“KINAKABAHAN ako sa mga salitaan ni Caroline!” reklamo ni Ajhed nang makaupo kami sa damuhan dito sa may garden ng university namin.
Hindi pa rin napapanatag ang puso ko, huminga ako ng malalim nang hindi nag-iisip at aksidenteng napatingin sa ilalim ng puno ng balete.
Talagang doon may naka-angat na lupa, parang nay tinakpan na matagal nang naganap.
May punit na tela din sa ilang paligid nito pero halatang luma na at matagal nang nandoon.
Nangunot ang noo ko habang mas tumitingin roon, “Caroline, huy!” pasigaw na tawag sa akin ni Fatima na siyang gumising sa akin.
Napatingin tuloy ako sa kaniya na lumulutang ang utak, “Ano iyon?” tanong ko.
Ngumiwi siya, “Ayos ka lang ba, ha? Kanina ka pa namin tinatawag, eh. Bibili daw ng inumin si Niro, tinatanong ka namin kung ano ang saiyo.”
Marahan niyang inayos ang buhok niya pagkatapos siyaka tumingin sa akin na may pagtataka ang mga mata. Ngumiti na lang ako habang ramdam ang paghaplos ng malamig n hangin sa balat ko.
“Kahit ano sa akin, kung ano sa inyo... Gano'n na lang rin ako,” sagot ko habang may tipid na ngiti.
Ito na naman ang kakaiba kong nararamdaman sa tuwing napapalapit ako rito sa garden, kahit noon pa ay ito at ganitong ganito na talaga ang nararamdaman ko. Mabigat na malumanay ang pagpintig sa puso ko na mas nagpapasakit at nagpapakaba sa akin.
Pinakatitigan ako ni Niro bago siya ngumiti, “Sige na, bibili na muna ako,” paalam niya bago naglakad paalis.
Tumikhim si Pearl, “Magtatanong pa sana ako kaso huwag na, mukhang malalim ang iniisip mo, eh.”
Napatingin ako sa kaniya at mapait na mahinang tumawa, “Hindi naman sa gano'n. May naglalaro lang sa isip ko, ano ba iyong itatanong mo?”
Ngumiwi siya habang tumitingin ang mata niya nang marahan papunta sa lalaking nasa ilalim ng puno, siya iyong nasa office din ng principal at dean.
Malungkot ang mga mata niya habang hinahaplos ang lupa na may umbok siyaka mapait na ngumiti. Kahit sa pagngiti niya ay halata ang lungkot roon.
Mapait na may halong asar na tumawa si Ajhed, “Mukhang mas malalim ang iniisip ni kuya, ah.”
Mahina kong pinalo ang kamay niya na ikinanguso niya, “Joke lang siyempre.”
Nangunot ang noo ko nang mapansin na pamilyar ang mukha niya sa akin pero alam kong ngayon pa lang kami nagkikita.
Marahas akong lumunok at umiwas ng tingin nang makaramdam ako ng pagpapawis.
Kinalabit ako ni Zeni, “Ayus ka lang ba, Caroline?”
Tumango na lang ako, “Oo, bakit naman hindi? Siyaka, diba may reporting pa kayong apat nina Fatima, Pearl at Ajhed mamaya? Asikasuhin niyo na muna iyon. Kaya ko ang sarili ko.”
Nanlaki ang mga mata ni Pearl, “Oo nga pala, no!”
Agad siyang napatayo at hinila sina Fatima at Ajhed siyaka din si Zeni, “Sorry, besh! Aalis na kami! Nakakaiyak, hindi pa pala namin iyon nasisimulan!”
Natatawang tumango na lang ako, “Iyan kasi, unahin niyo din kasi ang mga sarili niyo. Take care, ah. Ingat kayo sa daan.”
Tumango lang si Pearl at nagmamadaling umalis, napangiti na lang ako siyaka tumingin sa lalaki nang mapansing pinakatitigan niya ako. Kumurap ako at tumingin sa likod ko pero wala o kahit sa paligid ko, ako talaga ang tinitignan niya.
Kinabahan ako nang tumayo siya at naglakad papunta sa akin, “Miss Caroline? Narinig ko na tinawag kang gano'n ng mga kaibigan mo.”
Napatingin ako sa kaniya, matangkad siya. Sa tingin ko ay magkasing tangkad kami.
BINABASA MO ANG
Mga Istorya sa Likod ng Mitolohiyang Pinoy #5 : Patawad, Rosalie | ✔️
HorrorRozille Villa University, isang kilalang unibersidad dahil sa kalidad at ganda nito. Ngunit isang araw, lahat ay nagbago. Ang mga ngiti at tawanan ng mga estudyante ay napalitan ng pagtangis at pagbuwis ng dahil lang sa krimeng nangyari ilang taon n...