CHAPTER 4 DWYL

2 1 0
                                    

Dumaan ang Lunes, Martes at Miyerkules ay walang Ponseng nagpapakita saamin. Araw araw halos ang punta niya sa bahay, alas singko o alas sais para tulungan si nanay sa paghanda ng paninda dito sa palengke, ngunit dahil nakasanayan konang matagal magising ay paging hindi ko siya naaabutan.

HIndi ko alam kung hindi lang ba kami nagkaabut o talagang nagagalit siya saakin dahil sa nakarang alitan namin. Madalas naman ay hinihintay niya pa akong dumating sa palengke bago umalis, oh di kaya'y sinusundo niya ako sa bahay dahil medyo malayo ang waiting shed saamin, kung saan doon kami sumasakay patungong palengke.

Ngunit ngayon ay talagang galit nga ata siya. Ganun ba talaga kasama ang sinabi ko? Am i really that insensitive? Kasi kung ako ang tatanungin ay normal lang iyon. Siinabi kolang ang totoo kaya alam kong hindi iyo masama. Minsan mas mabuting manahimik nalang kung alam mong hindi magandang salita ang lalabas sa bibig mo. But then how will i know? eh insensitive nga ako diba

Ni hindi konga maubos ubos ang wiggles ko sa guilty dahil siya ang nagbayad nun. Nakanguso akong nagpatuloy sa pag aayos. "Isang kilo nito Sathia" mabilis kong inasikaso ang mga bumibili kaya hindi ko namalayan ang pag pasok ng nakakaagaw pansin na kaibigan ni Ponse. . . si Mr. Ceasar!!.

Anong ginagawa ng hari ng mga unggoy dito sa lungga ng mga daga?

Nandito ba siya para humingi ng tawad dahil alam nyang hindi kami nagkamabutihan ni Ponse ngayon at alam niyang siya ang may kasalanan?
Well then kung ganun man, hindi kosiya mapapatawad agad no!! Ngayun lang kami nagkaroon ng alitan ni Ponse sa tagal ng pagkakaibigan namin.....at dahil iyon sakanya!!!

"Anong ginagawa mo dito?" Tinanong ko agad siya ng bahagya siyang makalapit saakin.

Kapag talaga makita kolang siya ay kumukulo na agad ang dugo ko kahit wala pa naman siyang ginawa

"Busy ako sa pagtatrabaho at hindi iyon maiintindihan ng mga gaya mong pasarap lang sa buhay kaya umalis kana" Sabi ko habang nagpatuloy sa pag punas ng basket

"At pwede na wagkang lapit ng lapit saakin naparang close tayo dahil lang magkaibigan kayo ni Ponse, dahil kung kaibigan mo siya pwes ako hindi!"

"At wag karin--"

Sinilip ko siya ng makitang hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Napanganga ako ng makitang medyo malayo pala siya saakin.

Gusto konalang lamunin ng lupa ng makitang halos lahat ng mga tao sa palengkeng malapit saamin ay nakalingon sa banda ko. Yung iba nagtataka kung sino ang kausap ko, ang iba kung makatingin ay parang nasisiraan ako ng bait, may iba namang tiningnan ako ng nakakaawa. Nilingon ko ang gilid kung saan nakatayo si Inay at mas napapikit ako ng makitang pati siya ay nakaawang ang labing nakatingin saakin, hindi makapaniwalang nagsasalita ako mag isa

T*ngina lupa lamunin mona ako

Inangat ko ang ulo ko sa pagkayuko ng marinig ang bahagyang pagtawa ng kung sino. At kung minalas kanga naman kung kailan ayoko na siyang makita tsaka lang siya susulpot

Parang nakalimutan ko bigla ang guilty ko kay Ponsee lalo na ng magsimula siyang maglakad papalapit saakin habang tumatawa. Sumunod naman sakanya ang kaibigan niyang ngisi ng ngisi lang sa likod

Nang makalapit ay tsaka siya sumandal sa lamesa namin at magcross ang brasong tumingin saakin, tumatawa parin

"Ano yun Thia?"

"Tigilan moko"

"Ano yun? Akala moba ikaw ang pinuntahan niya dito?" malakas siyang tumawa "bakit kanaman niya pupuntahan?"

"Tumigil ka Ismael" banta ko at nilingon si Mr. Ceasar

"I'm sorry" sabi nya ngunit naroon parin ang ngisi sa mga labi

Drown with your LoveWhere stories live. Discover now