“BECAUSE IF IT WERE, i wouldn't be so lost that i can't recognize my own children.”
Lumuha siya at nagsimulang humagulhol. The way he sobs, it ached my heart.
Humihikbi siyang tumingin sa mga mata ng mga magulang niya, “IS IT REALLY FOR MY OWN GOOD?! Ha! Saang parte iyon naging good, huh?”
His voice sounds like he want to makes them pay for something. Something that he lost as he obeyed their orders.
Sa boses niya ay tila pinaparating niya ang kagustuhang manumbat. Ang kagustuhang magsisi sila. At ang kagustuhang makasama pa sana ang babaeng nagpakita sa kaniya ng kagandahan mabuhay.
Suminghal ang dean, “Hindi pa dito lahat nagtatapos, sinasabi ko saiyo!”
Nakakapagtaka na tila nababalisa ang mga mata niya. Hinawakan niya sa kamay ang principal at patakbong lumabas ng gate.
Hahabulin din sana siya ni Mr. Bianchi nang hawakan namin ang kamay niya, “Tumawag po muna tayo ng tutulong... Baka nandoon sa ilalim ng lupa na iyon si Rosalie. Ang... Nanay ko.”
Nilingon niya ako at naluluha akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang paghalik niya sa noo ko, “Sorry...” humagulhol siya, “Sorry, anak...”
Mapait akong napangiti habang lumuluha na rin. Napatingin ako sa puno at nangunot ang noo nang hindi makita roon ang nakakatakot na hitsura ni Rosalie kanina.
✞︎ ·𖥸· ✞︎ ·𖥸·✞︎ ·𖥸·✞︎
“BILISAN MONG KUMILOS!”.
Nangunot ang noo ng ginoo sa biglang pagkataranta ng asawa niya, “Ano ba kasi iyon?!” sigaw niya habang nagmamaneho siya.
“Basta bilisan mong magmaneho papauwi sa bahay!” sigaw ulit ng ginang.
Naiirita man ay sumunod ang ginoo sa ginang. Naasar siya at naiirita sa biglang ugali ng asawa na parang nahihibang na.
Nang makarating na ang mag-asawa sa parkehan ng bahay nila, ng mga Bianchi.
Walang sinayang na oras ang ginang at bumaba na agad sa kotse. Siyaka tumakbo papasok sa loob.
Agad siyang umakyat sa kwarto nila at nag-impake. Mas lalong naguluhan ang ginoo, “Nababaliw ka na din ba, ha?! Bakit ka—!!”
Matalim na tinitigan niya ang asawa, “Manahimik ka na nga lang, pwede ba?! Ilagay mo na sa mga maleta iyong mga pera!!”
“Ha?! Anong pera?!”
Naiirita niyang hinagis ang isang maleta sa asawa niya. Hindi man lang iniisip na baka masugatan o masaktan ito, “Basta iyong pera!! Doon sa may basement!! Iyong tinago natin!! Ano ba?!”
Naiinis, nagagalit at nasasaktan. Naghahalo ang mga emosyon na iyon sa damdamin ng ginoo. Para siyang alipin kung utusan at sigawan ng asawa niya.
Naiinis na kinuha niya ang maleta at padabog na bumaba sa basement nila.
Madilim sa ilalim. Bawat tunog na ginagawa ng galaw niya ay umaalulong sa loob.
Sa kakaibang dahilan ay kinakabahan at pinagpapawisan kahit nilalamig bigla ang ginoo.
Napahawak siya sa dibdib niya ay napailing, “Tumatanda na talaga ako.”
![](https://img.wattpad.com/cover/354281345-288-k929297.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Istorya sa Likod ng Mitolohiyang Pinoy #5 : Patawad, Rosalie | ✔️
TerrorRozille Villa University, isang kilalang unibersidad dahil sa kalidad at ganda nito. Ngunit isang araw, lahat ay nagbago. Ang mga ngiti at tawanan ng mga estudyante ay napalitan ng pagtangis at pagbuwis ng dahil lang sa krimeng nangyari ilang taon n...