✞︎ EPILOGO ✞︎

6 2 0
                                    

“CAROLINE!” sigaw ni Ajhed habang papalapit sa akin.

Sinarado ko ang zipper ng maleta ko at nilingon siya.

Ngumiti ako, “Ikaw pala!”

Ngumiti siya at nilapitan ako, “Kamusta ang buhay States, ha?” tanong niya sa akin na ikinatawa ko.

Mahina ko siyang binatukan, “Baliw ka. Si Niro ang galing States, nakalimutan mo na ba? Nabubuang ka na naman.”

Napahawak siya sa dibdib na parang nasaktan, “Grabe ka naman sa nabubuang. Para naman tayong walang pinagsamahan niyan. Magkaibigan tayo, ano? Paalala ko lang.”

Natawa na lang ako sa kaniya. Tinuro niya ang maleta ko, “Para saan iyang mga iyan?”

Ngumiti ako, “Ito iyong dadalhin ko doon sa pagbabakasyunan natin. Nakalimutan mo na naman ba?” namemeywang na tanong ko sa kaniya.

Tumawa siya at nag-peace sign, “Siyempre joke lang. Kinakabahan ako kay Niro!”

Napakurap ako, “Bakit naman?”

Ngumiwi siya, “Aba naman! Baka mamaya puro English speaking na lang iyon, no!”

Tumawa ako at tumingala sa kisame, "Ayus lang iyan, kaya mo pa naman.”

Umingos siya at humalukipkip. Humawak siya ulit sa dibdib at ngumiwi, “Ano iyon? At least, i'm breathing, gano'n? Aba, aba, aba! Kapag dating kay Niro, okay lahat? Gano'n ba iyon, ha? E'di kayo na.”

Pinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib habang namemeke ng mukha na ikinatawa ko.

“Bakit ka pala napapunta dito?” tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin, “Sunduin natin mamaya si Niro! Kahit sagarin niya ako ng English, okay na lang pala. Bebe mo naman siya.”

Nanlaki ang mga niya at tumawa na ikinalabi ko.

“Tumigil ka na, ah! Mula noon hanggang ngayon. Ganyan ng ganyan ka pa rin,” tinuro ko siya habang nagbibigay babala na ang tono ng boses na ikinatawa niya.

“Sus! Sige na nga, titigil na muna ako.”

Napailing na lang ako. Ilang taon na ba ang lumipas matapos ang taon kung kailan nangyari iyon? Napangiti ako sa isipan ko at nilingon si Ajhed.

“Tara na?”

Napakurap siya.

“Ngayon na ba agad?”

Tumawa ako, “Kailan ba dapat?”

Ngumiwi si Ajhed, “Hindi ka naman excited, no?”

Natawa na lang ulit ako, “Kanina kasi nag-text na din si Niro. Nagpapasundo na din siya.”

Napa-amang ang bibig niya at tinuro ako, "Tapos nandito pa tayo? Patupi-tupi ka pa diyan, ha? Patingin nga ng chat niya!”

Tumawa ako, “Oh!”

Kinuha ko ang phone ko at binigay iyon sa kaniya.

From : NIROroller coaster ako sa emotion😬😣

Heyyy:<

Can you fetch me?

Mga later naman;>

I think, one?

Are you gonna punta?

“Si Niro ito?” tanong ni Ajhed siyaka tumawa.

Napangiwi na lang ako habang umiiling, “Oo nga.”

Tumawa ulit siya, “Iba na, eh! Tignan mo, conyo na!”

Mga Istorya sa Likod ng Mitolohiyang Pinoy #5 : Patawad, Rosalie | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon