"Saan naman tayo ngayon?"
Kunot ang noo kong tumingin kay Jhairon nang maisara ko ang zipper ng backpack ko.
Nasa underground parkinglot kami.
"Hindi ba binigay ko sayo kahapon ang schedule ng mga pupuntahan nating lugar." may iritasyon sa tonong sabi ko.
Napakamot naman ito sa batok niya habang may ngiti sa kanyang manipis at mapulang labi. Sandali akong natigilan at napatitig sa mukha nito. Kahapon ko pa napansin na tuwing ngumingiti ito ay naniningkit ang mga mata niya at lumilitaw ang malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi.
May itsura ang loko. Nag-iwas narin ako ng tingin at baka isipin niyang may pagnanasa ako sa hindi naman kapangitan niyang mukha.
"Bilisan na natin ng hindi tayo gabihin." saad ko at may pagmamadaling lumapit na ako sa sasakyang gagamitin naman. Agad naman itong sumunod sa akin.
Habang nasa byahe inabala ko ang sarili sa paggawa ng report tungkol sa naging lakad namin kahapon. Hindi ko kasi nagawa iyon kagabi dahil nakatulog agad ako paglapat pa lang ng likod ko sa higaan. Apat na barangay ang napuntahan namin kahapon at sampung barangay pa lang ang napu-puntahan ko bago dumating si Jhairon. Sa makatuwid may 34 barangay pa kaming kailangan puntahan.
Napabuntonghininga ako at itinigil ko ang pagta-type. Hindi ko alam kung magagawa kong puntahan lahat ng barangay bago matapos ang buwang ito. Ayokong mag-iwan ng trabaho sa ibang tao.
"Ayos ka lang?"
"Hah?" napatingin ako kay Jhairon.
"Ang lalim ng mga buntonghininga mo," aniya bago niya ako tapunan ng mabilis na tingin.
"Ilang bag nga pala ng mais ang hindi tumubo sa itinanim nung isang magsasaka sa barangay Gamo?"
"Hindi naman galing sa atin iyong itinanim niya."
"Hindi ba?" umiling lang ito.
Ibinalik ko ang atensyon sa laptop ni Ashley. Magta-type na sana ako nang magsalita ulit si Jhairon.
"Magiging employee of the year ka niyan sa sobrang sub-sob mo sa pagtatrabaho," aniya saka ito mahinang tumawa.
"Aalis na ako sa katapusan ng buwang ito," mabilis kong sagot.
"Bakit?"
"Bakit?" tanong ko pabalik.
"Ha?"
"Bakit mo tinatanong?"
"Nakita ko kasing mahal mo ang trabaho mo, kaya nagtataka lang ako kung bakit aalis ka."
Napatitig ako sa kanya. Nasa daan naman ang atensyon nito. Sa dami ng ka-trabaho ko at noong nakaraang buwan ko pa ibinigay ang resignation letter ko. Ngayon lang may nagtanong at pumansin sa mga ginagawa ko. Hindi ko inaasahang sa katulad niyang bago ko lang na-kasama nanggaling ang mga salitang iyon.
Hindi ko masasabing tama siya na mahal ko ang trabaho ko. Dahil para sa akin, ginagawa ko lang kung anong dapat gawin dahil iyon ang trabaho ko.
"Nagtatanggal raw ng empleyado ang Chairman kada dalawang taon. Feeling ko matatanggal ako kaya uunahan ko na."
Tumawa ito. "Nakita mo na ba ang Chairman?"
BINABASA MO ANG
The Boyish Heir(On-hold)
General FictionDaniel Buenavista, a boyish girl raised by her gay Father. Masaya at kuntento sa kanyang buhay ang dalaga, not until Jhairon came into her life. Hindi lang buhay nito ang ginulo ng lalaki, maging ang nanahimik niyang puso ay dinapay pa nito. Kaya la...