Ang cute mo," Billy said. Namula ako kaya bahagya akong yumuko. Jusko, ano ba. Daniela, may asawa ka, pwede ba magtigil ka nga.
"Ay, aray, aray! May langgam!" Biglang tumayo si Ezra habang hawak yung bote ng tubig niya pati yung bag niya. Pinagpagan niya yung uniform niya kaya tinignan ko yung inuupuan ko kung may langgam, pero wala naman.
"Wala namang langgam." Nagkasabay na sabi namin ni Billy.
"Oh, kita niyo, ayan mas dumami yung langgam!" Mas lalong pinagpagan ni Ezra yung uniform niya. "Hay nako, nakaka-OP. Hahanapin ko nga si Jason para may manggaganyan din sa akin." Pinasok ni Ezra yung tubig niya sa bag niya tapos nag-walk-out na.
Nagkatinginan na lang kami ni Billy saka humagalpak sa tawa. Talaga yun si Ezra, loka-loka talaga.
"Nga pala," Tumingin ako kay Billy nung magsalita siya. "Lunch tayo?" He offered.
"Wait, diba sarado yung canteen?" I said.
He patted my bun so I gave him a glare. "Sa labas tayo maglulunch," Tumayo siya tapos sinabit sa balikat niya yung bag niya. "Tara, may alam akong kainan sa labas ng school!"
I rolled my eyes but smirked at him. "Sige na nga, tara." Tumayo ako at lumakad na kami papunta sa gate ng school.
(Jared's POV)
"You're staring at them, are you jealous?" Someone said behind my back.
I closed the water bottle as I threw it on the ground. I faced the person with a cold glare, not showing any emotions at all. "I am not jealous, Krisla. I don't know them and I won't waste my time for idiots."
She smirked at me, boring her devious eyes at mine. "You can't fool me, Rence. I know--"
"Shut up." I turned my back at her as I made my way out of the scene. Lalo lang sumasama pakiramdam ko.
Dala ko yung bag ko nung dumiretso ako sa parking lot. Binuksan ko yung driver's door tapos hinagis ko sa loob yung bag ko. Tangina. You care. Shut up, heart.
Pinaandar ko na yung kotse pagkapasok ko.
You care, Jared. As much as you want to hide it, you can never stop yourself from caring. Man up, bro.
BINABASA MO ANG
My Cold-Hearted Husband
RomanceLove comes in an unpredictable way so watch out or you'll witness a cold journey with a free roller coaster ride of your life.