Chapter:16

34 3 0
                                    

People change for a better version of themselves. At sisimulan ko ang pagbabagong iyon, hindi para sa ibang tao pero para sa sarili ko. Kailangan kong sanayin ang sarili ko. Na hindi sa lahat ng pagkakataon naaayon ang pagiging matigas ko, at hindi kabawasan sa pagkatao ko ang pagpapakita ng kalambutan ng puso.

Nasa isang subdivision kami ni tatay ngayon at nasa harapan namin ang bahay ng magulang ko. Noong una hindi ako pumayag na kami ang pupunta sa kanila. Dahil unang-una sila ang nagkulang sa akin kaya nararapat lang na sila rin ang pumunta sa akin. Pero sabi ni tatay, walang mawawala sa akin kung ako ang pupunta sa kanila.

“Handa ka na ba?” tanong ni tatay.

Gusto kong ikutan ng mata si tatay, kung makapag-tanong siya akala mo papasok ako sa isang lugar. Na walang kasiguraduhan kung matino pa akong makakalabas.

“Hindi po ako magiging handa. Pero kailangan ko silang harapin para matapos na ‘to.”

Hawak kamay kaming lumapit sa mataas na gate ng bahay, at pinindot nito ang doorbell. Dalawang beses pang pinindot ni tatay ang doorbell bago bumukas ang gate.

“Sino po sila?” tanong ng babaeng naka-maid uniform na nagbukas ng gate.

“Magandang araw, Where here for Mr/Mrs La Demora. I'm Churls Buenavista and my daughter Daniel Buenavista.” Umangat ang kilay ko sagot ni tatay.

Hindi ako sanay na nag-i-english ito, at pormal ang pananalita. Kung hindi ko lang alam kung gaano kasalahurang magsalita ang tatay ko, maa-amaze na sana ako sa kanya.

Nang magpaalam ang babae at sabihing maghintay muna kami tinanong ko naman si tatay. “Ayos ka lang, Tay?”

“I'm fine, sweetheart. I need to act like I'm a well educated and professional man… Pfffft! Hahahaha!”

Napailing na lang ako at may sumilay na ngiti sa labi ko sa kalokohan ni tatay. Bahagya na ring kumalma ang mabilis na pintig ng puso ko. Nang kumalma na sa pagtawa si tatay, bumukas naman ulit ang gate. Niluwagan na ang pagkakabukas at sinabi ng babae kanina na hinihintay na kami ng mag-asawa sa sala.

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong makaramdaman ng galit habang papasok kami sa bakuran ng bahay. Ni hindi na ako nag-abalang ilibot ang paningin ko sa paligid. Mali yatang nagpunta kami, dahil kung talagang gusto nila akong makita. Dapat sila na ang nagpapasok sa amin, at hindi na katulong.

Minsan hindi rin talaga maihahalintulad sa mga palabas sa telebisyon ang buhay ng tao. Katulad na lang ng nangyayari sa akin. Iyong mga nasa palabas kasi kapag nagkita ang magulang at nawalay nilang anak. Ni ayaw na nilang mawala sa paningin nila ang anak nila, at sila pa ang gagawa ng paraan para mapalapit sa anak nila.

Sa kaso ko parang ako pa ang nangangailangan ng atensyon nila. Kung hindi ko lang kailangan ng kasagutan at hindi ako kinausap ni tatay, hinding-hindi ko sila pupuntahan.

“Daniella!” niyakap niya ako ng mahigpit.

Hindi ko naman magawang yumakap pabalik. Napansin niya iyon kaya lumayo rin ito sa akin.

“Nagpahanda ako ng mami-merienda natin,” ani Papa ni Jhairon.

Magkatabi kaming na upo ni tatay sa mahabang sofa. Tumabi rin sa akin ang tita ni Jhairon.

“Tatawagan ko si Jhairon.”

“Pwede po bang tayo-tayo muna,” sabi ko para pigilan ang CEO ng ANI.

Nagtagpo ang paningin namin at kumunot ang noo nito. Hindi ako nag-iwas ng tingin hanggang hindi ito ang unang umiwas.

“Totoo bang may relasyon kayo ni Jhairon?” diretsang tanong nito.

Gusto kong tumawa. Paano ko siya tatanggaping ama ko, kung mas interesado pa siya sa relasyon ko. Akala ko pa nga aayakin niya rin ako kanina. Pagkatapos ngayon malalaman kong hindi pala siya interesado sa akin.

“Ramon, huwag muna nating pag-usapan ang tungkol diyan. Ilang taon nating hindi kasama si Daniella–”

“Daniel po,” pagtatama ko.

Wala silang interest sa akin. Kaya wala rin silang karapatan na palitan ang pangalan ko. Umupo sa one-seater-sofa ang ama ni Jhairon. Dumating na rin ang ipinahanda nitong merienda.

Hinaplos ni tatay ang isang kamay ko, at ng lingon ko siya tipid niya akong nginitian. Gusto ko na siyang hilain paalis pero ayoko namang maging bastos.

“Five years ago when I learned about your existence…” pagsisimula ng ama ni Jhairon. “Hindi ko alam na ipinagbubuntis ka ng Mama mo ng maghiwalay kami.”

“Hindi ko sinabi sa kanya na may anak na kami ng magkabalikan kami. I'm sorry, Anak.” saad naman ng nagdala sa akin ng siyam na buwan. “Hindi pa ako handa noong maging Ina, kaya ng ipinanganak kita–”

“Iniwan nyo na lang po ako sa parlor ng mga bakla.” pagtatapos ko sasabihin nito.

Pinisil ni tatay ang kamay kong hawak nito. Ilang beses rin akong kumurap para alisin ang namumuong luha sa mga mata ko.

“I'm so sorry, anak.” Yumakap ito sa akin.

Hinayaan ko lang ito dahil iyon na ang huling pagkakataon na mayayakap niya ako. Paglabas namin sa bahay na ito, hinding-hindi na ako babalik. Umiiyak na rin ito habang nakayakap sa akin pero hindi ko magawang patahanin ito o kahit man lang haplusin ang braso nitong nakayakap sa akin. Wala akong maramdamang lukso ng dugo sa kanila.

Matagal ko ng tinanggap na si tatay lang ang magulang ko. Ni hindi ako naghanap ng kalingan ng buong pamilya kahit noong bata pa ako. Sapat na sa akin ang pagmamahal na ibinibigay sa akin ni tatay. Kaya siguro wala rin akong maramdamang koneksyon sa magulang ko.

Isa pa, limang taon palang ang nakalipas ng malaman ng ama ko ang tungkol sa akin. Ibig sabihin inilihim ako ng sarili kong Ina ng mahigit dalawang dekada.

“Kung maaga ko lang nakita ang ultrasound mo. Noon pa sana kita ipinahanap,” saad ng ama ni Jhairon.

Hindi pa sapat sa kanyang iniwan nalang ako basta. Mukhang wala rin siyang balak talagang sabihin na nabubuhay ako sa mundo.

“I’m sorry! Natakot ako na baka hindi ka tanggapin ng ama mo. Natakot akong baka isipin niyang ibang lalaki ang nakabuntis sa akin. Na ipapaako lang kita sa kanya.”

“Kailangan ko po palang magpasalamat sa ultrasound ko,” sabi ko sa malamig at sarkastikong tono.

“Don't use that tone to your mother. She's explaining and asking for your forgiveness.”

Sapat na ang mga narinig ko. Wala naring mababago kahit pa magpaliwanag at humingi sila ng tawag ngayon. Kaya tumayo na ako, at tinapunan sila ng mabilisang tingin. Gusto na ring kumawala ng mga luha ko at ayokong makita nila iyon.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. “Salamat at hinayaan mo akong mabuhay. Pasensya na kung nagdulot ako ng takot sayo…” umiling ito at pilit inaabot ang kamay ko pero lumayo lang ako. “Pero okay na ako, hindi ninyo kailangang punuan ang pagkukulang ninyo sa akin. Sapat ng nakilala ko kayo.”

Pagtalikod ko siyang pagbagsak ng luha ko. Mabilis ang naging hakbang ko palabas ng bahay, at pagbukas ko ng pinto nasa labas naman si Jhairon.

“Daniel,” mahinang sambit nito sa pangalan ko.

Gusto kong maramdaman ang mainit niyang yakap. Gusto kong marinig ang malamyos niyang boses na nagpapatahan sa akin sa pag-iyak. Pero bago pa ako magpatalo sa kagustuhan ko. Nilampasan ko ito at tumakbo na ako palabas.

Kulang ang salitang sakit para pangalanan ang nararamdaman ko ngayon. Walang tamang salita para sa ibinigay nilang paghihirap sa puso ko. Ang lalong nagpapahirap sa akin ngayon ay kapatid ko ang lalaking unang bumihag sa puso ko. Ang hirap buksan ng puso ko para sa magulang ko, dahil hindi ko kayang tanggapin ang katotohanang iyon.

Mahal ko si Jhairon, at hindi magbabago iyon kahit pa magkadugo kami. Kahit pa alam kong maling-mali itong nararamdaman ko.

The Boyish Heir(On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon