Chapter Twenty Five

280 7 1
                                    

(Daniela's POV)

Tumaas na yung platelets ko at sabi ng doktor pwedena raw akong umuwi kaya heto ako, after one day rest sa bahay, nagdesisyon akong pumasok na ulit sa school.

Sabay kaming pumasok ni Jared at hinatid niya rin ako sa room. Sabi ni Ezra wala naman daw akong gaanong namiss kasi may mga assignments naman ako. As for Billy, well, Recess time na nung nakapasok siya. Saka ko lang napansin yun nung bumalik ako sa room after kong magrecess. Di kami sabay ni Jared since gusto ko rin siyang bigyan ng time kasama classmates niya.

Nung makabalik ako nun sa room, agad akong sinalubong ni Billy at niyakap. Naghiyawan yung mga kaklase namin kaya agad akong lumayo sa kanya. Kita sa expression ni Billy na nasaktan siya dahil sa paglayo ko. Di niya ako masisisi, nagsinungaling siya sa akin.

"Daniela, hindi mo pa rin ba ako napapatawad?" Tanong ni Billy habang nakatitig sa akin at hawak ang magkabilang braso ko.

"Billy, ayoko ng sinungaling at isa pa, mas okay na rin 'to, yung hindi tayo nag-uusap. Ayokong umasa ka na may gusto ako sayo kasi masasaktan ka lang." I gave him a small but encouraging smile before turning away.

Hinawakan niya yung left hand ko at nagsalita, "Daniela, please patawarin mo na ako. Gagawin ko lahat basta mapatawad mo lang ako."

Gagawin niya lahat? Kapag ba sinabi ko sa kanya na lumayo siya at patatawarn ko siya, gagawin niya?

Nagkibit-balikat ako at tinignan siya sa mata. "Gagawin mo lahat?" I asked and he abruptly nodded. "Mapapatawad kita kung lalayuan mo ako."

He stared at me for a minute, blinking his eyes several times. "Daniela, alam mo namang..." He sighed, "Alam mo namang gusto kita diba?"

I looked at his eyes before looking at the ground. "Alam ko, kaya nga pinapalayo na kita. Billy, hindi kita gusto, hanggang kaibigan lang ang mabibigay ko sayo, alam mo naman yun diba? Ayoko lang na masaktan ka."

Tinaas niya yung kama niya kaya sinundan ko iyon ng tingin. Sinuklay niya yung buhok niya gamit ng kamay niya tapos tinignan niya ako sa mata. "Ganito na lang, di ka lalayo, magkaibigan pa rin tayo pero ipaparamdam ko pa rin na gusto kita. Di kita pipiliting magustuhan ako, hindi ko rin intensyon na maconfuse ka. Gusto ko lang na maramdaman mong gusto kita kasi dun lang ako magiging masaya."

I sighed. "Mukhang di naman kita mapipilit na layuan ako eh," I nibbled my bottop lip as I looked at the ground once again. "Sige, papatawarin na kita. Basta wag ka na ulit magsisinungaling."

"Talaga?" He asked amusingly. I nodded with a small smile on my face. "Yes! Thank you!" He shouted happily, occasionally punching in the air.

"Saya ni Ventura ah, anong meron?" Bati ni John kay Billy habang nasa kabilang side siya ng classroom.

Nakangiting lumingon sa kanya si Billy. "Tinanggap na niya yung sorry ko at napatawad na niya ako." Sumayaw-sayaw pa si Billy kaya umiling na lang ako at bumalik sa upuan ko.

Maya-maya pa nagring na yung bell at nakita kong pumasok si Ezra kasama si Jason. May dala siyang cheesecake na nasa balot. Tinitigan ko siya habang palapit siya sa akin. Si Jason dumiretso na sa upuan niya. Inabot ni Ezra sa akin yung cheesecake habang bahagya siyang nakasmile sa akin.

"Pinapabigay ng asawa mo," She said, answering the look in my face. She plopped down on the empty seat beside me. "Nagpunta raw siya kanina rito kaso napansin niya na parang busy ka raw kayakap si..." Luminga-linga siya, parang may hinahanap. Maya-maya tumingin ulit siya sa akin. "Kayakap mo raw si Billy kaya umalis siya at binigay na lang yan sa akin. Ibigay ko raw sayo."

My Cold-Hearted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon