Chapter One

3.2K 26 2
                                    

CHAPTER ONE

(Daniela's POV)

"Mommy, mommy! Ibili mo ko nung barbie na yun!" Jordan said.

Nasa mall kami at nagtuturo siya ng mga gusto niya. She's a girl at sobrang mahilig siya sa barbie collections. Tinuturo niya yung box na malaki na puro damit at isang barbie yung nasa gitna. Binuhat ko siya kaya kumapit siya sa balikat ko.

"Let's make a deal, baby. We'll eat first bago tayo bumalik dyan sa Toy Kingdom."

"Opo, opo!"

"Pero kailangan ubusin mo yung ibibili ko sayo." I smiled.

"Osige po, mommy!"

Bumaba kami at pumunta sa Jollibee. Ibinili ko siya ng caramel sundae at spaghetti at saka french fries na rin tapos yung sa akin burger champ. Habang kumakain kami, umismid si Jordan. Ubos niya na yung spaghetti at sundae pero nakatitig lang siya sa french fries.

"Busog na po ako, mommy. Pwede itake out na lang natin? Excited na po kasi akong mahawakan yung barbie eh."

"Okay, sige."

Pina-take out namin yung french fries niya tapos umakyat na kami at pumunta sa Toy Kingdom. Pagkarating namin, may batang babae at mag-asawang nakikipag-usap sa isang staff, Bibilhin na yata nila. Hinawakan ko yung kamay ni Jordan at pumunta kami dun sa staff na kausap yung mga parents.

"Excuse me, may stock pa kayo ng barbie na yan?" I asked.

"Wala na po ma'am, sorry po."

"Ah okay. Salamat."

Aalis na dapat kami ni Jordan kaso humarap sakin yung mommy nung batang babae.

"Nangongolekta ka pala ng barbie dolls? Ang cute naman."

I smiled. "Ay, hindi po ako. Yung anak ko pong babae yung mahilig sa barbie dolls."

"Anak mong babae? Bakit? Mukha ka pang teenager ah? May anak ka na?"

"Opo, meron na."

"Eh teka, ilang taon ka na ba at yung anak mo?"

"18 na po ako at etong anak--" Pagtalikod ko wala na si Jordan. Humarap ako dun sa babae. "Excuse me lang po ha, hanapin ko lang yung anak ko."

Umalis na ko sa harap niya at sinimulang hanapin si Jordan sa Girl's Section ng mga laruan tapos isinunod ko naman yung Boy's Section pero wala talaga. Nagsimula na akong mag-alala. Nasaan na ba kasi si Jordan? Lagot ako nito kay Jared.

Lumabas ako ng Toy Kingdom at kinuha ko ang phone ko sa bulsa saka dinial ang number ni Jared. Thank God sinagod niya naman agad.

"Hello."

"Jared... Jared si Jordan..."

Nagsimula na akong umiyak. Bakit ba ang tanga-tanga ko?

"What happened?"

"Jared nawawala si Jordan..."

"Nasaan ka?"

"Nasa mall ako. Nasa tapat ng Toy Kingdom."

"Antayin mo ko dyan."

Nag-antay ako ng ilang minuto abang umiiyak. Ang sama-sama kong ina. Bakit ba pinabayaan kong umalis si Jordan? Baka napano na yun.

"Wag kang umiyak dyan. Simulan na nating maghanap."

Inangat ko ang mukha ko at nakita ko sa harap ko si Jared na parang cool na cool lang. Hello! Nawawala yung anak namin!

My Cold-Hearted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon