CHAPTER 2 DWYL

3 1 0
                                    

Nagbibihis ako sa aking silid ng marinig ang boses ni Ponse sa sala, kaya naman binilisan kona ang pag galaw at lumabas. Naabutan ko siyang nakaupo sa kawayan naming upuan habang kausap si nanay na nasa kusina. Maliit lamang ang bahay namin, kaya kahit saang parte ka ng bahay, kapag medyo malakass ang boses mo ay rinig ka pati ng kapit bahay naming mga tsismosa.

"Nay nagpapasama sakin si Ponse, pupunta kaming bayan at kami ang bibili ng mga paninda ni Aling pering. Saglit lang po kami Inay." paalam ko sa Nanay

"Oo nasabi na saakin ni Ponse Sathia. Mag iingat kayo doon ano, buti naman at may dalang sasakyan iyong kaibigan ni Ponse upang hindi kayu mahirapan sa paglakad. Malayo pa naman ang waiting shed" tumaas ang kilay ko. Walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang sasakyan kuno ng kaibigan nitong kaibigan ko

Nakita ni Ponse ang rekasyon ko sa sinabi ni nanay kaya naman bahagya siyang tumawa, peke na para bang hindi ko iyong mahahalata. Alam niyang ayaw ko sa mga mayayaman

"Una napo kami Nanay Beth. Wag po kayonng mag alala at aalagaan kopo ang prinsesa nyo. May dalaa po akong payong kaya makakaasa po kayong hindi siya maiinitan. Aircon din po ang sasakyan ng kaibgan ko kaya paniguradong lalamigin pati ang ulo nitong anak nyo hehehe" Tumayo na siya at hindi inalintana ang mga masasama kong titig. Naglakad nako papunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Nakakauhaw ang view ng kaibigan ni Ponse sa labas

"Oh sge ponse ikaw na ang bahala kay Sathia, okay lang gabihin basta ihatid mo. Sa loob mismo ng bahay namin Ponse"

"Opo nay makakaassa kayo. Ngapala magbubukass po kayo bukas? Alas sais ulit ang punta ko dito at tutulungan kona kayo"

"May gagawin ako bukas Ponse kaya liliban muna ako sa palengke, sa susunod na araw na ako magbubukas" napahinto ako sa pag inom at napalingon kay Inay

"San ka bukas Mang?" tanong ko sakanya dahil wala siyang sinabing may gagawin siya bukas

"May aassikasuhin lang ako anak hindi naman importante" kumunot ang noo ko sa sagot niya at magtatanong pa sana ng unahan niya ako

"Oh siya umalis na kayo at kanina pa naghihintay iyong kaibigan ni Ponse sa labas. napakainit at mukha pa namang hindi iyon sanay mabiladan ng araw" kaya napabuntong hininga nalang ako at inaya na si Ponse na lumabas. Bukas konalang siya tatanungin

Pagkalabas namin ay nakita namin iyong kaibigan niyang nakamulsang nakasandal sa labas ng kanyang sasakyan habang naka shades pa. Umayos naman siya ng tayo ng makita kami. Pormahan palang halata nang arrogante

"Hey" napapaos niyang bati ng makalapit kami. Halos mapapikit ako sa boses niya. Sasagot na sana ako ng naunahan ako ng magaling kong kaibigan. Tsaka kolang nakitang hindi siya saakin nakatingin, at mas lalong hindi ako ang binati niya!! Nakakahiya umamba pa namman akong sumagot.

"Uy pasensya na ah naghintay kapa ito kasing si Thia antagal magbihis para namang ikakaganda niya iyon" hindi ko pinagtuonan ng pansin ang paratang saakin ni Ponse dahil abala ako sa lalaking nasa harap na umangat ang gilid ng labi ng makita siguro ang umamba kong pagsagot sa bati niya. Napapikit ako ng marrin. Stupid! nakakahiya. Bakit koba naisip na ako ang babatiin niya eh hindi naman kami close!

"It's okay, I like it here anyway, the wind feels nice" sagot hindi habang hindi parin inaalis ang tingin niya saakin. Saakin ba siya nakatingin? hindi ko malaman dahil nakashades naman siya. At kung bakit ko iniisip na ako ang tinitingnan niya ay hindi ko alam!

Binuksan niya ang pinto ng kotse at dahil nadala na sa kahihiyan sa utak ay hindi ako gumalaw. Mamaya ay hindi iyon para saakin kahit ako naman ang katabi niya at malapit sa pintong binuksan niya. Mahirap na maging assumera, habang buhay mong dadalhin ang kahihiyan.

Drown with your LoveWhere stories live. Discover now