“Good morning, Ms President.”Natigilan ako sa bating iyon sa akin ng security guard ng building. Akala ko binibiro lang ako nito kaya tipid ko lang itong nginitian. Kaya lang maging ang mga nakasabayan ko sa elevator ganoon rin ang pagbati sa akin. At sa unang pagkakataon nagsisi akong hindi ako naghagdan.
“Welcome back, Ms President,” ngiting-ngiti bati sa akin ni Boss Carlos pagdating ko sa office ng crop team.
“Anong nangyayari? Anong Ms President?” naguguluhang saad ko.
Nabawasan naman ang ngiti sa labi ni Boss Carlos, at bumalik na rin sa mesa nila ang mga kasama nitong sumalubong sa akin.
“Uyy, Ms President, pa-milk tea ka naman,” si Ashley na galing sa likuran ko.
Bago pa makalampas sa akin si Ashley, hinawakan ko ang braso nito at hinila palabas. Hila-hila ko ito hanggang sa makarating kami sa fire exit. Binitawan ko lang ang braso nito ng maisara ko na ang pinto. Naniningkit ang mga mata kong tumingin sa kanya.
“Anong trip ninyo?!” iritadong tanong ko.
“Anong trip ang pinagsasabi mo?”
“Tigilan mo ako sa pagmamaang-maangan mo. Pagugulungan kita sa hagdanan!”
Mabilis itong lumayo sa hagdanan.
“Ito naman! kailangan mo ba talagang manakot. Iyong tatay mo brinodcast sa buong building kung sino ka.” Kinuha nito ang selpon niya sa bulsa niya at may ipinakita itong video sa akin.
Tulad nga ng sabi ni Ashley, sinabi ng ama ko sa video na ako ang matagal na niyang hinahanap na anak. Ipinakita pa ang litrato ko, at sa huli ng video sinabi nitong ako na ang bagong President ng company.
“Ohhhh dibaaaa nakakaputa–”
“Sige! ituloy mu yan at gugulong ka talaga.”Tumawa lang ito saka niya kinuha sa akin ang selpon niya.
Hindi pa sapat sa kanilang pinilit nila akong bumalik sa trabaho. Ipinakilala pa ako sa lahat ng hindi man lang hinihingi ang opinyon ko.
Bago pa ako magkaroon ng sakit sa puso dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Nagmamadali na akong lumabas ng fire exit at diretso na rin palabas ng building. Hindi pa natatapos ang isang linggo simula ng makilala ko sila sobra-sobra ng bigat sa dibdib ang binigay nila sa akin. Tama bang ganito ang ipinaparamdam nila sa akin!.
Sa sasakyan habang patungo ako sa bahay nila, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Ayoko na sanang umiyak ng dahil sa kanila. Pero sobrang sikip ng dibdib ko lalo pa at paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ng kambal sa akin.
Pagdating ko, hindi na ako nag-aksaya pa ng kahit segundo. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-pindot sa doorbell hanggang sa bumukas ito. Ni hindi ko na pinansin ang katulong na nagbukas ng gate. Dire-diretso na akong pumasok.
“Daniella, anak. Anong ginagawa mo rito?” nakangiting salubong niya sa akin.
“Nasaan siya!” malamig kong tanong.
Nawala naman ang ngiti sa labi niya. Nakita ko rin ang sandaling pagdaan ng lungkot sa mga mata niya bago iyon napalitan ng pagtataka.
“Ang papa mo ba ang hinahanap mo?”
Gusto kong itama ang sinabi niya dahil iisa lang ang kikilalanin kong ama. Pero ayokong magtagal doon at kung wala siya aalis agad ako.
“Kailangan ko siyang makausap. Bawiin niya iyong mga sinabi niya!”
“Umupo ka muna, anak…”
Hindi ko na mapigilan ang galit ko.
“Wala siyang karapatan na mag-desisyon para sa akin!”
BINABASA MO ANG
The Boyish Heir(On-hold)
Fiksi UmumDaniel Buenavista, a boyish girl raised by her gay Father. Masaya at kuntento sa kanyang buhay ang dalaga, not until Jhairon came into her life. Hindi lang buhay nito ang ginulo ng lalaki, maging ang nanahimik niyang puso ay dinapay pa nito. Kaya la...