Lost 6

33 0 0
                                    

Thalia's christening is happening today. Ilang minuto na lang ay pupunta na sila sa simbahan. Katheryn smiled at Thalia, who had been giggling as she dressed in her cute, girly white dress. Halos isang linggo na siya sa bahay ng mga Monteverde. Her employer, Gia, is beautiful and kind; ganoon din ang asawa nito sa kanya. Katheryn thanked Ate Cherry for this opportunity.

Kung hindi dahil dito ay baka hanggang ngayon namomoblema pa siya kung saan kukuha ng perang pantustos sa pag-aaral ng kapatid niya. Plano niya kasing makapag-ipon para sa pag-aaral ng kapatid niyang si Katarina para sa kolehiyo. Sa ngayon ay nasa Grade Eleven na ito. Katheryn never graduated college; hanggang second-year lang siya noon nang tumigil siya. Namayapa ang mga magulang nila ng dahil sa aksidente. Mabuti na nga lang ay bago pa mawala ang mga ito ay naayos na ang titulo ng lupa ng bahay nila, kung kaya't walang habol ang mga kapatid nitong sakim.

Katheryn was so grateful that she could save enough money for Katarina's needs in the province. Sa ngayon ay ang kapatid ang nasa bahay, bumibisita naman doon ang pinsan ng ama niya-ang tiya Kaila nila. Mas may tiwala na noon pa man ang ama niya rito kumpara sa mga kapatid ng ama niya na halos gustong angkinin ang tirahan nila.

"Yaya," tawag naman ni Thalia na nagpabalik sa realidad ang isip niya.

"Hmm? May kailangan ka ba, Thali?" Marahan na sabi niya sa alaga. Thali na rin ang itinawag niya rito na ikinatuwa rin naman nito.

"Sasama po ba you sa church? Gusto ko po, kasama ka, yaya. Para po mag-play-play tayo." Katheryn slightly pinches Thalia's chubby cheeks. Na-ko-cute-an siya sa bata at sa paano ito magsalita.

"Hmm, oo naman, baby. Pero saka na tayo mag-play-play kapag okay sa mommy mo. Tsaka, binyag mo ngayon, behave muna tayo, okay ba 'yun?"

Tumango naman si Thalia, kahit pa medyo nakanguso ang mga labi nito.

Madali naman pakiusapan si Thalia. Katheryn awed the kid; even at her age, Thalia could understand her. At the age of three-even stuttering some difficult words-she can speak like a five-year-old. Siguro kung sa kanya, sa edad na tatlo baka naglalaro pa rin siya sa putikan, o kaya naman palambi-lambitin sa kung saan.

Kapagkuwan ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Kaagad naman na lumiwanag ang mukha ni Thalia, saka siya lumingon at nakita niya ang pagpasok ng pinsan ni Raye. Kaagad naman na tumakbo ang alaga niya sa tiyuhin nito.

"Uncle David!" masayang bati ni Thalia, habang buhat-buhat ito ng tiyuhin.

Katheryn heard Davidson's sweet greetings for Thalia. "How are you, little princess?"

Hindi naman sumagot ang alaga niya, pero pinipisil ng pamangkin nito ang pisngi ng tiyuhin na hinayaan naman nito. Thalia's giggling made Davidson sweetly smile at the kid. Nakita iyon ni Katheryn, at para sa kanya'y mabait ang lalaki, pero minsan talaga'y hindi niya pa rin mahanap ang timpla nito. When their eyes met, Katheryn silently greeted Davidson, but the latter ignored it and focused his attention on his niece.

Lihim naman napaismid si Katheryn kay Davidson.

Napakasungit naman nitong lalaking 'to. Pinaglihi ba 'to sa sama ng loob?

Simula nu'ng bumalik ito mula sa bakasyon kahapon ay mainit na ang tingin nito sa kanya. Para bang may ginawa siyang kasalanan kahit wala naman. Katheryn always sees his furrowed eyebrows and cold stares at her.

Kapagkuwan ay gusto namang magpabuhat sa kanya ni Thalia. "Uncle, I want Yaya Kathy to cawy me, po," medyo nabulol at magalang na wika ni Thalia sa tiyuhin nito.

"Huh? Why?" Lumukot tuloy lalo ang mukha nito at tiningnan pa siya ng masama.

"Hmm, I want to be hugged and cawy by Yaya." Nakanguso namang pagpipilit ni Thalia sa Uncle Davidson nito.

Monteverde Series 3: Lost In His ArmsWhere stories live. Discover now