Chapter 21:

35 5 0
                                    

Ang mga tao sa probinsya lalo na iyong mga magsasaka, tanghali na para sa kanila ang gumising ng alas singko ng umaga. At para sa katulad kung ala syete ng umaga ang call time ng gising. Iritadong-iritado ako dahil alas-tres pa lang ng umaga gising na ako. Sa sobrang inis ko kanina ko pa ini-imagine na tinatalian ko sa leeg ng Lolo ko na siyang gumising sa akin. Pinasabog nito ang selpon ko sa walang tigil nitong pagtawag.

Dapat talaga blinock ko na ang number niya kagabi pa, nung tinawagan niya ako para lang siguraduhing nasa farmhouse pa rin ako. Hindi sana ako aburido ngayon at idagdag pa ang pumipintig na sakit sa likod ng ulo ko.

“Masasanay ka rin,” si Eloy na pangiti-ngiti habang hinihintay nitong maikarga sa loob ng jeep ang mga gagamitin raw sa pagluluto mamaya.

Pagbaba ko kanina ng magising ako naabutan ko na itong nagkakape sa sala. Hindi ko naman inasahan na maaga ring nagising ang Nanay ko, at ipinagluto pa ako nito ng agahan. Nagsisimula na itong magpaka-nanay sa akin pero hindi pa rin niya makukuha ang loob ko. Hindi ko siya kinailangan noon, hindi ko pa rin siya kakailanganin ngayon.

“Makakarating ba iyan sa pupuntahan natin?” tanong ko kay Eloy.

Ang tinutukoy ko ay ang jeep na sasakyan namin papunta sa maisan. Katatapos naming mag-agahan kaninang dumating itong jeep, at may sakay itong tatlong mga lalaki. Ang sabi ni Eloy ay mga mag-aani raw ng mais ang mga ito. At isa sa mga lalaki ang nagsabi sa kanya na isama ako, siyempre sa utos na naman ni Lolo.

“Anak, dalhin mo ito.” inabot niya sa akin ang kulay maroon na backpack. “Pamalit mong damit, at ipinagbalot rin kita ng cookies. Kainin mo kapag nagutom ka.”

Hindi ko kinuha ang backpack pero kinuha naman iyon ni Eloy. Hindi ko na siya sinita dahil ayoko ng dagdagan pa ang iritasyon ko.

“Halikana, Ma’am,” akay sa akin ni Eloy papunta sa harapan ng jeep.

Maliwanag na pero hindi pa sumisikat ang araw. Panay pa ang hikab ko habang palapit ako harap ng jeep.

“Mag-iingat kayo,” si Manang habang paakyat ako sa jeep.

“Eloy, ingatan mo si Daniel,” bilin naman ng Nanay ko.

Kahit labag sa loob kong narito ako sa farm, hindi naman ako maglalagi sa bahay. Akala ko bubulukin ako ni Lolo sa farm house kasama ang anak niya. Mabuti na ring ipinasama niya ako kila Eloy, hindi ko kailangang makipag-plastikan sa Nanay ko buong araw.

Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis na kami. Kaya lang hindi rin nagtagal ang ginhawang naramdaman ko dahil ilang metro mula sa gate ng farm house lubak-lubak na ang daan.

“Matulog ka muna, Ma’am.”

“Seryoso ka ba? makakatulog ba ako sa ganitong lagay. Kung hindi ako kakapit baka tumilapon ako palabas.” na bu-bwisit kong sagot.

Umaangat ng ilang pulgada ang pwet ko sa matigas na upuan ng jeep, sa tuwing may lubak kaming madadaanan. Kung hindi ako kakapit siguradong titilapon ako palabas.

“Pasensya na, Ma’am, hindi kasi namin maasikasong ibalik iyong pinto sa banda diyan. Anihan kasi kaya walang oras para ayusin itong jeep.”

“Dapat sa loob na lang ako,” inis kong sabi.

Nang tumingin naman ako sa rearview mirror na basag para tignan ang mga kasama namin. Maging sila ay kanya-kanyang kapit rin sa bakal sa itaas ng ulo nila.

“Papunta na kasi sa malawak na taniman itong daan, Ma’am, kaya hindi rin ito masimento.”

Ito rin ang hirap sa probinsya. Hindi na pinagtutuunan ng pansin ang mga kalsadang malayo na sa kabihasnan.

The Boyish Heir(On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon