Sa nakalipas na mga taon ay masasabi ni Davidson na masaya siya para sa pinsan. Habang sinusuportahan at pinagmamasdan niya ang mag-asawa ay nakaramdam siya ng ginhawa. It was a relief that Raye and Gia's marriage was strong despite their ups and downs. Mas pinatunayan nilang walang makakatibag sa pagmamahal ng bawat isa noong katulad niya, nahirapan din silang magkaanak.
The married couple was frustrated. Nagpa-test na rin sila sa iba't-ibang doctor, kahit ang mga doctor na pinuntahan niya dati nung bagong kasal pa siya. But then, the couple didn't give up; David witnessed their support for each other. Pinatotoo ng mag-asawa sa kanya na kahit anong unos pa ang dumating sa pagsasama ng mga ito'y nasa likod pa rin sila ng isa't-isa.
And now, six years have passed. Halos tatlong taon din ang hinintay ng mag-asawa hanggang sa tuluyan silang biniyayaan ng anak. Their last resort was IVF. It was a long and complicated process, but they are happy now.
"Uncle David!" agad itong tumakbo palapit sa kanya.
Thalia is the name of Raye and Gia's daughter. Malapit ng mag-tatlong taon ang babaeng anak ng pinsan niya. Their daughter was jolly, fluffy, and beautiful. Nakuha nito ang berdeng mata na nagpapakilala na ito'y Monteverde.
Kaagad niya ring binuhat ang pamangkin na ikinagalak naman nito.
"How are you, my little cutie niece?" tanong ni David, habang pinisil-pisil ang matabang pisngi nito.
Humagikgik naman ang bata sa sinabi niya. "Uncle, tapos na po ba bakasyon niyo po?"
Nagbakasyon siya ng dalawang buwan sa Greece. Dumeretso agad siya sa bahay ng pinsan pagkatapos niyang magpahinga sa kanyang bahay at ayusin ang dinalang gamit.
David smiled. "Why, miss mo na ba si Uncle? Baka magtampo ang Papa mo."
And, speaking of, Raye had just entered the living room with his wife, Gia.
"Nakabalik ka na pala, David. Sa lahat talaga ng pwedeng mamiss ng anak ko, ikaw pa."
Napapailing na lang siya. Halatang nagtatampo dahil minsan sutil ang pamangkin niya sa ama nito.
"Nagtatampo ka lang kasi ako ang paborito niyang Tito," pang-aasar niya sa pinsan.
Sinamaan lang siya nito ng tingin, pero tinawanan niya lang. A genuine smile appeared on his lips while looking at his cousin's family. Unlike before, Davidson changed. The love between Raye and Gia made a little change in his heart. He witnessed their happy moments and sad ones. Their battles and new goals.
Naroon pa rin naman ang sakit, pero hindi na katulad noon na halos kalimutan niya ang sarili, at idamay ang kapaitan ng pag-ibig niya sa iba. But still, he couldn't say. Hindi niya pa rin masasabi kapag nagkataong makita muli niya ang dating asawa. Will he be angry? Will his resentment toward her return? Davidson didn't know.
"Dito ka na rin maghapunan, David. Sigurado akong hindi ka kaagad papauwiin ni Thalia." Napabalik siya sa realidad sa sinabi ni Gia. Napatango na lang siya.
At talagang sigurado siyang hindi lang siya basta kukulitin ng bata mamaya. And true to Gia's words, talagang kinulit siya ng bata na magkwento tungkol sa naging bakasyon niya sa Greece.
*****
"So? How are you, my cousin?" Kapagkuwan ay tanong ni Raye sa kanya.
"I'm okay. So far, good." Tanging aniya, habang pinagmamasdan ang iilang bituin sa madalim na kalangitan.
Thalia is with her mother. Napagod ito sa pakikipaglaro sa kanya. Samantalang sila naman ni Raye ay nagmumuni sa balkonahe. The night was still long, kaya't napagdesisyon na muna nilang magkumustahan.
"Totoo na ba 'yan? Hindi na ba katulad ng dati?" tanong muli nito.
Davidson knew what Raye meant. A sigh escaped.
