"SALAMAT SA paghatid, Niro. Galing mo talaga, lalaking lalaki ka na talaga." biro ko sa huli.
Sumasakay sa biro ko na nagpapogi siya, "Siyempre naman, Caroline na iyan, eh." gatong niya pa.
Mahina akong natawa at tinapik ang balikat niya, "Sige na nga, pasok na ako. Sunduin mo na lang ako dito bukas, ah? Baka hinihintay na din ako ni Nay-nay."
Ngumiti siya at namulsa, "Sige. Ikamusta mo na lang ako kina Nay-nay at Tay-tay." patukoy pa niya sa mga adoptive parents ko.
Tumango naman ako, "Oo naman ba, salamat ulit!" paalam ko pa sa kaniya bago pumasok sa bahay.
Agad na sumalubong sa akin ang bango ng luto ni Nay-nay at Tay-tay.
Napangiti na lang ako pero nasa pinto pa lang ako ay ramdam ko na ang pagsabay ng malamig na may kalakasang hangin na pumasok kasabay ko.
Napalunok ako ng malakas, gutom lang ito. Tama, gutom lang talaga ako.
Nilapag ko ang gamit ko sa may sofa bago lumingon sa paligid, "Nay-nay? Tay-tay?" tawag ko sa kanila.
Lumabas naman sila sa kusina, dala nila ang dalawang putahe ng ulam na niluto nila at ang juice sa pitsel naman ang dala ni kuya Jiji, ang biological son ng adoptive parents ko.
"Si Niro yung naghatid saiyo?" tanong ni kuya.
Tumango naman ako, "Oum, bakit?"
Ngumiti siya, "Kapag iyon naging straight, boto ako sa kaniya!" tumawa siya pagkatapos.
Napangiwi na lang ako, "Lakas ng tama mo, no?"
Tinawanan niya lang ako.
"Tumigil na nga kayong dalawa, kumain na lang kayo diyan." aya at saway sa amin ni Nay-nay, siniko naman ako ni Tay-tay habang tumataas baba ang kilay niya "Unatin mo kaya, anak?" hirit pa ni Tay-tay kaya napalo siya sa braso ni Nay-nay na ikinabungisngis namin ni kuya Jiji.
Nang maayus na ang mga pagkain ay umupo na kami, nagdasal muna kami.
Nang magmulat ako ng mga mata ay nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang isang babae na nakaputi, nakatayo siya sa hagdan at nakatingin sa akin.
Napakaganda niya. Her face could be compared to celebrities, kasama ba siya ni kuya Jiji?
Tumingin ako kay kuya na kuha na ng kuha ng mga pagkain at naglalagay na sa plato niya.
Kinalabit ko siya kaya lumingon siya sa akin, "Ano iyon?" tanong niya bago sumubo.
Nginuso ko iyong babae sa hagdan, "Kasama mo? Bakit hindi mo pinapasabay dito?"
Bigla ay nadura niya ang kinakain at parang nabilaukan pa, nabitawan naman nina 'nay at 'tay ang mga kubyertos at tinidor nila.
Humalukipkip si kuya, "Ano ba, Caroline? Nanakot ka diyan, eh. Kulang ka sa kain o sobra na, isa lang iyan sa dalawa, eh. Wala namang tao sa may hagdan! Siyaka wala akong kasama kanina noong umuwi ako, no!" sagot niya sa akin.
Natigilan naman ako at nanlamig. Nang tumingin ako sa hagdan ay nakabaliktad na gumagapang ang babae.
Ang likod niya ang nakaharap sa sahig habang ang paa niya ay nakabaluktot na parang buto sa katawan na pinilit baliin ko iporma sa estado nito ngayon. Ang ulo niya ay nakabaliktad, ang baba niya ang nasa una imbes na ang noo niya.
Ang maputla niyang balat ay nahahaluan na ng kulay putik, ang ilalim ng mga mata niya ay napakadilim sa itim.
Ang ngiti niya na mamuntikang umabot sa ilalim ng mga mata ay mas dumagdag sa kaba na nararamdaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/354281345-288-k929297.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Istorya sa Likod ng Mitolohiyang Pinoy #5 : Patawad, Rosalie | ✔️
HorrorRozille Villa University, isang kilalang unibersidad dahil sa kalidad at ganda nito. Ngunit isang araw, lahat ay nagbago. Ang mga ngiti at tawanan ng mga estudyante ay napalitan ng pagtangis at pagbuwis ng dahil lang sa krimeng nangyari ilang taon n...