Chapter Thirty One

230 4 4
                                    

A/N: Hello po! Sorry, ang busy ko kaya ilang buwan na naman akong hindi nakapag-update. Short but very important update po ito hehe. Enjoy!

(Daniela's POV)

Kakatapos lang ng klase namin ngayong araw at kasabay kong naglalakad si Ella at Giselle sa labas ng school nung may biglang bumangga sakin kaya napasubsob ako sa naka-park na sasakyan. Tuloy-tuloy lang ang lakad ni Ella at Giselle, di yata nila ako napansin kaya mag-isa na lang akong bumangon.


"Miss, okay ka lang?" May tumapik sakin kaya napatingin ako at parang tumigil ang mundo nung makita ko kung sino yung nagsalita.


"Christopher?" Tumayo ako ng ayos at nagkatinginan kami.


Parang unti-unting nawala ang tao sa paligid namin at siya lang ang nakikita ko. Parang binalik ang dati nung una kaming nagkakilala sa parehas na scenario.


"Daniela..." Parang nataranta siya, hindi niya alam kung anong sunod niyang gagawin, kung lalakad na ba siya palayo o hihilahin ako at yayakapin.


Namiss ko siya. Shet, ilang taon ko na ba siyang hindi nakikita? Ilang taon ko na ba siyang hindi nayayakap? Ilang taon ko na ba siyang hindi natatanong kung kumusta na ba siya?


"Daniela, okay ka lang ba?" Hinawakan niya yung siko ko pero tinabig ko yung kamay niya.


Hindi, eh. Naghahallucinate lang ako. Wala siya dito, hindi pwede. Ilang taon na magmula nung talikuran niya ako, hindi pwedeng nandito siya. Hindi siya totoo.


Umatras ako at umabante naman siya na may pag-aalala sa mga mata. Ang mga mata niya...namiss kong titigan ang mga matang 'yan...


"Daniela..." Muli niya akong sinubukang hawakan at nung mahawakan niya na ako, hinigpitan niya ang kapit niya sakin. "Daniela, kausapin mo naman ako. Ngayon na lang ulit kita nakita." Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap. "Please, baby. Ngayon na lang ulit kita nakita, please. Miss na miss na kita."


Hindi ako sumasagot kaya humiwalay si Christopher sa yakap at tinignan ako.


"Daniela naman..."


Tinitigan ko lang siya sa mga mata. Nararamdaman kong unti-unting gumuguho ang mga pader na pinaghirapan kong buohin. Unti-unting lumalambot at natutunaw ang mga sama ng loob na namuo sa puso ko mula nung talikuran niya ako, kami. Unti-unting bumabalik ang lahat-lahat, mula sa pinaka-umpisa kung saan may tumulak din sa akin at napasubsob ako sa kotse at siya ang nandoon para tanungin ako kung okay lang ako... Bakit? Bakit kailangang bumalik pa?

My Cold-Hearted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon