Alas singko ng hapon ay abala ako sa pagwawalis sa labas ng bahay ng mamataan ko ang pag pasok ng itim na sasakyan sa bakuran namin, tinigil ko ang pagwalis ko at hinintay na makapark ang sasakyan ng maayos
Wearing his shades, white t-shirt and a taslan shorts. . . lumabas si Mr. ceasar sa sasakyan. Nahuli niya agd ang mga mata ko habang sinisirado ang pinto
"Late ka" salubong ko agad sakanya
"Your waiting for me." giit niya. HIndi iyon tanong. . .
"Asa ka naman. Nagwawalis ako dito sa labas" Sabi ko at sinenyas ang mga tuyong dahon sa gilid
"Waiting for me while sweeping then. . ."
"Kapal ng mukha" binulong kolang iyon ngunit rinig nya ata dahil sa laki ng ngisi niya
"Shall we start?"
"Si Ponse?"
"He can't come" nangunot ang noo ko
"Bakit?"
He shrugged
"Busy?" Patanong niyang sagot sakin, hindi sigurado
"Summer, anong ka bubusyhan nya?"
"I don't know why don't you ask him instead of me?"
"Magkaibigan kayo" giit ko
"And your not?"
"Kayo ang laging magkasama these past few days"
"And your not?"
"Close kayo kaya panong hindi mo alam?"
Bumuntong hininga siya
"And your not?" Sagot niya sa ikatlong pagkakataon
"Isa pang your not mo at kukunin ko ang itak ni Tatay Martin upang putulan ka ng paa"
"Why are we talking about him anyway? I'm the one who's here so we should talk about me or you not the other people"
"Kaibigan ko si Ponse"
"Okay fine I'm not. It's not like I wanna be friends with you anyway" Sabi nya at nag iwas ng tingin
Sumama ang mukha ko
"I don't wanna be friends with you too unggoy!!" Sigaw tsaka siya iniwan doon at pumasok sa bahay
Narinig ko ang pagbati niya kay nanay kaya malamang sumunod na siya. Dumiretso lang ako sa kusina para uminom ng tubig at lumabas para puntahan siya. Nakita ko siyang nakaupo lng at nagmamasid sa bahay
"Nasa likod ang mga kahoy at iba pang gagamitin natin. Kunin mo dun at ilagay sa gilid ng mangga" utos ko sakanya, tumango lang naman siya at lumabas na para sundin
Aba masunurin ang hari
"Bat mo inuutusan iyon Sathia nakakahiya ka" Sabi ni mama
Ngumuso ako
"Biro lang naman yun nanay eh sumunod siya. Atsaka okay nayun no ambibigat ng ibang kahoy kaya"
"Hindi dapat ganun ang pag utos mo, para kang nag uutos lang ng isang kasambahay Sathia" pangaral nya sakin
"Si nanay hindi naman" tanggi ko
"Anong hindi? Kahit kailan ka talaga"
Eh hindi naman talaga. Anong gusto niyang gawin kong tono pag nag uutos? Maglalambing?
Lumabas nako at pumunta sa gilid kung saan doon inaarrange ni Mr. Caesar ang mga kahoy na gagamitin namin sa tree house
"Are this enough?" Tanong nya pagkalapit ko
Tinanggal nya ang kaunting pawis sa noo gamit ang likod ng kamay at nasa bewang ang isang kamay. Bakit ganun, kahit pawisan ay gwapo parin. Jusq naman Lord gising na gising bato nung pinaulan mo ang kagandahang mukha? Ang unfair tulog siguro ako sa mga panahong yun
"Tama na muna yan hihintayin natin si Ponse para makatulog siya sayo"
Natigilan siya at nung lingunin ko ay masama ang mukhang nakatingin saakin. Tinaasan ko siya ng kilay, huminga siya ng malalim
"I said. He. Can't. Come" madidiin niyang sabi
Pinandilatan ko siya ng mata
"Kung hindi iyon pupunta ay mag tetext yun saakin no tsaka hindi niya hahayaang tayong dalawa lang ang magkasama"
"Why? What's wrong of us being together?"
"Can't you speak tagalog ba? Dumudugo ang ilong ko sayo" tinuro ko ang puting t-shirt nyang namantsahan "Magpalit ka may dala kanaman sigurong pamalit diba?"
Naglakad ako sa gilid ng puno upang sipatin ang tamang paglalagyan ng tree house namin mamaya habang siya ay nakatingin lang saakin sumusunod sa galaw ko
"You haven't answered my question. What's wrong of us being together. . . alone?" Tanong niya pa kaya inis ko siyang tiningnan
"Ayoko sayo okay?" Diretsong sagot ko sakanya tsaka binalik ang tingin sa taas ng puno
"Yeah what's new. . ." Dinig kopang usal nya
"Pwede ba wagkang magpanggap na parang na affected ka kahit hindi naman? Wala dito si Ponse kaya tigil tigilan moyang paawa effect mo dahil hindi tatalab sakin yan"
"What?"
"What what magbihis kana doon at ang dumi mo"
"I'm not mas madumi si Ponse" mabilis kong nabaling ang paningin sakanya at sinamaan siya ng tingin
"Dinadamay mo ang kaibigan ko"
"Because you keep on mentioning him he's not even here" inis niyang saad sinamaan din ako ng tingin
"Malamang alangan namang ikaw ang iisipin ko?"
"If your with Ismael do you think of me? Or talk about me?"
"Huh? Bakit naman kita iisipin at bakit kanaman namin pag uusapan?"
"See? Tss you know what? Let's just stop talking and proceed to the plan. And please. . . don't talk to me if your just asking for Ismael, ako ang nandito pero siya ang hinahanap hanap mo. . . .it's not like you can't live without him anyway" binulong niya ang huling sinabi pero rinig koparin
Sinunandan ko siya ng tingin ng maglakad siya patungo sa hagdan at buhatin ito patungo sa puno ng mangga. Ano bang problema ng lalaking ito? Dinaig pa ang babaeng nireregla, laging galit, laging nakasimangot
YOU ARE READING
Drown with your Love
RomanceSathiandra Gaveaza has never been a fan of rich and handsome guys. Para sakanya, arrogante at walang modo ang mga ito. Walang ibang magawa sa buhay kundi puro pasarap at hindi alam ang salitang KASIPAGAN. Never in her entire life did she imagine bei...