CHAPTER 3 DWYL

4 1 0
                                    

Pinag hahati hatian namin ang mga bibilhin upang mabilis kaming matapos, si Ponse sa mga ulam, ako sa mga pagkain at ang kaibigan niya sa mga sabon at iba pa, gusto niyang mas madami sakanya eh pabida amp kahit hindi naman kabisado ang mall dito samin. Gaya ng inaasahan ko, mas mabilis kaming natapos ni Ponse dahil kabisado na namin kung saan nilalagay ang mga bibilhin namin, nagkita kami sa may counter at sabay na hinanap ang kaibigan niyang pabida.

Nakita namin siyang palinga linga na parang may hinahanap, tinawag na siya ni Ponse at sabay kaming naglakad patungo sakanya

"Tapos kana Real?" tanong ni Ponse ng makalapit kami sakanya

"I can't find this wiggles thingy, i can't find it." sabi nya at pinakita kay ponse ang listahan. KUmunot naman ang noo ko, bakit kongaba nakakalimutan ang piinunta dito. At bakit nasakanya ang wiggles? hindi ba pagkain ang nasaakin? akin dapat yan ah

"Ahh tara tara dito yan" nanguna agad si Ponse kaya sabay kaming sumunod sakanyya. Pagkarating ay kumuha agad siya ng maraming piraso at inilagay sa basket ko. Nakasunod naman ang tingin ko sa kamay niya mula sa pagkuha sa lalagayan hanggang sa paglagay niya sa basket na tulak tulak ko.

Kumunot ang noo ko ng mabilang na saktong trenta piraso lang iyon. Nasisiguro kong para lang iyong sa tindahan ng nanay niya dahil ilang beses naman na akong nakasama sa pamimili at laging trentang pack iyon. Sinamaan ko siya ng tingin ng makitang nanunuya ang tingin niya saakin, pinapanood pala ang reaksyon ko. Malakas siyang humalakhak ng makita ang masama kong tingin, narinig korin ang bahagyang pagtawa ng pabida niyang kaibigan kaya binaling ko sakanya ang masama kong tingin. Itinaas niya naman agad ang kamay niya, sumusuko habang innocenteng nakatingin saakin.

padabog kong hinawi ang katawan ng magaling kong kaibigan dahil nakaharang siya kung saan naka display ang wiggles at kumuha ng limang pack doon. Mabilisan ko iyong inilagay sa basket at rinig ko ang bahagyang pagkawala ng halakhak ni Ponse. Ngumiti ako ng matamis at walang sabi sabing tumalikod habang tulak tulak ang cart tsaka dumiretso sa counyter.

Narinig ko ang pag maktol ni Ponse kaya naman mas binilisan ko ang aking paglalakad

"Ang dami naman niyan. Balak mobang sirain ang ngipin mo?" reklamo niya ng makalapit sakin

"Wala kang pakiallam. Ilang pack na ang utang mo saakin sa paulit ulit na pangakong hindi naman natupad dahil isa kang malaking sinungaling!!!" singhal ko sakanya

Umawang ang bibig niya "Wow!! Anong pinaghuhugutan mo? Para lang sa wiggles? Really Thia?"

"Wag mong ma 'para lang, para lang' ang wiggles ko kung ayaw mong sipain ko iyang alaga mo Ismael" banta ko skaanya. Mabilis niyang tinakan ng dalawang kamay ang gitna nya at nanlaki ang matang nakatingin saakin

"Thia!! We're in public for. . . ." sinamaan niya ako ng tingin "bibig mo walang filter"

"It's not approciate for a kid like you to say that kind of words, especially in public" sabat naman ng pabida niyang kaibigan kaya tumingin ako sakanya at ano daw? Kid?

"Anong masama dun?" innocente kong tanong. Umawang ang labi niya, hindi makapaniwalang kinausap ko siya. Tumikhim ako at binaling ang tanong kay Ponse

"Anong masama sa sinabi ko?" Ulit ko

"Anong anong masama? It's you talking inappropriate stuff about boys thing" naiinis niyang sagot "In public Thia"

"Luh english"

"Ano ba seryuso ako" seryuso nga ata talaga siya, lumalaki ang butas ng ilong eh. Kingkong! nilingon ko ang kaibigan niya, isa pang kingkong! Mr. Ceasar pftt natatawa ako sa sariling naisip. Dapat kingkong at Gorilla, sino kaya ang mas mananaig? hmmm parang pareho lang ang dalawa ano

Drown with your LoveWhere stories live. Discover now