CHAPTER 1 DWYL

5 1 0
                                    

"Pasensya na anak pero kailangan mong huminto sa pag-aaral" yun kaagad ang bungad ni mama pagkauwi ko galing sa skwelahan. Inaasahan kona iyon, sa narinig kong away nila kanina ng tatay ay hindi nako dapat magulat.

Malungkot, ngumiti ako ng marahan upang hindi nya makita ang tunay kong nararamdaman

"Ayos lang po Inay, sa katunayan ay ayoko po munang mag-aral pagkatapos ng taong ito dahil totoo pong nakakapagod ang kuleheyo" ngunit ang totoo ay nanghihinayang ako, gusto kong makapag tapos, gusto kong may maabut sa buhay gaya ng pinapangarap sakin ni papa, gaya ng pinangako ko sakanya......

Umakyat ako ng kwarto at nagpaalam na may gagawin muna't bababa ako mamaya upang tumulong sa pagluto.

Life sucks.....

I sigh, kinuha ko ang picture ni papa sa ilalim ng kama, sorry pa, ang dumi mona ngumuso ako ng mapagtantong ilang araw....linggo....o buwan na mula nung huliing liinis ko sa lumang liitrato ng aking namayapang ama. Mapait akong ngumiti ng matitigan ang gwapo nyang mukha.....ang gwapo talaga.....bakit kasi.....ang aga mo kasi pa

tumayo ako at nilagay na sa lumang lamesa dito saking kwarto ang litrato ni papa. Ayokong maglaan ng matagal na oras sa pagtitig nun at baka maging emosyonal nanaman ako at lalabas pako para kumain. Mamaya nalang papa.

Tahimik kaming kumain ni mama at Tatay Martin sa hapag ng mag angat ng tingin sakin ang Tatay at tsaka sumulyap kay mama.

"Nasabi monaba Maria sa anak mo?" tanong bigla ni Tatay kay mama

"Ahh oo Martin, hindi naman tutol kay Sathia dahil nais nya din naman munang huminto at pagod padaw siyang magpatulooy ngayung taon, diba Anak?" baling ni mama sakin, maingat ang mga salita, na para bang ikakagalit ng asawa nya o ikakalungkot ko ang mga lalabas na salita sa bibig nya. Pero huli na, kanina pako kinain ng lungkot

"Opo nay" yun lang ang nasabi ko at nagpatuloy sa pagkain

"Abay dapat lang, ilang pera na ang nagastos ko diyan sa pag-aaral hindi ka naman yayaman diyan. Ilang taon paba ang tatapusin mo bago ka makakapag trabaho, wla pang kasiguraduhan kung gagraduate ka at papasa. Kaya mas mainam na tuluungan mo nalang ang nanay mo sa palengke atnang mabawas bawasan naman ang gastos ko dito sa bahay. Wala kanangang naitutulong sa pera, pabigat pa iyang pag-aaral mo." yumuko lamang ako at kinain ng hiya. Dahil totoo naman, sobrang pabigat na ako sa tumatayong ama dito sa bahay namin. Sampung taong gulang pa lamang ako ng mawala si tatang dahil sa isang aksidente. Labing isang taon naman ako ng makilala ni mama si Tatay Martin at siya na ang tumatyong ama sa bahay na ito simula noon.

Hindi naman ako tutol kay Tatay Martin lalo na at masaya naman si mama sakanya kahit papaano, hindi kolang gusto kung paano niya tratuhin si mama minsan na para siyang nag uutos ng isang katulong. Ni minsan hind iyon ginawa ni papa, halos lumuhod nanga siya sa pagsisilbi kay mama na kahit sa pag inom ni mama ng tubig ay siya ang nag iibig, ganun din siya saakin. Mahirap man kami, pero parang prinsesa kung paano niya ako tratuhin, at kung may prinsesa syempre may reyna, at iyon si mama. Napangiti ako.......hindi ka kailan man mapapalitan sa puso ko papa.....ikaw lang.......ikaw lang

"Aling Pering may wiggles papo kayo?" tanong ko kinabukasan sa paborito kung tindahan ng mapadaan ako dito habang bumibili ng ulam

"Dalawa nalang ang natira Sathia hindi ako naka pamili kahapon dahil wala si Ponse at wlang maghahatid sakin" ngumuso ako, dalawa? ang unti naman

"Nasaan po ba si Ponse Aling Pering? bat hindi ka niya sinasamahan gayong alam nyang hindi mo kayang mag isa?" tanong ko sa matanda, kumunot ang noo....medyo naiinis dahil kulang ang dalawang wiggles saakin. Kung bakit ba kasi wla si Ponse edi hindi ako makakakain ng paborito kong tsokolate

Drown with your LoveWhere stories live. Discover now