"As far as I know, I'm not drinking anymore whenever I have nightmares. Pumupunta na lang ako dito para makipaglaro kay Thalia, para maibaling sa iba ang isip ko." Tugon niya.
Raye tapped his shoulder. "Mabuti naman kung ganoon. I thought you would be the same six years ago."
Mukhang nakahinga ito ng maluwag. He chuckled as he saw Raye's relieved face.
"Mukha ba akong hampaslupa at gan'yan na lang ang ginhawa mo?" Naiiling na tanong niya sa pinsan.
Raye indecorously looked at him. "Seriously? You are asking?"
"What?" Natawa siya rito.
"Couz, kung alam mo lang." Naiiling ito na para bang inaalala nito ang mga nangyari noon. "Kahit hindi ko naman obligasyon, araw-araw may alarm na ako kung anong oras kita gigisingin. I even type on my notes kung ano ang pwede kong ipasuyo sa'yo para naman makalabas ka sa bahay mo dahil lagi kang amoy alak. At kahit nagseselos ako kapag nagluluto si Gia para sa'yo, kasi nga brokenhearted ka raw at hindi ka naman nakakapagluto, hinayaan ko na. Now, yes. Talagang ang laking ginhawa ngayon sa'kin."
David was surprised and thankful to Raye. Baka hanggang ngayon ay nasa lugmukan lang siya, at hindi pa nakakabangon.
"Isa pa, ayoko ring matulad ka sa'kin-kayo ng asawa mo." Kapagkuwan ay wika niya.
Ipinangako na noon pa man ni David sa sarili na poprotekatahan niya ang isa sa mga taong tumulong, at ang pamilyang nagkalinga sa kanya.
"Hindi mo pa rin ba nakakalimutan si Nesi? Are you still love-"
"No." David stopped Raye. "It still hurts, but the love I had for her is gone now."
"Then, why?" tanong ni Raye.
Hindi pa rin alam ni Raye ang dahilan kung bakit ganito ang sinasabi ng pinsan. As if his cousin had already given up love.
"Raye, I had a broken and failed marriage. I just don't want you two to be like me—like us. Ayokong mangyaring iwan ka rin ng taong mahal mo. Especially you, I know that if Gia leaves you, you will be more of a mess than me. Dahil sa ating dalawa, ikaw ang may mas mahirap na pinagdaanan bago mo tuluyang mapakasalan si Gia." Litanya ni David sa pinsan.
Hindi naman nakaimik si Raye sa sinabi ni David.
And Davidson knows Raye's story. Laking pasasalamat talaga niya sa pinsan na hindi pa rin ito sumuko upang makuha ang mahal nito.
"Don't invalidate your feelings and what you've been through, David." Napatingin nalang si David sa sinabi ni Raye. He didn't expect to hear that from him. "Pain is pain, couz. Maliit man o malaki, sugat pa rin 'yon. You've been hurt. And it doesn't change the fact that it was pain no matter how lucky or unlucky we are. Kaya 'wag mong sasabihing sa ating dalawa, ako ang may mahirap na pinagdaanan."
David wanted to tease Raye but found himself smiling and thanking him.
"Geez, thanks, couz. I owe you."
Siguro'y kung wala lang noon ang pinsan niyang palaging binubulabog siya, baka hanggang ngayon ay mas tumindi pa ang kapaitan niya sa buhay. Remembering those days, he was a mess. At sa nalaman niya ngayon mula sa pinsan maging ang ginawa nito para sa kanya, hindi niya iyon makakalimutan. He will forever be grateful for what Raye did.
Raye smiled and looked at the same night sky. "Don't worry about that, couz. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang naman. We are family. And family helps each other."
Sumang-ayon siya rito. This time, Davidson was hopeful for something—for his cousin's family.
I hope their love conquers all.
YOU ARE READING
Monteverde Series 3: Lost In His Arms
Romance"Love really hurts people." That's what he thought when his ex-wife cheated on him. Davidson Riley Monteverde is a cold man on the outside, but he is fragile and vulnerable inside. He thought all women were like his ex-wife. Bitter, that's who he is...