(Daniela's POV)
Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa Bedside Table ko. Nakadapa ako ng magising kaya hinampas ko yung alarm clock ko. Bwiset! Madaling araw na nakatulog gigisingin pa ko ng maaga.
Babangon sana ako kaso pinigilan ako ni Jared.
"Matulog ka pa."
(Jared's POV)
Gising na ako bago pa tumunog ang digital clock ni Daniela. Sa totoo lang, maaga akong nagising. Halos di ako nakatulog dahil sa nangyari sa amin ni Daniela. Tinititigan ko lang siya habang mahimbing siyang natutulog.
Nung magising si Daniela dahil sa alarm clock niya, pinigil ko siya sa likod bago ako bumulong ng: "Matulog ka pa." Kailangan mo pa ng sapat na tulog.
Tumayo na ako saka dumiretso sa baba. Nagluto ako ng pagkain at nung tumuntong na sa alas sais ang oras, ginising ko na si Jordan at pinakain. Naligo na rin ako at naghanda para sa trabaho. Ipinagtimpla ko ng kape na may halong honey si Daniela tapos kumuha ako ng aspirin sa medicine box at inakyat sa taas saka inilapag sa bedside table niya.
Bago ako tuluyang umalis, humalik muna ako sa noo ni Daniela saka pinaalalahanan si Jordan na hiwag siyang maingay dahil natutulog ang mommy niya.
Sa kahuli-hulihan, naglagay ako ng stickynotes saka na umalis.
(Daniela's POV)
Nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa pinto ng kwarto.
"Mommy! Mommy!"
Nang bumangon ako, napalingon ako sa bedside table ko. May tasa ng kape at may nakadikit na light green stickynote. May gamot din sa tabi nito.
Kinuha ko ang stickynote at binasa ito.
Ipinagtimpla na kita ng kape. May gamot na rin dyan. Kung hindi ka rin lang kasi ubod ng tanga. Iinom inom ka ng pagkadami-dami tapos hindi mo naman kaya!
-Jared
Aba syempre uminom ako ng marami kasi nagselos ako kagabi! Siya kaya pagselosin ko ng malaman niya ang pakiramdam!
"Mommy! Mommy!"
"Nariyan na!"
Tumayo ako at napansin kong naka-pantulog ako na damit Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.
"Good Morning, mommy!"
"Good Morning din, baby."
"Mommy, ano yang naka-dikit sa noo mo?"
BINABASA MO ANG
My Cold-Hearted Husband
RomanceLove comes in an unpredictable way so watch out or you'll witness a cold journey with a free roller coaster ride of your life.