Chapter 12:

68 18 0
                                    


We make decisions without thinking because we feel it is the right thing to do. But when we wake up and realize what happened, we will go crazy asking ourselves why we let that happen. Tulad ko ngayon, at kung wala akong takot sa diyos kanina pa ako tumalon sa veranda. I keep on telling myself that it's okay… na pananagutan ni Jhairon ang nangyari sa amin, at hindi a-akto na parang walang nangyari sa amin. Pampalubag loob na rin sa sarili ko dahil wala na ito pagkagising ko, at sinabi ni Manang Josie na kinailangan nitong bumiyahe ng maaga pabalik ng San Antonio dahil may emergency raw.

“I just want to know what it feels like to have s**,” pangungumbinsi ko pa sa aking sarili.

Pero sinong niloko ko. Alam ko sa sariling kong hindi dahil na-curious lang ako kaya ako pumayag na makipag-s**. Gusto ko iyong nangyari, pero putang*** kasi! dapat hindi niya ako iniwan. Wala akong pakialam kung kulang ako sa tulog dahil madaling araw na kaming natapos. Sana inisip niya ang mararamdaman ko pagkagising ko na wala siya sa tabi ko.

I expected a romantic morning scene. Like I would wake up with his touch on my face or breakfast in bed. Pero tang*** talaga!, hindi na dapat ako naniniwala sa mga kwento ni Ashley sa akin. I should have known better, at pare-pareho lang ang mga lalaki.

Ngayon ko lang naiintindihan ang sinabi ni tatay na nakakasira ng katinuan kapag nagmahal ka. Kahit pa sabihing hindi pa tuluyang naangkin ni Jhairon ng buo ang puso ko, masisiraan naman ako ng bait sa ginawa niya sa akin. Siya ang unang lalaking bumiyak sa akin, hindi man lang siya nakonsensya na iwan ako. Nagpakasasa siya sa akin ng ilang rounds, hindi ba niya na isip ang epekto nun sa katawan ko.

Lumingon ako sa pinto ng may kumatok doon. Pumasok ako sa glass door at lumapit sa pinto para pagbuksan ang nasa labas.

“Sabi ni Sir Ron, dalhan kita ng makakain at maiinom na gamot pagkagising mo,” ani Manang Josie.

Kinuha ko ang tray na hawak nito saka ako nagpasalamat.

“Anong oras po siya umalis?”

“Mag-aalas kuwatro.”

Kung ganun dalawang oras lang ang tulog niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Pareho kaming pagod at malayo-layo pa ang San Antonio.

“Tumawag na po ba siya, Manang?” Iling lang ang isinagot nito.

Nang maisara ko ang pinto mabilis kong hinanap ang selpon ko. Hindi ko na itinuloy ang plano kong hindi ito kakausapin kapag tumawag ito sa akin.

“Magtatamo ka talaga ng dalawang black eye sa akin!” inis kong bulong sa sarili habang hinihintay kong sagutin nito ang tawag ko. “Bwisit!” sambit ko ng hindi ito sumagot.

Nakailang tawag pa ako pero wala pa rin itong sagot.

Alam ko namang hindi lang sa akin nangyayari ang ganito. Maraming tao diyan ang iniiwan ng nakaka-onenightstand nila. Pero alam kong responsableng tao si Jhairon, at alam kong may rason siya kung bakit niya ako iniwan. Kaya lang hindi naman siguro ikasisira ng pagkalalaki niya kung magte-text siya sa akin kahit tuldok lang.

Sa huli nakatulugan ko na lang ang paghihintay sa kanya, at umaasa akong nakabalik na ito paggising ko. Pero madilim na sa labas ng magising ako at desmeyadong napatulala na lang ako sa tabi ko.

“May byahe pa po ba papuntang San Antonio ng ganitong oras Manang?”

Nasa sala kami at nanonood ng news.

“Wala na, alas tres ng hapon ang huling biyahe.”

Kung hindi lang masakit ang katawan ko kaninang umaga nakaalis na sana ako.

“Ganun po ba. Pasensya na po makikitulog na naman po ako.”

“Ayos lang, ipinagbilin ka naman ni Sir Ron, baka bukas nandito na rin siya.”

The Boyish Heir(On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon